1014 Kumalma ka, aking munting anghel Xian Yu!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling makita ni Ye Wan Wan kung sino iyon, nandilat ang kanyang mga mata, at siya ay nagulat. Tila gumuho ang mundo, at malapit ng mabaliw.

P*ta p*ta P*ta! Han Xian Yu! Bakit kailangan si Han Xian Yu pa!

Mas nakakatakot ito kaysa sa makakita ng multo sa umaga!

Kasalukyang, walang ibang hinihiling si Ye Wan Wan kundi ang lumipad sa langit o kaya lumubog sa lupa upang magtago. Gayumpaman, dahil sa siya ay tumakbo papunta sa kanya, hindi na siya nagtago pa.

Ang panlaban sa nangangalit na bagyo sa loob ni Ye Wan Wan, ng makita ni Si Ye Han si Han Xian Yu, wala siyang reaksyon at sumulyap lamang sa lalaki. Ito ay parang hindi isang tao o bagay ang maaaring mangulo sa kanya. 

Walang humpay na nakatitig si Han Xian Yu kay Si Ye Han, at kailangan niyang lawakan ang pagkontrol sa sarili bago niya mapigilan ang kanyang poot at maingat na nagsalita, "Mr. Si, wala ka bang gustong ipaliwanag? Anong meron sa babaeng ito?"

"Paliwanag?" walang emosyong tinanong ni Si Ye Han.

Tuluyan ng nilamong ng poot si Han Xian Yu, at emosyonal na siniyasat si Si Ye Han, "ipagkakaila mo pa din talaga ito? Nagsisinungaling ka sa kanya, pinaglalaruan ang kanyang nararamdaman, at nakikipagkita sa ibang babae ng hindi niya alam!"

P*ta p*ta p*ta! Himinahon ka, aking munting anghel! Hindi ito tulad ng iniisip mo!

Ako si Ye Bai! Ako mismo si Ye Bai!!!

Emosyonal na naguguluhan si Ye Wan Wan, ngunit hindi niya maipaliwanag ito sakanya. Pakiramdam niya talagang sasabog ang kanyang isipan!

Ngayon, ang tangi nyang kaligayahan ay hindi siya nakikilala ni Han Xian Yu!

Sabay pa nito, ang malala ay hindi siya nakikilala ni Han Xian Yu at iniisip na siya ay ibang babae!

Ang malala pa dito, ang pagiging agresibo ni Han Xian Yu ay nagdulot pa ng panlilisik ng mata ni Si Ye Han at mapanganib na tingin...

Nang makita ni Ye Wan Wan ang itsura ni Si Ye Han, alam niyang mapapasama ang mga bagay bagay.

Sh*t! Baby, wag! Naguguluhan na ako, wag ka nang makisabay!

Gustong pigilan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han, ngunit huli na.

Ang malayo at mapanghamak na tingin ni Si Ye Han sa makatwiran at nagagalit na lalaki sa kaniyang harapan. Talagang napakalamig ng kaniyang boses. "Tama. May karelasyong akong isang babae, pero anong karapatan at anong estado ang meron ka para tanungin ako?"

Tinakpan ni Ye Wan Wan ang kaniyang mukha at hinawakan ang kanyang ulo. Sh*t, pagkatapos ng lahat...

Hindi makapaniwala si Han Xian Yu. " ikaw… ay talagang…"

Talagang inamin niya ito at hindi man lang humihingi ng tawad o nagsisi man lang!

"G*go!!!"

Habang naiisip ni Han Xian Yu ang magiging itsura ni Ye Bai kapag nalaman niya ito. At kung paano ang pagkasira nito sa kaniya ang pagpipigil niya ng galit ay biglang sumabog, at sinapak si Si Ye Han sa mukha-

Nang makita ito ni Ye Wan Wan siya ay namutla sa pagkasindak!

Sh*t! Wag! Maaari mo akong saktan pero hindi ang mukha ng aking baby!

Walang pakialam ng tumayo si Si Ye Han sa kanyang kinaroroonan ng walang kahit na anong pangungunot ng noo.

Sa sandaling makita ang papalapit na kamao ni Han Xian Yu sa mukha ni Si Ye Han, paanong natitiis ni Ye Wan Wan ito? Kaagad siyang humarang ng parang kidlat sa kamao ni Han Xian Yu gamit ang isang kamay at pinrotektahan si Si Ye Han na nasa kanyang likuran.

"Ah-Jiu, ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?" balisang tinatapik ni Ye Wan Wan ang mukha ni Si Ye Han at hindi kumalma hanggang sa makita niya ang kanyang balat ng kahit na anong galos.

Tumingin pababa si Si Ye Han kay Ye Wan Wan, at ang kanyang nalilisik na mga mata ay kumalma ng kaunti ng makita ang balisa ni Ye Wan Wan.

"Ikaw…" namangha si Han Xian Yu sa isang maselang babaeng tulad niya ay naging matapang; nangilabot ang kaniyang kamay mula sa pagkakaharang ni Ye Wan Wan.

Gayunpaman, hindi hinayaan ni Han Xiang Yun ang bagay na ito at maangas na sinabi, "Miss, pakiusap tumabi ka!"

avataravatar
Next chapter