912 Kumakatok si kamatayan sa pintuan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Si Ming Li si Tang Long at medyo nainis siya. "Tang Long, sakto lang ang pagkarating mo - isang tao lamang ang pinapakuha ko sa inyo pero ginulo niyo ang sitwasyon at hinayaan niyong masaksihan ng isang bata ang nangyari!"

"Gusto ko siyang patayin para manahimik siya pero hindi nila pinapakinggan ang utos ko. Ako na lang ang papatay sa kanya dahil hindi naman nila ako pinapakinggan. Mukhang nagkukulang ang pagiging propesyonal ng Noise of Dragons mercenary group."

"Yung bata na ito?"

Nagsalita si Tang Long ag lumapit siya sa kamera.

Biglang lumiit ang mga mata ni Tang Long nang makita niya ang mukha ng batang lalaki. "Saglit…"

Yung batang ito… nakita ko na siya noon sa Europe...

Ang prinsipe ng Nie family!!!

Paano nangyari ito!

Bakit magpapakita ang prinsipe ng Nie family sa bahay ng babaeng ito?

Pero hindi importante ito.

"Pakawalan niyo siya!" Sabi ni Tang Long nang walang pag aatubili.

Napakunot si Si Ming Li. "Anong sinabi mo?"

Tang Long: "Ang sabi ko, pakawalan niyo ang batang ito."

Galit na galit na si Si Ming Li. "Tang Long! Nababaliw ka na ba?"

Nagalit si Si Yi Qian sa paraan ng pananalita ni Tang Long.

"Kayo yata ang nababaliw - alam niyo ba kung sino ang batang ito?" Binalot ng galit ang eleganteng mukha ni Tang Long. Sa sobrang pagka-iritable niya, tinanggal niya ang salamin at pinisil niya ang noaebridge niya.

"Isa lamang siyang batang makulit at makikita naman sa pananamit niya na mag pera at kapangyarihan lamang ang pamilya niya, iyon lang!"

Nainis si Tang Long habang dinidiin niya ang bawat salita na sinasabi niya, "Ang apelyido niya ay Nie!"

"Ano naman kung ang apelyido niya ay Nie? Sinabi na ng batang ito, 'di ba? Kakaunti lang ang pamilya na may apelyidong Nie. Sinong magsasabi na 'hindi' kung malaman man nila na ako ang pumatay sa batang ito?" Sabi ni Si Ming Li.

Sinabi na ng batang ito na ang apelyido niya ay Nie...

Siya nga iyon; huwag niyong isipin na ibang tao siya.

Sigurado si Tang Long na tamang tao ang nakuha niya. Tumawa siya at tiningnan niya si Si Ming Li at si Si Yi Qian na para bang patay na tao ang tinitingnan niya. "Tsk, ang Nie family ng Imperial City? Sinong nagsabi sayo na… siya ay nanggaling sa Nie family ng Imperial City?"

Sa oras na iyon, lumapit ang matipunong lalaki sa batang lalaki...

Naging manhid ang tingin ni Ye Wan Wan. Sumakit ang ulo niya nang makita niyang papatayin na nila ang batang ito.

Tumayo sa iisang pwesto ang batang lalaki. Wala siyang pakialam at mayabang siyang nagsalita na may kaunting kaawaan: "Mukhang hindi niyo pa rin naiintindihan ang ibig sabihin ng Nie Clan."

"Anon kalokohan ang Nie clan? G*gong bata ito! Mamamatay ka pa rin ngayon kahit na makapangyarihan at impluwensyal ang pamilya niyo—"

Nagsalita ang matipunong lalaki at ang malapad niyang mga kamay ay humapas at mahigpit niyang hinawakan ang bata.

Sa isang saglit...

"BANG—"

Huminto ang imahe sa video call. Ang matipunong lalaki na dapat papatay sa bata, ay tumalksik sa kwarto na parang saranggola na nasira ang tali. May laki ito na 1.9 metro at malaki pa ang katawan.

"Anong nangyari?" Napahinto si Si Ming Li at Si Yi Qian. Muntikan nang lumapit ang kanilang mga mukha sa camera lens.

Nakita nilang nakabagsak na ang pintuan ng kural sa labas at biglang dumating ang dalawang balingkinitang mga lalaki sa harap ng lahat.

Naglakad ang dalawang lalaki patungo sa batang lalaki at yumuko sila. "Young master!"

Young… young master?

Nabigla ang confidant ni Si Yi Qian, ang matipunong lalaki at kahit si Si Yi Qian at Si Ming Li rin ag natameme. Hindi nila inasahan na may susugod sa kanila.

avataravatar
Next chapter