2 Kaya niyang tiisin ang lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Oh…

Ngunit paano ako magbabago?

Kay Si Ye Han, mas madaling durugin si Ye Wan Wan kaysa sa isang langgam. Nakukuha niya kahit anong gusto niya.

Huminga nang malalim si Ye Wan Wan at pilit na tinanggal ang kanyang takot sa lalaki.

Siguradong may iba pang paraan!

Mabuti na ito dahil hindi na siya ang dating hangal, tanga, at mapusok na kabataan.

"Oh my god! Wan Wan…" bigla niyang narinig.

Sa pagkakarinig niya ng boses na ito, nanigas siya at lumingon sa may pintuan.

Agad niyang nakita ang isang mukhang hinding hindi niya makakalimutan.

Isang magandang mukha na walang sinuman ang maghihinala——

Siya ay ang kanyang matalik na kaibigan noong previous life niya!

"Wan Wan, paano ito nagawa sa iyo ni Mr. Si?" lumapit kaagad si Shen Meng Qi at hinawakan ang kanyang kamay. Tinignan niya ang magulong kama at nagtaka sa katawan ni Ye Wan Wan na bugbog sa pasa.

Tumungo si Ye Wan Wan habang tumitingin sa kanyang mga kamay na binabalot ng sakit dahil sa mahigpit na hawak ni Shen Meng Qi. Sa pagkakataong ito, hindi niya na nakaligtaan ang itinatagong pagseselos nito.

"Wan Wan, ayos ka lang ba? Okay ka lang ba? Wan Wan, 'wag mo akong takutin!" pag-aalala ni Shen Meng Qi. Nakita niya na kakaiba ang mga titig ni Wan Wan at napaisip kung may mabigat ba siyang pinagdaraanan.

Pinanatili ni Ye Wan Wan ang kanyang pagiging kalmado at tinanggal ang kanyang mga kamay. Umiling siya at sinabing, "Ayos lang ako."

Sa kanyang previous life, ang dahilan kung bakit walang sawang pinahirapan siya ni Si Ye Han ay dahil kay Shen Meng Qi.

Maraming naging pagtatalo si Ye Wan Wan at Si Ye Han at hindi niya ito sinabi kahit na kanino

maliban kay Shen Meng Qi, ang pinakapinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Ngunit sinong hindi mag-aakala na…

May itinatago pala talagang pagtingin si Shen Meng Qi kay Si Ye Han; matagal na niyang inaasam ang titulong "Mrs. Si". Sa harap ng nakararami, tinutulungan niya si Ye Wan Wan ngunit ang totoo, ginagamit niya lang ito upang mas mapalapit kay Si Ye Han. Maraming beses din niyang sinubukan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa na nagdulot ng matinding galit ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan.

Hindi napansin ni Wan Wan ang mga panloloko ni Shen Meng Qi. Lubos pa ang kanyang pasasalamat dito dahil sa mga pagiging tulay sa kanilang relasyon ni Si Ye Han.

Sa pagtingin ni Ye Wan Wan sa kanyang repleksyon sa salamin, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang ngumiti ng walang kasiyahan.

Ang katotohanan, itong kakila-kilabot na panloloko ay ideya ni Shen Meng Qi, na sinang-ayunan naman niya.

Kahit na paano man siya makita ng iba, basta't kamuhian siya ni Si Ye Han, wala na itong iba pang katumbas na halaga.

Ngunit ang hindi niya inaasahan ay kahit na nakakasuklam ang kanyang itsura ay natitiis pa rin itong lahat ni Si Ye Han.

"Paanong okay ka lang sa ganitong itsura? Wan Wan, 'wag kang mag-alala, tutulungan kita!" malungkot na sinabi ni Shen Meng Qi.

Umirap si Ye Wan Wan sa kanyang loob loob. Oh, sige.

Ang Shen Meng Qi na mula sa kanyang previous life ay ganito rin, sagana sa pag-alok ng tulong upang matulungan siyang makatakas at humihingi ng tulong kay Gu Yue Ze.

Ngunit sa dulo, pinagtaksilan siya ni Shen Meng Qi at sinabi kay Si Ye Han na siya ay "magtatanan" kasama si Gu Yue Ze.

Ito ang nagpalala ng kanilang pag-aaway ni Si Ye Han. Simula noon, naging mainitin ang ulo nito at hindi mahula-hulaan ang iniisip. Hindi na niya kaya pang tiisin ang kanyang pagiging seloso.

Ang pagharap kay Su Ye Han ay parang panliligaw kay kamatayan.

Bakit nga ba sobrang tigas ng kanyang ulo noon? Nakikinig at sinusunod pa siya noon kay Shen Meng Qi kung saan nasasaktan lang siya paulit-ulit.

Hindi pa nasisingil ng Ye Family ang kanilang paghihiganti. Inaantay pa rin siya kanyang mga magulang sa kanilang bahay at kailangan pa rin niyang gabayan ang kanyang kuya sa tamang landas. Napakarami pa niyang dapat gawin.

Kinailangan niya munang pakalmahin si Si Ye Han; hindi pa niya kayang gawin ang kahit ano na maaaring magbunsod ng kanyang galit. Inihanda niya ang kanyang sarili laban sa isang nakakatakot na kalaban.

"Wan Wan, intayin mo ako! Babalik ako para sayo!" sinabi ni Shen Meng Qi ng may pagpapahalaga lamang sa kanyang sarili. Umalis na rin siya.

Pagkaalis ni Shen Meng Qi, ang pagiging walang pag-asa at marupok na ekspresyon ni Ye Wan Wan ay naging malamig at walang pakiramdam.

Ang hindi mabilang bilang na pagsubok ni Shen Meng Qi para hikayatin siyang tumakas ay hindi nagtagumpay. Sa huling pagkakataon, siya ay pinagsususpetyahan ng pangangaliwa. Tila ba'y determinado na si Shen Meng Qi na sirain ang buhay ni Ye Wan Wan hanggang kamatayan.

Kaya tignan natin…

Sino ang mamamatay ngayon.

avataravatar
Next chapter