587 Kaya niyang akong buhayin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang ilang oras, sa restaurant:

Bumalik si Si Ye Han, na bigong makakuha ng kahit anong tulong.

Naghihinnalang tumingin si Ye Wan Wan sa kanya. Bakita ang tagal mo?

Matapos ulit makumpirma ni Liang Wan Jun at Ye Shao Ting kay Ye Wan Wan na si Si Ye Han ang kanyang boyfriend na inilarawan niya noon, bahagya silang kumalma.

Gayon pa man, isinaalang-alang muna ni Ye Shao Ting ang kanyang sasabihin bago humarap kay Si Ye Han at nagtanong, "Mr. Si, maaari ba akong magtanong ng ilang katanungan sa iyo?"

Si Ye Han: "Opo."

Sumabat si Ye Wan Wan, "Daddy, mommy, ako nalang tanungin ninyo kung may gusto kayong malaman."

"Huwag ka magsalita, Wan Wan," mahigpit na binalaan siya ni Ye Shao Ting.

"Oh…" sumunod na lang si Ye Wan Wan, ngunit ang kanyang puso ay walang tigil sa pagtibok.

Ayon sa nakagawian ng lahat, ang kanyang magulang ay siguradong magtatanong sa tungkol sa mga magulang ni Si Ye Han at tanong na nauugnay sa kanyang trabaho. Kung siya ay magbibigay ng teknikal na sagot sa mga tanong na ito, ang lahat ay magiging maayos… tama?

Katulad ng inaasahan, nagsimula na si Ye Shao Ting sa kanyang pagsisiyasat: "anong trabaho ng magulang mo Mr. Si?"

Si Ye Han: "Patay na po ang ama ko."

Ye Shao Ting: "Kung gayon… ano naman ang iyong ina?"

Si Ye Han: "Hindi matukoy kung nasaan siya ngayon."

Nagulat si Ye Shao Ting. "Paumanhin?"

Sinuring mabuti ni Liang Wan Jun, "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi nakapagsalita si Ye Wan Wan at napahawak ang kanyang kamay sa kanyang ulo…

Gusto kong maging tapat ka para magustuhan ka nila, pero hindi mo kailangan maging sobrang totoo, diba...

Tapat na sumagot si Si Ye Han, "Iniwan na niya ang kanyang pamilya noong mga panahong nagsisimula pa lang siyang magkaisip."

Nagtinginan si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun sa isa't isa saka nagpatuloy na nagtanong si Liang Wan Jun, "Kung gayon ano ang trabaho mo?"

Si Ye Han: "Walang ginagawa sa bahay."

Napabagsak na lang ang ulo ni Ye Wan Wan sa lamesa…

Tapos na ang relasyon na ito…

Wala ng ama, nawawala ang ina at walang trabaho - sinong magulang ang ipagkakatiwala ang kanilang anak na babae sa kamay ng lalaking ito, ha?

Tulad ng inaasahan, nagdilim ang mukha ng magulang ni Ye Wan Wan. 

Sinubukan ni Ye Shao Ting ang kanyang makakaya upang mapanatili ang kanyang pagiging mahinahon at nagpatuloy, "Kung gayon paano mo nakilala si Ye Wan Wan?"

Direkta akong nakuha…

Nang sagutin ni Si Ye Han ang tanong, ang lahat ay nagulat!

Kaagad na sumagot si Ye Wan Wan bago pa makapagsalita si Si Ye Han, "Daddy, Mommy, hayaan mong ako ang sumagot nito! Hindi magaling sa salita ang aking boyfriend! Naghiwalay na ang magulang ng boyfriend ko nang siya ay bata pa kasi hindi naging maayos ang pagsasama nila. Ang kanyang ina ay na sa ibang bansa sa buong taon at wala ng kahit anong kontak sa kamag-anak dito, kaya hindi niya alam kung nasaan ito ngayon. Ngunit nabalitaan niya sa kanyang kaibigan na maayos lang siya at ang kanyang ama naman, namatay ito sa isang aksidente sa trapiko…"

Pinangasiwaan na ni Ye Wan Wan ang gulong inilarawan ni Si Ye Han sa isang ordinaryong senaryo dahil lang sa ilang pangungusap.

Nang marinig ang sinabi ng kanilang anak, bahagyang umayos ang mga mukha nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun.

Kahit na hindi sila masyadong natuwa sa sitwasyon ng pamilya ng ibang partido, hindi rin naman sila magaling sa kanilang sarili, kaya hindi na sila huling ng marami. At saka, ang mga bagay na katulad nito ay hindi aabot pa sa younger generation para magdesisyon siya.

Magaling magsalita si Ye Wan Wan. Hindi man lamang kumurap ang kanyang mga mata nang siya ay nagpatuloy, "siya ay kasalukuyang walang ginagawa sa bahay dahil siya napakaabala noon halos wala na rin siyang oras sa akin, kaya kumuha siya ng ilang oras mula sa trabaho para lang samahan ako. Siya ay nakatanggap ng magandang treatment sa trabaho at mayhawak na isang posisyon sa Si Corporation…"

Mas lola pang naging maayos ang mukha ni Ye Shao Ting. "Maganda ang Si Corporation…"

"Oo, oo! Siya ay mayroong isang pirming trabaho at halos walang posibilidad na matanggal - tiyak na magagawa niyang sustentuhan ako!"

Haha… katulad nino ang magtatanggal naman sa kanya…

avataravatar
Next chapter