919 Kaugali ng kanyang tatay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dinala ni Ye Wan Wan ang batang lalaki sa little house of Rose at nabigla siya noong bumiyahe sila.

Isa lamang ang nasa isip niya noong buong biyahe niya: Paano ko aalagaan ang batang ito?!

Wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata!

Lumaki ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makarating sila sa entrance ng bahay habang tinitingnan niya ang dalawang bodyguards.

Oo nga pala, ang dalawang ito ay laging kasama ni Nie Tang Xiao. Siguro alam nila kung ano ang diet, kilos at lifestyle ng bata.

"Kayong dalawa…"

Bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, naunang humarap si Nie Tang Xiao sa dalawang bodyguards at nagsalita siya ng pambatang boses, "Pwede na kayong umalis. Si mommy na ang mag-aalaga sa akin."

Hindi na nag atubili ang dalawa nang marinig nila ang sinabi ng bata. "Opo!"

Mabilis na umalis ang dalawa hanggang sa wala nang makakita sa kanila...

Inunat ni Ye Wan Wan ang kanyang braso...

Uy, huwag kayong umalis!

Umalis lang sila ng ganoon!

Totoo ba?!

Bakit nila iniwan ang isang bata sa akin? Wala akong alam sa pag-aalaga ng mga bata!

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang munting siopao na nasa harapan niya at muntik na siyang mabaliw.

Sa huli, sumuko na lamang si Ye Wan Wan...

Humarap si Ye Wan Wan sa dalawang lalaki na nasa likod niya. "Tang Bin at Song Qiang, hanapin niyo ang iba!"

Malalagay sila sa maayos na sitwasyon dahil nangako na si Tang Long na hindi sila sasaktan nito.

"Opo!"

Mabilis na hinanap ng dalawa ang iba pa nilang kasamahan. Sa paghahanap nila, sila ay napunta sa attic.

Maayos ang kalagayan ng tatlo pa nilang kasamahan; nakatali lamang sila at iniwan sila sa may attic.

Agad na pinutol ni Tang Bin ang Song Qiang ang mga tali ng tatlo nang mahanap nila ang mga ito.

""Paano kayo nakabalik? Anong nangyari kay master? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Bakit naman malalagay si master sa panganib! Ang kabilang panig nga ang na-peligro, eh!"

Naisip ng tatlo na ang tinatagong kapangyarihan ng master nila ang nagpalaya sa kanila sa lugar na iyon.

"Tama, pero hindi natin nagampanan ang tungkulin natin na protektahan si master. Kailangan nating mag-sorry at magmakaawa tayo sa kanya na patawarin tayo!" Sabi ni Old Jiang at sumang-ayon na rin ang iba.

Ang ilan sa kanila ay dali-daling bumaba ng hagdan.

Noong handa na silang magmakaawa sa kanilang master, napansin nila sa malayo na… ang master nila ay may kasamang bata?

"Uh… saglit lang naman nawala si master, ah. Bakit may bata na siyang dinala dito?" Nagulat ang mataba.

Nagtaka rin si Old Jiang. "Anong nangyayari, Tang Bin at Song Qiang? Paano kayo nakabalik dito?"

"Ahhhhh! Kawaii! Ang cute! Kaninong baby yan? Saan siya nanggaling!" Ang buong atensyon ni Jiao Jiao ay nasa batang lalaki.

Nagtinginan si Tang Bin at Song Qiang at kanilang sinabi, "Amin yan! Ang batang ito ay… anak ni master…"

"ANO? Anak ni master?!" Nagulat si Jiao Jiao at biglang sinara niya ang kanyang bunganga.

"Leche!" Nagulat ang mataba. "Paano nangyari iyon?"

"Bakit gulat na gulat kayo? Kami mismo ang nakarinig na anak ito ni master!"

Tinitigan ng mataba ang batang lalaki at nabighani siya nang makita niya ito. "Oo nga eh, kamukha niya pa kamo si master! Yung maliit niyang mukha ay katulad ng kay master, tama, 'di ba?!"

Sumang-ayon si Tang Bin. "Oo, oo, napansin niyo rin na kamukha niya si master. Napansin din namin ni Qiang-ge na kamukha niya nga si master!"

Hinaplos ni Song Qiang ang kanyang baba at sinabi, "Kamukha nga ni young master si master, pero ang ugali niya ay kakaiba, hindi ba? Ang weird…"

Umirap ang matabang chef. "Masyado mong pinapalawak ang sitwasyon! Ang weird doon? Hindi man magkaparehas ng ugali ni master ang batang ito, kaya baka nakuha niya ang ugali ng kanyang tatay!"

Tumango si Tang Bin at Song Qiang. "Oo nga noh!"

avataravatar
Next chapter