234 Kasing taba ng baboy

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Humahagulgol si Xu Yi pagkalabas niya ng kwarto.

Naisip sana nila na nahihirapan akong sumunod sa kanya at kay Miss Ye. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, hindi ko akalain na isasagot ni master ay "subaybayan ko siya ng maigi"?!

Hindi siya nagalit kay Miss Ye kahit nanghihimasok na siya sa kanila ni Miss Ruo Xi.

Malaking pagkakamali ang ginawa ko.

Bakit ko kakalimutan na nagpapakita baliw nga pala si master para pasayahin si Ye Wan Wan?!

...

Pagod pero pursigidong nag-aaral si Ye Wan Wan para maghanda sa kanyang exams, kasabay ng pag-uusap ni Xu Yi at Si Ye Han.

Tumigil ang pagtubo ng dahon sa maraming peach trees ng eskwelahan nila simula noong pumunta doon si Si Ye Han. Kasabay rin ang nakakastress na eskwelahan dahil nalalapit na kanilang exams, ang mga araw ni Ye Wan Wan habang siya ay nag-aaral ay napakatahimik at malaya sa mga manliligaw.

Malaki ang pinagbago ni Cheng Xue na noo'y isa sa mga nangaway kay Ye Wan Wan. Noong pagkabalik ni Ye Wan Wan sa eskwelahan, nagdala siya ng makeup remover sabay inihagis niya ito sa kanyang mukha at nang hingi ng patawad kay Ye Wan Wan sa harap ng mga kaklase niya.

Hindi lang siya tumigil makipag-away kay Ye Wan Wan pero naging maaruga na si Cheng Xue sa kanya. Nakakaumay man sabihin pero itinatrato niya na parang nanay niya si Ye Wan Wan, minamahal niya bilang kamag-anak. At sa bawat pagkakataon na hinahanap ni Shen Meng Qi si Ye Wan Wan, si Cheng Xue ang may pakana sa pagtataboy palayo sa kanya.

Ang kapangyarihan ng great devil ay hindi limitado sa makamundong nilalang...

Alam ni Ye Wan Wan na natatakot si Cheng Xue na masumbong kay Si Ye Han kaya siya naging mabait, hindi pinanganak kahapon si Wan Wan; wala sa kanyang intensyon ang magsumbong kay Si Ye Han. Lumipas ang isang buwan ng pagpapakain at panunuyo ni Cheng Xue kay Ye Wan Wan, tila bang naglaho ang noong mga away ng dalawa.

Ang normal na kalagayan niya pag nakayla Si Ye Han siya ay pinagbabawal sa kanyang kumain ng junk foods. Puno ng mga damit, makeup at designer bags ang bahay dahil alam ni Si Ye Han na wala siyang pera, ngunit hindi siya binibigyan ng pera ni master. Ang inaasahan niyang utusan para bumili ng kagustuhan niya ay si Xu Yi, ngunit nabalaan rin siya na 'wag bumili ng junk food--nakakalungkot.

Isang linggo na lamang ang natitira at exams na nila.

Pagkatapos ng klase nila, may form na ipinamigay ang guro para sa exam applications nila na kailangang iuwi sa kanilang bahay at ipapirma sa mga magulang.

Naghihintay si Ye Wan Wan sa usual spot kung saan niya hinihintay si Xu Yi nang bigla niyang napansin na nakabuntot sa kanya si Si Xia.

Nagulat si Ye Wan Wan, "Bakit mo 'ko sinusundan?"

Hindi nagpakampante si Ye Wan Wan kahit pa naging mabait si Si Xia netong mga nakaraang araw.

Hindi nagmamadaling sumagot si Si Xia, "Hindi ba ako pwedeng sumabay pauwi?"

Pagkatayo niya, nakita niya si Si Ye Han na nakaupo sa likuran. Siguro, maagang natapos si Si Ye Han sa kanyang trabaho kaya nauna siyang sinundo si Xu Yi bago si Ye Wan Wan.

Umupo si Ye Wan Wan at nagpaliwanag, "Sasabay daw pauwi si Xia Xia!"

Humarap siya kay Si Xia at sinabi, "Sa harapan ka umupo, masyadong masikip dito!"

Nakita ni Si Xia na maluwang pa sa upuan sa likod, sobrang luwang na pwedeng magkaroon ng maliit na pagpupulong dito. Nanlaki ang kanyang mata at sinabi, "Sinong may gusto na umupo sa likod?"

Pagkapasok niya ng kotse, inabutan ni Si Ye Han ng basket si Ye Wan Wan, sa loob ay may napakagandang strawberry cake.

Kahit na ipinagbabawal siya ni Si Ye Han sa junk food, paminsan minsan nagdadala pa rin siya ng desserts para pasayahin si Ye Wan Wan.

Nanlaki ang mata ni Ye Wan Wan nang nakita niya ang nasa loob sabay walang dungis na binuhat ang cake habang naghahanda siyang kainin ito ng buo, "Para sa akin? Salamat!"

Buong araw pinanuod ni Si Xia na walang sawang kumakain si Ye Wan Wan. Hindi siya makapaniwala na nagpapaka baboy na naman si Ye Wan Wan at bigla na lang nandilim ang itsura ng binata, "Dali, Kain ka lang ng kain! Hanggang sa maging baboy ka!"

Umirap si Ye Wan Wan sa kanya, "Ano naman? Akala mo ba kasing baba ng iyong ugali ang tito mo? Hindi niya ako iiwan kahit tumaba ako ng sobra!"

Nakumpara na naman siya kay Si Ye han, nagsilabasan ang ugat niya sa noo at hindi na siya nakapagtimpi kaya bigla siyang sumagot, "Sa tingin mo tita kita Ye Wan Wan? Alam ng buong pamilya ng Si at ng buong circle na si Qin Ruo Xi ang aming 9th aunt!"

avataravatar
Next chapter