223 Kasing komplikado ng dagat ang mga mayayamang pamilya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinasagutan ni Ye Wan Wan ang mga practice questions sa pabilog na lamesa sa bakuran. Dahil sa nagagambala siya, hindi niya napansin ang pagbuhos ng ulan at natulala ito habang hawak pa din ang kanyang lapis.

Nagising na lang siya ng biglang umungol ang Great White, na natutulog sa may bubong. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit niya at pumasok na sa bahay para sumilong mula sa ulan.

Nang makabalik sa bahay, tulad ng ginawa ni Ye Wan Wan noong isang araw--kumuha siya ng karne ng baka mula sa fridge at inilapag sa tabi ng puting tigre bago lumayo dito.

Nang palakas ng palakas na ang ulan, nag-umpisa na din kumulog.

Nakaupo si Ye Wan Wan sa lapag at hawak ang kanyang practice book, hindi sinusuri ang laman. Magulo ang kanyang isip at hindi siya makapagpokus.

Inisip niya kung paano nakadepende ang mga magulang niya sa kanyang tito at manirahan sa bahay nito. Inisip niya din si Gu Yue Ze at Ye Yiyi...

Walang nakakaalam nito, pero hindi niya pinsan si Ye Yiyi. Kapatid niya ito sa ibang nanay!

Tulad nga ng mga sabi-sabi "Kasing komplikado ng dagat ang mga mayayamang pamilya", at wala ng pagkakaiba ang mga Ye dito.

Sa labas, sila ang pundador sa entertainment industry, may koneksyon sila sa lahat at makapangyarihan, pero ang totoo sa loob, nakakadiri sila sa puntong nakakasuka ang mga ito.

Ang nanay ni Ye Yiyi, na si Liang Mei Xuan, at ang nanay niya, na si Liang Wan Jun, ay magkapatid sa parehong tatay pero magkaibang nanay.

Anak sa labas si Liang Mei Xuan sa mga Liang at nakapasok lang sa mga Liang ng naging labingwalong taong gulang na ito.

Mabait at dalisay ay nanay ni Ye Wan Wan. Kahit na nakita niyang mahina at kaawa-awa si Liang Mei Xuan, hindi naging masama ang pagtrato niya dito, kahit na hindi sila ganoon magkalapit.

Nang nasa unibersidad na si Liang Mei Xuan, pinagtabuyan siya ng mga kasama niya sa dorm. Lagi siyang inaapi at umuuwi ng may mga pasa sa katawan.

Naisip ni Lolo Liang Shi Jun na patirahin si Liang Mei Xuan kasama ang nanay ni Wan Wan, dahil malapit lang naman ang mga Ye sa eskwelahan ni Liang Mei Xuan.

Madaming kwarto ang bahay at wala naman maiiba kung may tumira pa ng isang tao. Hindi na tumutol ang inosente niyang nanay at pumayag na patirahin si Liang Mei Xuan sa bahay.

At doon na nag-umpisa sa bangungot ng kanyang nanay...

Masyadong mayamot ang kanyang nanay at hindi magaling sa pagpapalugod sa kanyang mga biyenan. Namomroblema din siyang makabuo ng isang bata. Matapos ang tatlong taon na pagiging asawa nito, hindi pa din siya nabubuntis, at madaming reklamo sa kanya ang mga biyenan niya.

Sa kabilang banda, si Liang Mei Xuan naman ay masayahin, mabait, maamo at malambing. Nakuha niya na ang puso ng lahat ng dumating siya sa bahay.

Isang taon ang nakalipas at hindi pa din buntis ang nanay ni Ye Wan Wan, pero si Liang Mei Xuan naman ay buntis na.

Buntis siya sa dugo at laman ng tatay ni Ye Wan Wan, si Ye Shao Ting!

Nainggit si Liang Mei Xuan sa nanay ni Wan Wan dahil na sa kanya na ang lahat, at mas naiinggit pa dahil maswerte itong napakasalan ang isang mayamang lalaki. Nag-umpisa ng magplano si Mei Xuan simula ng manirahan siya sa bahay, hanggang sa nakamit niya ang kanyang tunguhin na maikama ang tatay ni Wan Wan.

Tapat ang tatay ni Wan Wan sa kanyang nanay. Nang mapagtanto na may nangyari sa kanila ni Liang Mei Xuan ng lasing siya, hindi niya ito tinago sa nanay niya. Agad niyang sinabi sa kanya ang insidente at nagmakaawa pa para sa kapatawaran niya.

Galit na galit sa una ang nanay niya at kinaladkad pa palabas si Liang Mei Xuan.

Kalahating taon na nanlamig ang nanay ni Wan Wan sa kanyang tatay. Nang naging maayos ang kanilang relasyon, pinabalik muli si Liang Mei Xuan ng mga biyenan niya, sa mga oras na 'yon malaki na ang tyan ni Liang Mei Xuan; at halos handa ng manganak.

Ang pagang na manugang laban sa buntis na babae na may dugo at laman ng Ye-- halata naman kung alin sa mga matatanda ang papanigan nila.

Matapos, nagmakaawa ang mga matatanda na payagan manganak si Liang Mei Xuan at gusto pang makipaghiwalay ang tatay niya at pakasalanan si Liang Mei Xuan. Galit na tumutol naman ang tatay niya at gumawa pa ng malaki kaguluhan sa bahay.

Nangako ang mga matatanda sa kanilang kamatayan na pamamalagihin ang dugo at laman ng mga Ye, pero ayaw namang pagtaksilan ng tatay niya ang kanyang nanay. Tsaka, malaki na din ang tyan ni Liang Mei Xuan at hindi na pwedeng ipalaglag ang bata at kaya naman, wala na silang magawa.

Sa huli, ang tito niya ang nagpasya na at sabing lagi niyang minamahal si Liang Mei Xuan at willing ito pakasalan siya. Tatratuhin niya din na parang anak ang batang dinadala nito.

Natural na tumutol naman ang tatay ni Wan Wan-- masyado ito baligho. Paano naman siya makakapayag na pakasalan ng nakakabata niyang kapatid ang babaeng buntis sa kanya?

avataravatar
Next chapter