1034 Kasama niya tayong pinapahiya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mamaya dadating na sila!" sabi ni Qin Ruo Xi.

Tinupi ni Sun Xuezhen ang kanyang mga braso at bumulong, "Sino kaya ang pinadala ng mga Si bilang representante? Heneral ang mga ninuno ng angkan ng Qin, habang kaming mga Sun naman ay isabg aritokratong martial arts ng pamilya, pero ilang mga henerasyon na ang mga Si sa negosyo, kaya hindi nila masyadong pinapahalagahan ang martial arts tulad natin. Galing sa labas ang mga gwardya ng angkan nila, kaya tingin ko hindi magiging madali ang humanap ng nararapat ng representante, tama?"

Kumislap ang mga mata ni Qin Ruo Xi nang marinig ito at sinabi, "Angkop naman ang ginawa na pagsasa-ayos ni Ah-Jiu."

Tumangi si Sun Xuezhen at sabi, "Tutal nagdadala sila ng mga taong personal na pinili ng Ninth Master, kaya karapat-dapat na antayin ito!"

Habang nag-uusap sila, isang grupo ng anim na tao ang naglakad sa entablado.

Mayroong sagisag ng mga Si ang nakaburda sa likod ng limang tao, pero ang lider at talagang pihikang babae.

Nang makita ni Sun Xuezhen ang bagong dating, napasimangot siya. "Hindi ba siya ang Ye… bakit siya?"

Lumapit si Ye Wan Wan kay Sun Xuezhen at nagpakilala, "Miss Sun, hello. Matagal na kitang gusto makilala. Ang apelyido ko ay Ye, at ako ang representante ng mga Si para sa martial arts conference."

Nang marinig iyon ni Sun Xuezhen, nagdilim ang mukha niya. "Anong sabi mo? Ikaw ang representante ng mga Si para sa martial arts conference?"

Hindi nag-iba ang itsura ni Ye Wan Wan. "Tama."

"Isa itong malaking kalokohan!" agad na nagalit si Sun Xuezhen, puno ng kahihiyan ang kanyang mukha.

"Zhenzhen, anong problema?" lumapit si Sun Lizhong at nagtanong nang narinig niya ang gulong nagaganap.

Tinitigan ni Sun Xuezhen si Ye Wan Wan na may galit sa kanyang mukha. "Papa, sumobra na ang mga Si ngayon. Masigasig at taos-puso natin ginawa itong martial arts conference at inimbita sila para makilahok, pero talagang nagpadala sila ng taong katulad niya para mapahiya tayo!"

Natuon ang tingin ni Sun Lizhong kay Ye Wan Wan. "Ito ay…"

Nangutya si Sun Xuezhen at sumagot. "Siya ang sinasabi ko sa 'yo, ang kasintahan ni Si Ye Han!"

Nang marinig ito ni Sun Lizhong, at nag-iba din ang itsura niya. "Miss, anuman ang ginawa mo para makapasok dito, pasensya na. Hindi ito lugar para pagluran mo!"

Nang marinig ng mga eksperto ng mga Si ang mararahas na salita ni Sun Lizhong at naharap sa mga mapanuksong itsura mula sa mga eksperto sa dalawang pamilya, napahiya silang lahat.

"Gusto kong magsalita kay Steward Xu noong pinakilala niya tayo kanina! Bakit hinahayaan ni Ninth Master ang babaeng ito na maging kapitan natin?"

"Tama! Sinasama niya pa tayong mapahiya!"

Sa atmospera ngayon, mabilis na gumitna si Qin Ruo Xi at inayos ang mga bagay, "Tito Sun, xuezhen, 'wag kayong magalit. Hindi iyon ang balak ni Ah-Jiu. Mayroon siyang sariling pag-intindi sa martial arts at mahusay din. Hindi intensyon ng mga Si ang hamakin ang martial arts conference!"

Tumingin si Sun Xuezhen na para bang mas mataas pa ang inasahan niya mula kay Qin Ruo Xi. "Ruo Xi, gumagawa ka oa din ng mga palusot para kay Si Ye Hansa kabila ng pagtrato niya sa 'yo! Hindi ako naniniwala sa mga tsismis mula sa mga Si na ginayuma siya ng babaeng ito; hidni ko inaasahang totoo nga ito!"

Magpapatuloy pa lang si Sun Xuezhen, nang may dumating na disipulo habang pinangungunahan ni Mu Suifeng.

"Master, nandito na si Mr. Mu!"

Wala nang oras pa para alalahanin nila Sun Lizhong at Sun Xuezhen si Ye Wan Wan at agad na tinuon ang buong atensyon nila kay Mu Suifeng. Agad silang lumapit para batiin.

Sun Lizhong: "Mr. Mu, pasensya na at hindi ako nakalabas para batiin ka. Umupo ka na!"

Kinaway ni Mu Suifeng ang kanyang kamay. "Mr. Sun, masyadk kang magalang. Matagal ko nang narinig ang reputayon ni Mr. Sun. Ikinagagalak kong makilala si Mr. Sun ngayon!"

Laging magalang si Mu Suifen sa mga master ng martial arts.

Pakiramdam ni Sun Lizhong na lumilipad ang kanyang ego at lahat ng mga eksperto ng mga Sun na katabi niya ay may pagmamataas di sa kanilang mukha.

avataravatar
Next chapter