41 Kasalanan ko bang naging maganda ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gustong-gusto ni Ye Wan Wan ang nakikita sa harap ng salamin, ang mukha na maganda kahit saang anggulo. Sumilyap siya kay Shen Meng Qi, "Kasalanan ko bang ganito ako kaganda?"

Natigilan saglit si Shen Meng Qi, "Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin, syempre pinapaalalahanan lang kita na magingat. Masyadong marami ka nang tiniis sa matagal na panahon, huwag kang basta-basta na lang na isusuko ang lahat. Isa pa, nawalan na nang interes sa'yo 'yung demonyong 'yun at pinayagan ka nang umalis ng Jin garden. Kapag nakita ka niya ngayon na sobrang ganda tapos hindi ka naman niya pakakawalana, anong gagawin mo?"

Ho ho, ang demonyitang 'to...

Nakinig lang si Ye Wan Wan sa mga salita ni Shen Meng Qi, hinawakan niya ang pisngi at bumulong, "Wala namang pakialam si Si Ye Han kapag mukhang masama na hitsura ko, siguro mahal niya talaga ako?"

Dumepensa bigla si Shen Meng Qi, "Papaano naman mangyayari 'yun! Isang demonyo 'yun na pumapatay nang walang emosyon! Gustung-gusto niyang pinapahirapan ang mga babae! Isang manyak! Hindi ka lang sinuwerte nang pinili ka niya! Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya trinato sa loob ng dalawang taon?"

Tumango lang si Ye Wan Wan, "Oh, tapos…"

Hindi siya sigurado kung ano ang mararamdaman ni Si Ye Han pagkatapos marinig ang kritisismo sa kanya ni Shen Meng Qi.

Dati kayang-kaya ni Shen Meng Qi na utuin siya dahil pinagkakatiwalaan naman siya ni Si Ye Han at akala niya ay kakampi pa niya.

Dahil sa relasyon niya kay Si Ye Han, nakinabang naman si Shen Meng Qi. Naging kilala siya sa malalaking industriya at maging pamilya niya ay nakasama rin. Mula sa maliit na kumpanya hanggang sa maging isang A-lister ay isang malaking angat nila patungo sa maharlikang pamilya.

Ngayon ang gusto lang ni Ye Wan Wan ay sirain ang tiwala ni Si Ye Han kay Shen Meng Qi.

Sinusubukan talaga niyang sirain ang relasyon ko kay Si Ye Han? Malabo 'yan!

Natatakot na si Shen Meng Qi na baka nahuhulog na ang loob ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han kaya mabilis niyang inikot ang hawak niyang baraha, Gu Yue Ze, "Wan Wan, galit pa rin ba kay Mr. Gu? Para lang maging patas sa'yo, hindi naman talaga kasalanan ni Mr. Gu nung oras na 'yun eh--masyado ka lang naging padalus-dalos. Kung sumama ka lang kay Mr. Gu na magpakalayu-layo noon at ipinaliwanag mo na pinilit ka lang sa Jin Garden, baka kayo pa rin hanggang ngayon!

Pero pinili mo pa ring tanggihan siya sa huli. Nawala lahat ng sinakripisyo ko matulungan ka lang na makausap si Mr. Gu at guluhin ang atensyon ng mga bantay sa Jin Garden!"

Nakinig lang si Ye Wan Wan, napabuntung-hininga at nagkunwari na magsalita ng buo ang emosyon, "Meng Qi, alam kong nasaktan ka dahil sa akin. Tinulungan mo akong makapag-isip ng ideya kung paano makakapagtago kay Si Ye Han. Ikaw din naman ang dahilan kung paano ako nakatakas at ikaw din ang tumulong sa akin na makakonekta pa kay Gu Yue Ze…"

Napansin ni Shen Meng Qi na tanga pa rin si Ye Wan Wan. Nangungutya ang mga mata ni Shen Meng Qi pero nanatili pa rin ang sinseridad sa mukha niya, "Wan Wan, ikaw ang matalik kong kaibigan. Kung hindi kita tutulungan, sino ang gagawa? Kaya makinig ka sa akin, huwag mo nang pigilan ang sarili mo kay Mr. Gu. Napakahirap para sa'yo na makatakas sa Jin Garden, dapat kunin mong pagkakataon ito na mahanap si Mr. Gu. Kung hindi, at kapag nagpatuloy pa 'to, paano mo pa kayo makakapagbalikan ni Mr. Gu?!"

Nagawa ni Ye Wan Wan ang gusto niyang mangyari na marinig lahat-lahat ni Si Ye Han at kunteto na sa narinig. Nanatili siyang kalmado, tumingin sa direksyong tungong banyo at saka nagsalita ulit, "Sino nagsabi na gusto kong makipagbalikan sa kanya?"

Nagulat si Shen Meng Qi sa narinig at saka kumunot ang noo, "Fiance mo si Mr. Gu pero inagaw ng pinsan mo. Siyempre, kailangan mo siyang makuha ulit! Ngayon ka pa ba susuko? Anong klase ka! Hindi ba parang hinayaan mo na si Ye Yi Yi na mapunta sa kanya ang mahal mo ng ganun-ganu lang?"

Nakangiwing nakangiti lang si Ye Wan Wan sa mukhang hindi mapakali na si Shen Meng Qi. Hinawakan niya ng dahan-dahan ang kayang mukha sa harap ng salamin at saka nagsalita ng marahan, "Ang bumalik sa sira-sira at hindi ko na gustong pares ng sapatos? Kailangan pa ba 'yun? Kung sa tingin ni Ye Yi Yi na nakuha na niya ang taas edi hayaan na natin siya."

avataravatar
Next chapter