653 Kasaganaan at kagandahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumunod na umaga.

Napansin ni Ye Wan Wan ang ilang mga tugon mula sa kanyang post sa sandaling siya ay magising. Mula sa mga katulong hanggang sa mga guwardiya, marami ang tumugon sa kanyang post.

Sa sandaling 'yon, napagtanto niya na wala na siyang koneksyon sa mga taong kakilala niya dati. Ngayon, ang lahat ng kanyang mga kaibigan ay konektado na kay Si Ye Han.

Nagtingin-tingin si Ye Wan Wan at nakita na si Si Ye Han, na hindi kailan man nag-post sa kanyang Moments, ay talagang nakapag-post din-- [Hinahangad ang kasaganaan at kagandahan sayo habang buhay.]

"Pffff——"

Hindi ba siya mayaman at gwapo?

Ibig sabihin ba nito na pumapayag siya na isama ko siya habang buhay?

Isang… makabagbag-damdaming pagpapala ha…

Matapos maghilamos, bumaba si Ye Wan Wan upang hanapin ang isang tao. Sa sandaling siya ay nasa pintuan na at dinaanan ang pag-aaral, nakita niya ang isang tao na naglalakad.

"Magandang umaga, Miss Ye." hawak-hawak ni Qin Ruo Xi ang tambak na dokumento sa kanyang kamay. Walang kaonting pagbabago sa kanyang itsura nang makita niya si Ye Wan Wan.

"Nabalitaan ko na naghahanda upang mag-shoot ng isang bagong show si Miss Ye? Kung kailangan mo ng tulong, maaari mo akong kausapin," ang sabi ni Qin Ruo Xin sa mabait na tono.

"Salamat na lang."

"Sige, oh tama, sa tingin ko gagawa ng pagsasaayos si Ah-Jiu. Sobra akong nag-aalala."

Kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan at tumingin kay Qin Ruo Xi ng may sapilitang ngiti.

Ang sinabi niya ay malinaw na nagpapahiwatig na ginagamit at umaasa siya kay Si Ye Han.

Sa dati niyang buhay, ito rin ang pangyayari. Sa mga oras na 'yon, gusto niyang maging independent at hindi gusto na laging nasa bahay lang, kaya namunuhan si Si Ye Han sa napakarami niyang proyekto, ngunit silang lahat ay mauuwi pa din sa pagkatalo.

Matapos 'yon, ang insidenteng ito ay minungkahi ng mga tauhan ni Qin Ruo Xi at nagdulot sila ng kaguluhan sa kanya; ang pangunahing dahilan ay naniniwala sila na hindi niya kaya at hindi sapat upang maging tagapangasiwa ng pamamahay.

"Sa katunayan, labis na nag-aalala si Miss Qin." tumalikod si Ye Wan Wan at umalis matapos magsalita.

Nagdilim ang mata ni Qin Ruo Xin ng tingnan niya ang magandang babae na naglalakad palayo.

Hindi lamang tumitingin si Ah-Jiu sa panlabas ng isang tao; sino eksakto ang babaeng ito…?

...

Dazzling Media:

Matapos nilang makarating sa gusali ng kumpanya, nagpatawag ng isang meeting si Ye Wan Wan upang ipakilala si Ye Mu Fan sa ilang mga staff.

"Ito ang ating bagong hinirang na head stylist."

Tumayo si Ye Mu Fan. "Hello, Ye ang apelyido ko, pero maaari ninyo akong tawaging Felix. Magkakasama tayo mula ngayon, kaya pakiusap gabayan ninyo ako."

Sa panahon ng mabisang pagbabago sa ilalim ni Ye Wan Wan, ang pangkalahatang sigla ng kumpanya ay nagbago ng husto.

Malinaw na, napagdidisisyonan ng lahat ang interest ng kumpanya - kung susunod ang mga tao o hindi naka-depende sa kaniya kung siya ay makakagawa ng kita para sa kanila.

Sa paghusga sa kasalukuyang sitwasyon, ang approval rating ni Ye Wan Wan ay mataas pa rin.

Kaya kahit na siya ay biglaang kumuha ang isang head stylist sa labas, walang sino man ang may pagtutol dito at ang lahat ay nagpapakita ng kanilang pagtanggap. Gayon pa man, mapagmataas ang tindig at pag-uugali ni Ye Mu Fan.

"Maligayang pagdating, maligayang pagdating!"

"Maligayang pagdating, teacher Felix!"

...

Matapos mapatalsik si Ye Shao Ting, naglaho si Ye Mu Fan mula sa industriya ng dalawang taon at kasalukuyang, walang may alam sa kanya o ang kanyang pangalan.

"Sige, si teacher Felix na ang mamumuno sa lahat ng estilo mag mula ngayon. Dapat makilalang mabuti ng lahat ang bawat isa at kung may mga tanong patungkol sa estilo, maaari ninyo siyang direktang hanapin!"

Matapos ang pagbibilin, pinatawag ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan sa kanyang opisina mag-isa at nagtungo sa detalyeng sitwasyon ng kumpanya.

"Hindi mo nakailangan mag-alala kay Luo Chen, siguradong siya ay makikipagtulungan sayo. Kahit na may sariling stylist si Gong Xu, ang pangunahing dahilan ay ang kanyang kagamitan. Kadalasan gusto niyang ayusan ang kanyang sarili - marahil kailangan mong isulat ito." binalaan na siya ni Ye Wan Wan tungkol sa taong ito na kailangan ng madaming atensyon.

"Walang problema."

"At saka, nagrekomenda na ako ng isang bilang ng drama na naka-pokus sa kasuotan sa Worldwide, ngunit ang pinaka-magandang bagay na magagawa ko sa iyo ay magbigay ng mapagkukunan."

"Sapat na 'yon."

Tumango si Ye Wan Wan saka ngumiti bago niya ipakita kay Ye Mu Fan ang kanyang telepono. "Tignan mo ito."

"Ano ito?" sa huli sinundan ni Ye Mu Fan ang tingin ni Ye Wan Wan, ang nakita niya sa kanyang telepono ay ang isang tsismis patungkol kay Shen Meng Qi…

avataravatar
Next chapter