61 Kapirasong liwanag ng bituin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang mga sandaling iyon, hindi alam ni Ye Wan Wan ang tungkol sa mga plano nina Lola Si at Mo Xuan. Ang tanging alam niya lang tungkol sa sakit ni Si Ye Han ay hindi na ganun magiging kaseryoso pitong taon mula ngayon.

Tila maamong tupa ang binatang mahimbing na natutulog at hindi na katulad ng karaniwang takot ang nararamdaman niya kapag kasama siya. Naging kalmado siya ng mga sandaling iyon.

Nang makatulog si Si Ye Han, nagbasa na muna ng entertainment news at mga bagong tsismis sa kanyang cellphone.

Mabilis na nagbabago ang maiinit at tinatangkilik ng mga artista sa mundo ng entertainment. Kadalasan, laging may bagong mga artistang ipinapakilala kada buwan, bukod pa rito kapag naka-pitong taon ka na sa industriya.

Bukdo sa masamang tao na si Xie Zhe Zhi na siyang biglang sumikat, karamihan sa mga malalaking artistang na pitong taon pa lang na pasikat ay hindi pa ganun kakilala ngayon at ang ilan naman sa kanila, hindi pa nakakapasok sa industriya.

Kilala ang Ye Group sa pagiging isa sa mga malalaking kumpanya sa bansa. May-ari sila ng mga malalaking teatro, film production companies, at gayun din ang isa sa mga shareholders sa media. Sumunod sa kanila ay ang Emperor Entertainment na naging pinakamataas at kilalang media agency sa bansa. Pitong na ang nakalipas, ang Emperor Entertainment na ngayon ang kilala sa pangangalaga ng mga malalaking artista sa industriya.

May mga balita rin na nagsasabi na ang Ye Group ang siyang kumukontrol sa kalahati ng industriya ng entertainment, hawak sa kanilang mga kamay ang hindi mabilang na kabuhayan ng kanilang mga artista at syang nagdedesisyon sa kanilang magiging tadhana.

Kayanin mo man o hindi ay dedepende sa kung susuportahan ka mismo ng kumpanyang ito.

Bakas sa mga alaala ni Ye Wan Wan, na sa darating pang mga taon, lalo pang lalago ang negosy ng pamilyang Shen, mula sa isang maliit na kumpanya hanggang sa makuha ang isang mahalagang posisyon sa entertainment industry. Makakaya na nilang pantayan ang pamilyang Ye.

Sa kasalukuyang buhay ko, hinding-hindi ko sila hahayaang magtagumpay!

Gayunpaman, bago pa muna siya umaksyon, kakailanganin niya ang tiwala ni Si Ye Han para makuha ang kalayaan na nais niya.

Kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya kahit pa ang makukuha ng mahalagang impormasyon.

Kailangan niyang mabawi ang lahat ng nawala sa kanya! Sirain ang Ye Group at bumalik muli sa tuktok ng tagumpay sa mundo ng entertainment business!

Sa mga iniisip niyang ito, parang kumalat ang hamog na tumatakip sa kanyang pagkaignorante at pagdududa, at dahil dun mas lalo pang nakaramdam ng masidhing motibasyon si Ye Wan Wan na ipagpatuloy ang kanyang layunin.

Nang buksan ni Si Ye Han ang kanyang mga mata, nakita niya ang isang babae na puno ng liwanag ang kanyang mukha at kislap sa mga maiitim niyang mata. Parang nakakita siya ng kumikislap na mga bintuin sa isang Milky Way--sobrang ganda.

Hinawakan niya ang nagningning na mukhang iyon...

Naging abala si Ye Wan Wan sa kanyang iniisip na hindi niya namalayan na may biglang humawak sa kanyang mga mata. Napansin niyang nagising niya si Si Ye Han at saka iningat ang ulo, "Gising ka na pala!"

"Anong ginagawa mo kanina?" tanong ng bagong gising na binata.

"Nang makita kasi kitang ang himbing ng tulog mo, ayoko nang istorbohin ka pa kaya tiningnan ko na lang cellphone ko. Pagod ka na ba? Gusto mo na bang bumalik sa bahay para matulog? Sisipunin ka rito kapag dito ka pa rin natulog." tanong ni Ye Wan Wan.

Napansin ng binata ang pagaalala sa kanya ng dalaga kaya tila nahiwagaan siya sa narinig na mga sinabi nito. Kapwa binalot niya ng kumot na parang pusa at yumakap sa dalaga habang halos nakasandal na sa leeg, "Pwede mo ba akong samahan?"

avataravatar
Next chapter