1145 Kapag sinwerte tayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natural, pinag-usapan nila ang tungkol sa mga pelikula habang nagsasalo-salo.

Sumipsip si Liang Mei Xuan sa dalawang matanda simula sa umpisa hanggang matapos ang mga pinag-uusapan nila. "Ang lahat ng pelikulang invested ng Emperor Sky ay bumenta at sumikat. At tsaka, ang mga artista ng Emperor Sky ang nangunguna sa maaaring manalo sa darating na Golden Orchid Awards! Pa, Ma, huwag kayong mag-alala! Mapapabuti ang Emperor Sky sa kamay nila Yiyi at Shao An!"

Mukhang nalugod si Ye Hong Wei at Tan Yi Lang nang marinig niya iyon.

"Huwag mo akong pinupuri, Ma! Marami pa akong kailangang matutunan kay Lolo!"

Nagsalita ng mapagkumbaba na mga salita si Ye Yiyi bago siya humarap kay Ye Mu Fan, at magiliw niya itong tinanong, "Mu Fan, nabalitaan ko na hindi maganda ang kinalabasan ng pelikula niyo sa box office performance? Pamilya tayo, kaya sabihin mo sa akin kung kailangan mo ng tulong."

Ngumisi si Liang Mei Xuan. "Hayaan mo na sila, Yiyi. Wala silang pakialam sa box office! Finalists ang parehong male leads nila sa Golden Orchid Awards! Malaki ang tsansa na kikita sila kung nanalo ang isa sa mga leads nila!"

Malalim ang iniisip ni Ye Hong Wei nang marinig niya iyon, kaya sumagot siya, "Nakita ko ang finalists ng Golden Orchid Awards sa taong ito. Ang ibang mga pelikula ay galing sa mga kilalang direktor, kaya mahirap ang kompetisyon. Hindi malaki ang tsansa na manalo kayo, pero maganda 'yan na naka-abot kayo ng finals! Paghusayan niyo pa!"

Wala masyadong sinabi si Ye Hong Wei kung hindi mga salitang nagpalakas ng loob nila, hindi maikakaila ang pagkadismaya sa kanyang itsura.

Malinaw sa kanya sa hindi tatagal ang maliit na kumpanya ni Ye Mu Fan kung hindi makakakuha ng kinitang pera ang pelikula nila.

Masyado pang mahina ang dalawang apo niya kung ikukumpara niya ang mga ito kay Yiyi...

Tumango na lamang si Ye Mu Fan. "Opo, Lolo, paghuhusayan ko."

Sabay na umalis sa lumang residensya sila Ye Mu Fan at Ye Wan Wan pagkatapos nilang kumain ng hapunan.

Biglang nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan.

Tinatawagan siya ni Jiang Yan Ran.

Sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag at nakangiti niyang binati si Yan Ran, "Uy, Yan Ran, congratulations!"

"Wan Wan, bakit hindi kita matawagan kanina?" Nagreklamo si Jiang Yan Ran.

"Pasensya na. Nasa mga bulubundukin ako nitong nakaraang dalawang araw, kaya medyo mahina ang signal. Kakauwi ko lang ngayong araw at naging abala ako hanggang sa oras na ito."

Okay lang iyon kay Jiang Yan Ran, kaya sabik niyang binalitaan si Ye Wan Wan, "Wan Wan, nakita mo na ba? Nakapasok ako sa finals! Kandidato ako para Best Actress ng Golden Orchid Awards!"

"Oo, nakita ko! Ang galing mo! Tatawagan sana kita pag nakauwi na ako!"

Mabuti na lang at maingat si Ye Wan Wan noong una pa lamang, kaya walang nakakaalam na hawak niya si Jiang Yan Ran. Kaya ang lakbay ni Jiang Yan Ran sa kanyang pelikula ay maayos at mahusay na natapos, simula sa shooting hanggang sa promosyon. Maayos rin naman ang box office performance at reputasyon ng pelikula, at ang pelikula niya ang isa sa mga may potensyal na may mapanalunan sa Golden Orchid Awards 

"Natutuwa ako dahil hindi ka nadismaya sa akin. Masyado kasing mahirap ang kompetisyon. Hindi ako sigurado kung mananalo ako."

"Ito ang una mong pelikula, kaya napakagaling mo na dahil.umabot ka ng finals. Magandang simula ito para sayo," pinalakas ni Ye Wan Wan ang loob niya.

Kinakabahan na tinanong ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan, "Wan Wan, pupunta ka sa gabi ng seremonya, tama? Oo nga pala, nakapasok rin pala sa finals sila Gong Xu at Luo Chen, kaya malamang pupunta ka!"

"Oo, pupunta ako."

Doon lamang kumalma si Jiang Yan Ran. "Okay pala. Hindi ako matatakot kapag nandoon ka. Ito ang unang beses na pupunta ako sa ganyang klase ng kaganapan."

Matagal na nagdaldalan sila Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran sa tawagan at pinagsabihan niya ito na may mga bagay siyang kailangang pagtuunan ng pansin, bago niya binaba ang tawag.

Pagkababa ni Ye Wan Wan ng phone, bigla siyang humarap sa nangangamba na si Ye Mu Fan. "Tama na 'yan, huwag ka masyadong mangamba diyan. Nominated rin si Yan Ran! Nakapasok sa finals ang tatlong artista natin. Malaki ang tsansa na manalo tayo dahil dito. Kapag sinwerte tayo, siguro pwede nating i-monopolize ang magiging Best Actress at Best Actor natin. Pwede ka nang magpakadakila sa ibabaw nila Liang Mei Xuan at ang iba pa!"

avataravatar
Next chapter