459 Kapag nanalo ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napahinto sa paglalakad si Song Lin Jin at napunta ang mga mata niya sa direksyon ng isang batang manager na nagmamalaki.

Si Xu Ming ay bata pa at mabilis madala ng damdamin - paano siya nakakapagtimpi na kinakausap siya ng ganito ni Ye Wan Wan? At saka, kilala siya bilang best actor sa lahat ng mga batang iniidolong mga artista at malakas ang kumpyansa niya sa tuwing umaarte siya.

Kaya lumapit si Xu Ming kay Song Lin Jin at sinabi, "Direktor Song! Hinihiling ko na magkaroon ng public casting! Baka may mainggit sa hinaharap at magkalat ng tsismis na nakuha ko ang role na ito dahil sa matagal na itong binigay sa akin!"

"Public casting?" nangamba si Song Lin Jin nang marinig niya iyon.

"Oo!"

"'Wag ka masyadong malupit, Ah-Ming! Hindi mo na kailangang makipagtalo sa isang buffon na walang ginawa kundi siraan ang iba!" biglang hinila palayo ni Wu Zheng Fei si Xu Ming.

Pero walang pakialam si Xu Ming. Dumeretso ang tingin niya kay Luo Chen at sinabi, "Luo Chen, makipag-pustahan tayo?"

Dumiin ang mahigpit na kamao ni Luo Chen. "Pumusta ng ano?"

Mayabang na sumagot si Xu Ming, "Kapag nanalo ako, kailangan mong videohan ang sarili mo na sinasabi sa lahat ng netizens at fans na ikaw, si Luo Chen, ay hindi sapat ang kagalingan para sa role ni Lin Luo Chen!"

Gusto sanang pigilan ni Wu Zheng Fei si Xu Ming nung una, pero pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Xu Ming, nagdalawang isip siya.

Ang pinaka mahirap na isyu sa mga sequel na ganito ay ang mga fans ng pinaka-unang palabas ay kinukumpara ang orihinal na palabas sa sequel. Kung kakayanin nilang sirain ang imahe ni Luo Chen sa puso ng mga fans niya sa proseso ng casting ngayon, magiging malaking benepisyo iyon sa panig ni Xu Ming.

May naukha na siyang impormasyon tungkol kay Luo Chen - walang kinuhang proyekto si Luo Chen sa lumipas na tatlong taon ayon sa isang internal staff ng Dazzling Media. At saka, ang video na nagpasikat sa kanya ay inabot ng isang buong araw para i-film dahil ilang beses niyang ginawa ang eksena bago nila makuha ang pinaka-maayos na pag-akto niya ng eksena.

Para naman kay Xu Ming, marami siyang ginastos na pera at nag-hire siya ng isang guro para bigyan siya ng anim na buwan na espesyal na pag-eensayo sa pag-aarte, kaya hindi maikukumpara ang skills niya sa isang ordinaryo na bagong artista. Pinili ni Wu Zheng Fei ang sequel na ito para kay Xu Ming bilang punto ng pagbabago niya bilang isang ganap na artista.

Matagal na nanahimik si Luo Chen dahil hinarap siya ng panunuya ni Xu Ming bago niya sabihin, "Paano kapag nakuha ko ang role?"

Umakto si Xu Ming na hindi sumanggi sa isipan niya ang posibilidad na kaya pangasar siyang sumagot, "Kapag nanalo ka, gawin mo ang lahat ng gusto mo."

Sa oras na iyon, hindi na hahayaan ni Luo Chen na magtago siya sa sobrang takot. Sumenyas siya sa manager ni Xu Ming at sinabi na ang bawat letra ay malinaw niyang sinasabi, "Kapag nanalo ako, sabihin mo sa manager mo, si Mr. Wu, na manghingi ng tawad sa manager ko sa lahat ng sinabi niya ngayong araw!"

Sinadya ni Ye Wan Wan na manahimik, gusto niya kasing makita si Luo Chen na harapin ang ganitong sitwasyon pero hindi niya inasahan ang naging request ni Luo Chen...

Nandilim ang itsura ni Wu Zheng Fei nang marinig niya ang sinabi ni Luo Chen.

Nasa industriya na siya ng halos pito hanggang walang taon na tapos ngayon, manghihingi siya ng tawad sa isang baguhan?

Nagkibit balikat si Xu Ming at sinabi, "Sige!"

Sa oras na iyon, malalim na ang usapan ni Song Jin Lin at ng mga producer at assistant director.

Natural na hindi tatalikuran ng crew ang public casting dahil maraming tao ang tatangkilik sa serye nila kaya lalo itong sisikat.

Magandang ideya ang public casting kapag lalo nilang pinasikat si Xu Ming at makakakuha pa sila ng maraming suporta ng fans gamit ang public casting.

Kaya hindi na tinanong ng crew ang opinyon ni Luo Chen at dali-dali silang sumang-ayon sa kahilingan ni Xu Ming.

Matapos ang ilang saglit, nag-post ang crew sa Weibo na pinapalaam sa lahat na sa loob ng kalahating oras, magkakaroon ng live telecast para sa casting sa role ni Lin Luo Chen.

Kahit ngayon lang napagdesisyonang gawin ito, maraming tumangkilik sa Weibo post na mga fans at netizens.

Nagsimula na ang live telecast at may maraming manonood ang nagsimulang tumangkilik.

avataravatar
Next chapter