494 Kapag namatay ako...

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

——"Kaya, kukunin ko ang responsibilidad na iyon."

May ilang segundo ng katahimikan pagkatapos magsalita ni Si Ye Han, dali- daling binalot ng malakas na protesta ang buong hall.

Ang ibig sabihin ni Si Ye Han ay… sumasang-ayon siya sa babaeng ito na hindi siya magpapa-opera?

Sa isang saglit, lubha na nag-iba ang itsura ng mga nakakatanda at sobra silang nabalisa...

"Hindi… hindi ito maaari master! Hindi mo pwedeng gawin ito!"

"Masahol ang desisyon mo! Bakit hindi ka nagtitiwala sa salita ni Dr. Sun at mas pinipili mong makinig sa ignoranteng babae na 'yan?"

"Master, saklay ng kalusugan mo ang kapakanan ng buong Si family, nakasalalay sayo kung aangat o babagsak ang pamilya. Bakit ka nagpapabaya?"

Hindi karaniwan na biglang binalot ng kadiliman ang itsura ni Si Ming Rong. Noong una, pinahintulutan niya ang babaeng ito na maging responsable kay master at kay old madam, hindi siya umimik nang hinayaan niyang sumama si Ye Wan Wan sa clan meeting ngunit ang babaeng ito ay masyadong pabaya.

Ang usapang ito ay para lang sa mga taong may apelyidong Si. Hindi na kinayang magtimpi pa ni Si Ming Rong kaya gumamit siya ng tungkod para tulungan ang sarili niyang tumayo. "Master…"

Alas, bago pa magsalita si Si Ming Rong, naantala siya dahil bigla siyang tiningnan ni Si Ye Han. "Sa loob ng tatlong taon, kapag nabigo ang pagpapagaling ko, ihanda niyo na ako para sa operasyon. Pero kung namatay ako…"

Mamamatay...

Nangilabot ang lahat nang bigla silang lumingon kay Si Ye Han.

Makikita sa gwapong mukha ni Si Ye Han na wala siyang pakialam at nagpatuloy siyang magsalita, "Lahat ng bagay na may kaugnayan si Si family ay makikita niyo sa aking will."

Binalot ng matinding kalungkutan ang mukha ni old madam nang marinig niya ang salitang "will." Gusto niya sanang magsalita ngunit mas pinili niya na lang na manahimik.

Hindi man siya natutuwa na si Ye Wan Wan ang responsable sa mga bagay bagay, naramdaman niya pa rin sa kanyang puso ang mga sinabi ni Ye Wan Wan.

Maganda sana kung gagaling si Little 9th mula sa kanyang sakit at kung mabubuhay man siya na maayos ng kalusugan tulad ng ibang mga tao.

Bakit ko hahayaang mabuhay si Little 9th na puno ng paghihirap galing sa kanyang sakit at operasyon na tatagal pa ng ilang mga taon?

Pero kapag nabigo ang lahat ng ito… baka ito na ang huling sandali na makakasama niya pa si Little 9th...

Nayanig ang puso ni Ye Wan Wan. Sinulat na rin si Si Ye Han ang kanyang will...

Wala nang tsansa na mabago pa nila ang isip ni master dahil nakita na nilang nakapag-desisyon na siya. Tiningnan ng lahat si Ye Wan Wan na para bang gusto nilang itakin ang babaeng ito.

Tumayo si Feng Yi at naghanda siyang umalis. Umiling siya at mabigat ang puso niya nang nagbuntong hininga siya. "Sinabi ko na ito noon pa man - mamamatay si master sa kamay ng babaeng ito! Kung ang mistress ng sambahayang Si ay si Ruo Xi, hindi ito mangyayari…"

"Pinipilit ni master na maniwala sa babaeng ito kaya wala nang kwenta ang kahit anong sabihin natin!"

...

Natuwa si Si Ming Li nang makita niya ang reaksyon ng mga nakakatanda.

Tsk tsk, bobita. Talagang hindi siya sumunod sa opinyon ng mga nakakatanda at pinigilan niya pang magpa-opera si Si Ye Han - totoo ngang masahol siya.

Siya ang unang sisisihin kapag ay nangyaring masama kay Si Ye Han kaya hindi ko na rin kailangang gumawa ng masamang paraan para masira si Ye Wan Wan.

Hindi niya inasahan na ang tulad ni Si Ye Han na isang matalinong tao ay mapupunta lamang sa isang dalubhasang babae.

Mukhang mangyayari kaagad ang plani natin...

Salamat talaga, Ye Wan Wan...

Sa dulong bahagi ng walang laman na hallway:

Nag-aalala si Xu Chang. "'Wag kang magpadalus-dalos Miss Ye…"

Kahit si Xu Yi ay nalulungkot rin. "Simula noong tumulong si Miss Ye sa pagpapagaling ni master, ang katawan ni 9th master at kahit ang kondisyon niya ay umayos. Kung hindi dahil kay Miss Ye, mas lalala ang kalusugan ni master!"

"Tiyak ba si Miss Ye na kakayanin niyang gawin ito?" umusisa pa si Xu Chang.

Umiling naman si Xu Yi, "Hindi rin ako sigurado…"

Ramdam ni Xu Yi na may dahilan kung bakit nag-desisyon ng ganoon si Ye Wan Wan.

Sobrang nag-aalala si Xu Chang Kun. "Hay… ano nang gagawin natin…"

avataravatar
Next chapter