984 Kapag dumating ang boss ko, patay ka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagdilima ng tingin ni Zhang Wei. "Ah, young master Gong Xu, huwag kang mainip. Natural, hindi kita nakalimutan!"

Ngayon, siguradong babalik siya sa kahihiyan na ginawa sa kanya ng brat na ito noon.

Galit na pinagalitan siya ni Ye Mu Fan, "Gong Xu! Sino ang nagpalabas sayo dito?"

Tinapon ni Gong Xu ang kanyang jacket sa tabi. "Put*! Tinatapakan na nila tayo sa ating mga mukha at kailangan ko padin manatili sa loob? Bakit hindi na lang tayo lumaban?! Makipagsabayan sa suntukan! Tignan natin kung sino ang takot?!"

Nakaramdam ng pagkabalisa si Ye Mu Fan. ang lalaking ito ay parang isang fireworks. Kapag ito ay nasindihan, siya ay sasabog!

Nginitnit ni Ye Mu Fan ang kanyang mga ipin. "Sinabi ng Ye-ge mo manatili ka sa loob at huwag kang lalabas!"

Tumingin si Gong Xu sa gulo sa kapaligiran at ang nagdilim ang kanyang itsura. "Kahit na banggitin mo pa si Ye-ge ngayon, wala ring kwenta!"

Hindi niya hahayaan ang buong production team na madamy dahil sa kanya...

Lalong naging determinado si Gong Xu na lumabas at ayusin mismo ang mga bagay.

Sa sandaling iyon, si Luo Chen na nakatayo sa gilid, ay nagsalita. "Nag-aalala sayo si Ye-ge. Natatakot siya na baka masaktan ka."

Nahinto si Gong Xu sa kanyang sinabi "nag-aalala sa akin si Ye-ge."

Kinuha ni Luo Chen ang pagkakataon upang hilahin siya pabalik habang patuloy na nagsasalita. "Ikaw ay isang star. Kapag na saktan ka, maapektuhan ang buong production ng pelikula. Ang mga props at kagamitan at bale-wala pero ikaw ang piaka mahalaga dito, naiintindihan mo ba?"

Nang marinig iyon ni Ye Mu Fan iyon, nais niyang umiyak. Tignana mo, tignan mo kung gaano ka maintindihin ni Luo Chen!

Hindi ba mababago ni Gong Xu ang kanyang pagkamainipin?

Napansin ni Zhang Wei na napatigil si Gong Xu na magpatuloy sa paglalakad kaya siya ang nang-asar, "hindi ba galit na galit ka ng agawin mo ang babae ko? Ano na ngayon, naduduwag kana ngayon?"

"Ikaw ang duwag!" galit na galit na sumigaw pabalik si Gong Xu.

Natatakot si Ye Mu Fan na baka hindi magawang magpigil ni Gong Xu at mabilis na pumunta para pigilan siya. "Gong Xu, sandali. Nagpadala na si Ye-Bai ng tao!"

Huminga ng malalim si Gong Xu. "Ang nag-iisang may pangalang Zhang, maghintay ka at ng makita mo!"

Tumawa ng malakas si Zhang Wei. "Baliw ka pa din. Iniisip mo pa din ang iyong sarili bilang second young master ng pamilyang Gong! Hayaan mo ang matandang ito ang magsabi na kahit na dumating ang matandang lalaki mo, hindi ka niya kayang protektahan ngayon!"

Napatalon si Gong Xu at sumigaw pabalik, "Matandang lalaki mo mukha mo! May sasabihin akong sikreto sayo - ang tutulong sa akin ngayon ay mas malakas kaysa sa aking old man! Maghintay ka lang, kapag dumating ang boss ko, patay ka!"

Ye Mu Fan: "…"

Ang lalaking ito...

Kapag narinig ng kanyang tanda ang kanyang sinabi, mamamatay iyon sa galit...

Hindi matigil kakatawa si Zhang Wei. "Hahahaha… oh my, natatakot ako!"

Pati ang kanyang mga tao ay nagsimula ng tumawa. "Second young master Gong, sino ang iyong boss? Siya ba yung tinatawag magandang lalaking si Ye Bai, siya ba?"

"Hahahahahaha… nakakatawa!"

Bumalik sa kanyang upuan si Zhang Wei. "Sige, maghihintay ako. Gusto ko din makita kung anong klaseng tao ang ipapadala ng malakas mong boss para talunin ako!"

Puno ng katatawanan ang itsura ni Zhang wei at walang bahid ng takot.

Sa sandaling ding iyon, ang ilang mga empleyado ay ngumangawa sa galak. "Andiyan na siya, andiyan na siya! Dumating na si Ye-ge!"

"Mabuti! Hangga't narito si Ye-ge, magiging maayos ang lahat!"

Sinundan ng mga hiyawan, isang puting kotse ang huminto sa tabi ng kalsada.

Ang lahat sa production team ay galak na nakatingin sa sasakyan.

Lalo na si Luo Chen, Gong Xu, at Dong Zai at ang lahat ng mga matagal ng nakasama ni Ye Bai. Sa kanila, kayang gawin ni Ye Bai ang kanit na ano at walang problema ang hindi naaayos.

Kaya ng makita nilang dumatiang ang sasakyan ni Ye Bai, ang lahat ay nakahinga ng maluwag.

Ng makita ni Zhang wei ang kanilang reaksyon, nanlaki ang kanyang mga mata. Ang tinatawag nilang Ye Bai ay parte ng Dazzling, kaya wala siyang kumpletong pagkakaintindi sa kanya pero ang mga usap-usapan na si Ye Bai ay isang demonyo...

Posible ba na kumuha siya ng isang magaling manlalaban?

(Matagal na nag hintay ang aking darling pero matatagalan pa din ng kaunti para sa akin na dumating, aha)

avataravatar
Next chapter