4 Kamatayan sa ilalim ng peony

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kanyang nakaraang buhay, naramdaman ni Ye Wan Wan na nawala siya sa sarili at nadismaya niya si Gu Yue Ze. Hindi man lang siya gumanti noong sinabihan siya nito ng mga masasamang salita. Natuwa siya noong sinabihan siya ni Gu Yue Ze na pinapatawad na siya at na-touch pa dahil gusto siyang iuwi nito sa kanilang bahay, iniisip niya na nasa puso pa rin siya ng lalaki.

Naging tanga lang talaga siya.

Sino nga ba ang nakakaalam na ganito lamang siya dahil sa pride?

Kahit ano pa mang sitwasyon, minsan siyang naging fiancee ni Gu Yue Ze, ngunit ngayon ay kasintahan na siya ni Si Ye Han. Kung malaman ito ng mga tao, hindi kaya mawala lahat ng kanyang pride?

Noong hiniling ni Gu Yue Ze na umalis na silang dalawa, naramdaman ni Ye Wan Wan ang mabilis na pagbagsak ng temperatura ng hangin sa kanilang paligid.

Sa kadiliman, ilang hakbang lang na layo mula kina Ye Wan Wan:

'Sing dilim ng gabi ang ekspresyon ng lalaki. Wala nang kontrol ang kanyang galit, tila ba kaya niyang durugin ang isang lalaki at lamunin ito ng buo at walang ititirang kahit ano.

Xu Yi, ang assistant ni Si Ye Han, ay sobrang pinagpapawisan at nanginginig ang mga binti.

Anong klaseng buhay ang meron ako upang maging witness sa pagtatanan ng kasintahan ni boss sa ibang lalaki ng dis-oras ng gabi!

Simula noong dumating si Ye Wan Wan, walang araw na naging madali sa mga buhay ng mga katulong. Sa tuwing nagagalit ang boss nila, lahat sila ay nagdurusa.

At ang forte ng babaeng ito ay ang i-provoke si Si Ye Han.

Sa oras na 'to, ang galit ni boss ay paniguradong sapat na para masunog at maging abo ang buong Imperial City!

Pumikit si Xu Yi sa kawalan ng pag-asa. Alam ito mg lalaki kahit na hindi niya tignan kung ano ang paparating.

Nawalan ng pasensya si Gu Yue Ze noong nakita niyang hindi gumagalaw si Ye Wan Wan. Hinawakan niya ang braso ni Ye Wan Wan, sa kagustuhan niyang hilahin ito papalayo.

Ngunit mabilis na umatras si Ye Wan Wan upang iwasan ang paghawak nito.

"Wan Wan?" napakunot ng noo si Gu Yue Ze.

Sumagot si Ye Wan Wan ng walang pakiramdam, "Gu Yue Ze, sinabi ko bang gusto kong umalis ng kasama ka?"

Tinignan siya ni Gu Yue Ze ng may halong awa, "Wan Wan, pinaglalaruan ka lang ni Si Ye Han. Bakit mo pa kailangan ipahiya ang sarili para lang makaganti sa akin?"

Ang nakilala niyang Ye Wan Wan ay patay na patay sa kanya at palaging ginagawa ang kanyang mga nais. Kung kaya't naisip ni Gu Yue Ze na nagpapapansin lang si Ye Wan Wan.

"Pinahihiya ko sarili ko?"

Tumawa si Ye Wan Wan na para bang nakarinig ng joke. Umismid siya at sinabing, "Mas mayaman sayo si Si Ye Han, mas makapangyarihan, higher class pa, at may mas magandang katawan kasya sayo. Ang sumiping sa kanya ng isang beses ay mas okay kaysa makasama ka habambuhay! Paano mo nakuha 'yong confidence na sabihin 'yon?"

"Ikaw... " hindi kailanman naisip ni Gu Yue Ze na sasabihin ito ni Ye Wan Wan. Bumigat ang kanyang mood.

Sa oras ding 'yon, ang lalaking may galit na tulad ng isang halimaw na nasa may dilim ay biglang kumalma.

Nasorpresa si Xu Yi at tumingin sa direksyon ni Ye Wan Wan.

Bakit ang kakaiba ngayon ni Miss Ye?

Ito ay wala sa karakter niya--hindi ba't sobrang in love siya kay Gu Yue Ze?

Dapat ay masaya siyang makipagtanan sa kanya!

Siguro siya ay nagpapakipot?

Sa pagkakataong iyon, galit na galit si Gu Yue Ze. Binalalaan niya ito, "Wan Wan, itigil mo na ang pagta-tantrums. Masama, bayolente, at uhaw sa dugo na lalaki si Si Ye Han. Alam mo ba kung ilang tao na ang namatay sa kamay niya? Ang manatili sa piling ng lalaking katulad niya… wala ka bang pakialam sa buhay mo?"

Bilang sagot sa malupit na babala ni Gu Yue Ze, tamad na humikab si Ye Wan Wan. Tumingin siya sa lalaki patagilid at tahimik na sinagot, "Ano ngayon? Ang mamatay sa ilalim ng isang peony flower na tulad ni Si Ye Han ay matutuwa ka pa kahit na multo ka na~"

avataravatar
Next chapter