585 Kamalasan sa buong bansa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumipas ang ilang oras at umupo silang apat sa isang restaurant sa may gilid ng kalsada.

Nakayuko si Ye Wan Wan at lagi niyang iinom ang kanyang baso na may juice, hinihiling niya na sana malunod na lang siya.

Katabi niya si Si Ye Han na blanko ang mukha at diretso na naka-upo.

At ang mga magulang niya ay patuloy na sinusutri si Si Ye Han at pa-iba iba ang kanilang naging ekspresyon...

Kakaiba ang itsura ng grupo nila at marami silang naakit na atensyon sa restaurant.

Syempre, ang mga atensyon na naakit nila ay mga babae na nakatingin kay Si Ye Han habang nagbubulungan sila sa isa't isa...

Pagkatapos ng awkward na katahimikan, hindi na nakapagtimpi si Liang Wan Jun kaya siya ang naunang nagsalita: "Anong nangyayari Wan Wan? Sino ang lalaking ito? Bakit mo siya kasama?"

Dahan-dahan na inisip ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya. "Mama…"

"Wan Wan, alam ko na naghirap ka noon pero may mga bagay na hindi mo pa rin pwedeng gawin - hindi ka dapat maging tulad ng taong nanakit sayo!" halata naman na hindi naunawaan ni Liang Wan si Ye Wan Wan, akala niya na naghihiganti si Ye Wan Wan sa lipunan gamit ang panloloko sa kanyang boyfriend kuno.

Gayunpaman, sinabi rin kasi ni Ye Wan Wan sa nanay niya na maganda ang relasyon nila ng boyfriend niya at wala silang problema. Natural lamang na hindi siya maunawaan ni Liang Wan Jun dahil nakita siya ng nanay niya na may kasamang ibang lalaki na malayo ang itsura sa nilarawan niya sa kanila.

Naging masama ang itsura ni Ye Shao Ting. Tiningnan niya si Si Ye Han at nagtanong siya ng may malalim na tono ng boses, "Alam mo ba na may boyfriend na siya?"

Si Ye Han: "Oo."

Sumabog ang galit ni Ye Shao Ting nang marinig niya iyon: "Eh, alam mo pala eh! Bakit sumasama ka pa rin sa kanya?"

Hindi makapaniwala si Liang Wan Jun. "Kayong dalawa… Wan Wan… mabait ang boyfriend mo sayo… bakit mo gagawin ito sa kanya…"

Naiinis na si Ye Wan Wan. "Saglit, saglit lang… mama, papa, kumalma kayong dalawa! Hindi ito tulad ng iniisip niyo! Hindi ako nanloko!"

Wala nang magawa si Ye Wan Wan. Kinaskas niya ang kanyang sabay niyakap niya ang braso ni Si Ye Han. "Kasi… siya ang boyfriend ko!"

Nawala ang manhid na awra ni Si Ye Han dahil sa yakap ni Ye Wan Wan at makikita sa kanyang mga mata na nagulat siya sa nangyari.

Nalilitong nagkatinginan sila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun.

Mukhang hindi naintindihan ni Liang Wan Jun ang nangyari. "Anong sinabi mo? Siya ang… boyfriend mo?"

Napakunot si Ye Shao Ting. "'Wag kang magsinungaling sa amin Wan Wan. Sabihin mo ang totoo anak. Hindi ganyan ang nilarawan mong itsura ng boyfriend mo sa amin noon."

"Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan mama at papa. Nagsinungaling ako sa inyo noong sinabi ko na ordinaryo at pangit ang itsura ng boyfriend ko dahil… natatakot ako na baka mag-alala kayo para sa akin, pero nakita niyo na ang totoong itsura niya… at baka paghiwalayin niyo kaming dalawa…" napunta na sila sa puntong ito kaya naging totoo na si Ye Wan Wan.

Nabigla sila Liang wan Jun at Ye Shao Ting; hindi nila inakala na ganito ang kinalabasan ng pangyayari.

Nagtataka pa rin sila kahit nagpaliwanag na ang kanilang anak, pero nang makita nila ang mukha ng lalaki, naramdaman nila na ang sinabi ng kanilang anak ay… kapani-paniwala nga naman...

Dahil bigla silang nag-alala… nang makita nila ang mukha ng lalaking ito...

Marami siyang maaakit na atensyon sa mukha niyang iyan, at kung makikita sa kanyang mannerisms na hindi siya isang simpleng lalaki lamang.

Kanina, napakaraming babae ang tumitingin kay Si Ye Han.

Nagpaliwanag si Ye Wan Wan sa magulang niya habang tumitingin siya kay Si Ye Han. Kasalanan mo ito Si Ye Han! Bakit kamalasan sa bansa ang naidudulot ng kagwapuhan mo? Tapos bakit mayaman ka pa?! Dali, mag-isip ka ng paraan para magustuhan ka ng magulang ko!

avataravatar
Next chapter