122 Kalokohan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kaunti lang ang kaalaman niya kay Jiang Yan Ran kahit na matagal silang mag-roommate, magkaibigan pa rin naman sila.

Habang pinapakinggan ang lahat ng ito, nagwala si Mr Jiang, "Katangahan ito Yan Ran, ikaw ang aming iisang minamahal na anak! Bakit mo binababa ang sarili mo para lang sa isang lalaki? Kung hindi dahil sa akin, bankrupt na ang Song family! Dapat itinrato ka niya na parang prinsesa! Pero tinrato ka niya na parang alipin na sunod-sunuran sa sasabihin niya!

Hindi makapaniwala si Mrs Jiang, "Loko-lokong bata! Bakit ka nababaliw ng ganyan?! Bakit hindi mo agad ito sinabi sa amin?"

"Inaalala lang ni Yan Ran na kung nireklamo niya ito sainyo mas lalo kayong magagalit kay Song Zi Hang…"

Humikbi si Ye Wan Wan at galit na sinabing, "Matapos magbigay ng maraming effort, anong nakuha niya? Ineenjoy niya ang pang-aalipin kay Yan Ran na di nakokosensya at ang suportang pang-pinansyal nila tito at tita, habang siya ay nakikipagtalik sa bestfriend ni Yan Ran!

Tapos na ang pagtitimpi ko, kaya ginawa ko ang post para parusahan ang dalawang gago na iyon. Sa huli, akala ni Song Zi Hang si Yan Ran ang gumawa ng post, kaya naman sinigawan niya ito ng masasamang mga bagay--sinabi niya nademonyo si Yan Ran at nagpumilit na i-delete ang post!

Noong i-dinelete ang post, ikinlaro pa ni Song Zi Hang sa school forum na wala siyang kinalaman kay Yan Ran at hindi totoo ang engagement. Sinabi niya rin na si Shen Meng Qi ang gusto niya noong una pa lang."

Naging malungkot ang itsura ni Mr Jiang, "Totoo ba ang lahat ng ito?"

"Walang bahid ng kasinungalingan! Tito, tita, andoon pa rin ang post-- Tingnan niyo para malaman niyo ang nangyari!" Binuksan ni Ye Wan Wan ang post gamit ang kanyang phone at hinarap sa kanila.

Na-enjoy ba ni Shen Meng Qi ang pangungutya sa akin? Pwes, gagawin ko rin ito sa kaniya.

Mabilis na tiningnan ng parehong mag-asawa ang post.

Sa tahimik na dormitoryo, ang nagaaway na boses lamang nila Shen Meng Qi at Jiang Yan Ran ang maririnig sa video na pinapanuod sa phone screen--

Pinapakinggan nila ang mga nakakalungkot na akusasyon ng kanilang anak, sa bawat salitang sinasambit niya ay binubutas sa lungkot ang kanilang puso at unti-unting dinudurog sina Mr at Mrs Jiang. Namuo ang maitinding galit nila ng ma-iklaro ang post ni Song Zi Hang.

Galit na galit si Mr Jiang, ang boses niya ay gumimbal, "Walang kinalaman si Yan Ran sa kaniya… kalokohan lang ang palanadong kasal…isang malaking...malaki kalokohan! Song Xiao Wei, magaling ang iyong anak!"

Binasa ni Mrs Jiang ang posts ng mga netizens na nanunukso sa kaniyang anak, sa sobrang galit niya bigla siyang naiyak, "Panginoon, paano masasabi ng mga taong ito ang mga bagay tungkol kay Ya Ran! Yan Ran… kasalanan ni mommy ito… patawarin mo si mommy… Hindi ito naisp ni mommy… hinayaan ni mommy na maghirap ka ng ganito."

Gaano kaya kasama ang loob ni Yan Ran nang mabasa niya ito?!

Hindi nakakapagtakang tinangka ng aking anak na magpakamatay!

Sumosobra na ang mga taong ito!

Tiningnan ni Jiang Yan Ran ang magulang niyang nawasak ang puso sa nalaman nila at dali-daling inamo ang mga magulang niya, "Mommy, salamat kay Ye Wan Wan dahil siya ang tumulong sa akin. Dahil sa hindi pagkakaintindihan, hindi naging maayos noon ang aming friendship pagkatapos ng insidente, Na-realize ko ngayon kung sino talaga ang totoo kong kaibigan!"

Masayang nakipagkamayan Si Mrs Jiang kay Ye Wan Wan, "Napakabuti mo, maraming-marami salamat sayo…"

"Wala yun tita, maliit na tulong lang ito."

Nakahinga na ng maayos si Mr Jiang, "Yan Ran, mabut nang nakuha mo ang pagkakataon para ma-iklaro ang mga bagay bagay. Magsisimula muli tayo-- sa lahat ng pinagdaanan mo, maghihiganti kami ng nanay mo sa ginawa nila. Wag ka na muling gagawa ng ikasasama mo!"

avataravatar
Next chapter