701 Kalmadong-kalmado na siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halata naman na walang pakialam si Si Ye Han sa detalye kung bakit nababaliw ang kanyang housekeeper at ang narinig niya lang ang unang bahagi ng sinabi ni Ye Wan Wan: "Dali, halikan mo ako!"

Nilagay niya ang noodles sa loob ng kaldero at kalmado siyang lumapit sa noo ulo ni Ye Wan Wan at hinalikan niya ang pisngi ng babaeng ito. Pagkatapos nito, pinagpatuloy niya ang paghihiwa niya ng ham sausage.

Ngumiti si Ye Wan Wan at tiningnan niya ang kanyang phone. "Kalmado ka na ba ngayon, housekeeper Xu?"

Xu Yi: "…"

Kalmado… kalmadong kalmado...

Ye Wan Wan: "May kailangan pa ba akong malaman?"

Xu Yi: "Wala na…"

Pasensya na at ginambala ko pa kayong dalawa; kunwari wala ako dito...

Dumilim ang screen ng phone. Ang isang pamilyar na housekeeper ay parehas na na-traumatize sa mental at pisikal na aspeto nang binaba niya ang tawagan nila.

Para kumalma ang isipan ni Xu Yi, naisipan ni Ye Wan Wan sa sendan ng mga litrato ni Si Ye Han habang siya ay nagluluto. Sa huli, nagmakaawa si Xu Yi na patigilin ang pag-se-send ni Ye Wan Wan dahil kalmado naman na siya...

Pagkatapos ng matagal na paghihintay, natapos na rin sa pagluluto ng noodles si Si Ye Han.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang soup noodles na nakalagay sa dining table at biglang tumaas ang kilay niya at siya ay nabigla sa nakita niya. Nasa eksaktong oras ang pagkakaluto ng noodles - hindi ito malata o bantilaw; meron pa itong prinitong itlog sa taas at ilang mga hiniwang ham at sausage sa taas, may berdeng sibuyas at sariwang mga gulay na nakalutang sa taas ng soup, kaya mas lalo itong nagmukhang nakakatakam.

Hindi masyadong umasa si Ye Wan Wan sa luto ng para sa isang immortal na si Si Ye Han, akala niya na kaya lang magluto ng normal ng lalaking ito. Sa huli, mahusay pala siyang magluto...

Pinasa ni Si Ye Han ang pares ng chopsticks at umupo siya sa tapat ni Ye Wan Wan sa may lamesa, nanatili siyang nakatahimik.

"Mukhang masarap ito, huh… marunong ka pala talagang magluto ng noodles… kailan mo natutunang magluto nito?" Tinikman ni Ye Wan Wan ang noodles at lumiwanag ang kanyang mga mata. "WOW! Napakasarap naman nito!"

Mukhang naiinis si Si Ye Han sa mga salitang sinambit ni Ye Wan Wan. "Kailan ko pa bang matuto?"

Yumuko si Ye Wan Wan at hinigop niya ang noodles. "Hindi, hindi mo na kailangang matuto! Simple lang ito para sayo. Bakit kailangan pang matuto ng baby ko na may napakataas na IQ!"

Naging malumanay ang itsura ni Si Ye Han nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Sa oras din na iyon, sa Jin garden:

Ang chef at ang ibang mga katulong ay luhaan na tinitigan ang maitim na mga lutuan at ang dumi sa lapag ng kusina. Ang bawat isa sa kanila ay nagdasal at umaasa sila na sana ay pinabayaan na lang ni 9th master ang kusina...

Ilang beses na niyang pinasabog ang kusina namin...

Bakit biglang nakakatakot ang mga pinaggagawa ni master? Nakakapagod na ito...

Noong gabing iyon, natulog si Si Ye Han sa apartment ni Ye Wan Wan.

Tinanggal ni Ye Wan Wan ang kanyang makeup, naligo siya at sinuot niya ang kanyang malambot na pajamas. Sa kasalukuyan, si Si Ye Han ay komportableng nakapwesto sa higaan.

Hay, ang sarap ng pakiramdam at perpekto ang pagakakataon na mabusog at makasama ang gwapong ito sa kama...

Nilapag ni Si Ye Han ang libro nang makita niya na paparating na si Ye Wan Wan. "Akin na ang kamay mo."

Bigla siyang sinuyo ni Ye Wan Wan. "Maliit lang na sugat ito at pagaling na rin naman. Nilagyan ko ito ng plastic wrap para hindi ito mabasa habang naliligo ako, buti na lang at hindi talaga ito nabasa…"

Ilang beses na tiningnan ni Si Ye Han ang sugat niya bago tuluyan siyang kumalma.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang seryosong mukha ng lalaki. "Pupunta ka kay Old Sun para sa checkup mo bukas, 'di ba?"

Si Yehan: "En."

Bumulong si Ye Wan Wan, "Pumipirma na ang kalagayan mo itong mga nakaraang mga araw at nakakatulog ka na rin ng maayos - wala na sigurong malalang isyu sa kalusugan mo…"

Ngunit, bakit kakaiba ang itsura ni Old Sun noon?

Para bang may gusto siyang ipaliwanag pero hindi niya ito masabi noong tinanong ko siya; sinabi niya lang na ipapaliwanag niya ito sa nalalapit na checkup - hindi kaya may problema na naman sa kalusugan ni Si Ye Han...

avataravatar
Next chapter