1040 Kakalabanin mo ako sa entablado!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos nito, nanalo muli ng dalawang laban ang Sun family kaya sila ang nanalo sa round na iyon.

Tumayo sa stage ang referee at inanunsyo nito ang resulta: "Panalo ang Sun family!"

Lubhang humahanga na nagsalita si Qin Ruo Xi habang nasa ilalim siya ng stage, "Nakakamangha nga ang disipulo ni Uncle Sun. Salamat dahil binigyan mo kami ng oportunidad na matuto araw-araw, Uncle Sun. Sigurado ako na silang lima ay maraming natutunan sa kompetisyon na ito!"

Puno ng galak ang pagtawa ni Sun Li Zhong dahil nanalo ang kanyang pamilya. "May magagaling na puntos at tunay na talentado ang bawat isang miyembro ng Qin family. Walang problema na makakapigil sa hinaharap niyong lahat!"

Sinabihan rin ng positibong mga salita ni Mui Sui Feng ang dalawang eksperto ng dalawang pamilya. "Malakas na kalaban ang umaangat ninyong henerasyon!"

Masaya silang nag-uusap kaya naramdaman ng dalawang eksperto ang katagumpayan. Maayos naman na natalo ang Qin family kahit na talunan sila. Gayunpaman, invisible naman ang Si family na para bang mga dekorasyon lang sila.

Nagsalita si Sun Xue Zhen sa pagkakataon na iyon, "Pumunta na tayo sa kompetisyon ng dalawang representatives kung wala nang tumututol sa natapos na kompetisyon ng mga eksperto ng tatlong pamilya!"

Following the end of the experts' competition, it was time for the three representatives to go on stage and compare notes.

Panahon na para sa kompetisyon ng mga eksperto. Pagkakataon na ng mga representatives ng tatlong pamilya na umakyat sa entablado at ipaghambing ang kanilang notes. 

Everyone's gazes instantly landed on Ye Wanwan when they heard Sun Xuezhen.

Tiningnan ng lahat si Ye Wan Wan nang marinig nila si Sun Xue Zhen.

Although the girl was wearing proper workout clothes, she was bonelessly sitting there with her chin propped on her hand, looking dainty. She didn't look like she could go on stage to compete at all and looked more like some pampered daughter of a wealthy family who came to watch a show.

Kahit nakasuot ng pang-work out ang babae, para siyang tao na walang buto na nakaupo sa isang gilid habang nakatalumbaba. Mukhang hindi siya aakyat sa taas ng entablado upang makipag-kompetensya, bagkus, mukha siyang anak ng mayamang pamilya na nandoon lamang upang manood ng palabas.

In contrast, Qin Ruoxi and Sun Xuezhen both stood straight like rods and were valiant and formidable-looking. People could tell they were martial artists based on their energy and aura. The difference between them and women like Ye Wanwan was like day and night.

Malaking pagkakaiba ang itsura ni Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen na nakatayo ng diretso na parang metal. Magiting at nakakatakot ang itsura niya. 

Nabigla ang limang guwardiya ng Si family nang marinig nila na aakyat na sa entablado ang representative nila. Sapat na ang kahihiyan na binigay nila sa sarili nila. Natatakot sila na baka mas lalo silang mapahiya kapag umakyat sa entablado ang babaeng ito.

"Okay, magsimula na tayo," Desididong sinabi ni Qin Ruo Xi.

Pinakita rin ni Mu Sui Feng na inaasahan niya nga ang pagkakataon na ito. Masayang panoorin ang laban sa pagitan ni Sun Xue Zhen at Qin Ruo Xu. "Sinabi nila na nakakuha raw ng mga totong leksyon si Miss Sun kay Mr. Sun!"

Sumagot si Sun Xue Zhen, "Sobra naman ang papuri ni Mr. Mu, may mga paraan pa akong itatahak bago ako maging katumbas ni Papa! Ang pinakamagaling talaga ay si Ruo Xi. Bata pa lamang siya, marami na siyang natutunan sa magagaling na eksperto at marami siyang nakuhang kaalaman sa iba't ibang mga eskwelahan!"

Tiningnan ni Qin Ruo Xi si Ye Wan Wan nang marinig niya ito at mapagpakumbaba niyang sinabi, "Si Miss Ye ang pinaka-matalino sa lahat. Personal niyang tinuruan ang guwardiya ng Si family noon."

Ngumisi si Sun Xue Zhen, hindi siya nagtitiwala sa mga sinabi ni Qin Ruo Xi dahil naisip niya na sinasadya ni Qin Ruo Xi na sabihin ang mga bagay na ito para kah Si Ye Han.

"Ganoon ba? Inaasahan ko pala ito!"

Tulad noon, lumapit ang referee na may dalawang bamboo shoots para makapag draw lots sila.

Bumunot si Sun Xue Zhen at tiningnan niya ito. Si "Ye Wan Wan" ang pangalan na nakasulat dito.

Nasulyapan ni Qin Ruo Xi ang pangalan na nabunot at biglang kuminang ang kanyang mga mata.

Ngumisi si Sun Xue Zhen sa nakita niyang pangalan sa bunutan, makikita sa mata niya ang pandidiri. Kailangan niyang makipag-kompetensya sa babaeng ito.

Nag-anunsyo ang referee nang makita niya ito, "Ang unang laban ay magsisimula sa representative ng Sun family at Si family!"

Tiningnan ni Sun Xue Zhen si Ye Wan Wan. "Miss Ye, please! Patuloy na sinasabi ni Ruo Xi na malakas ka raw. Gusto kong makita ito gamit ang aking mga mata!"

Nakatunganga si Ye Wan Wan nang marinig niya ito. "Ano?"

Sumimangot si Sun Xue Zhen at mukhang nawawalan na siya ng pasensya. "Kakalabanin mo ako sa entablado!"

avataravatar
Next chapter