968 Kakaibang tunay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi magkaparehas?

Siyempre, hindi sila magkaparehas! Yung kwento ko noon kay Si Ye Han ay mga malalanding salita ko lamang!

Biglang umubo si Ye Wan Wan. "*Cough cough cough* Normal na bersyon ang kwinento ko kay Tang Tang… ang kwinento ko sayo noon ay ang magandang bersyon na ako mismo ang gumawa ng espesyal na istorya… katangi-tangi ang istorya na iyon…"

Si Yehan: "…"

Espesyal nga na kinain ni Little Red Riding Hood si Big Bad Wolf...

Parang isang furry animal ang batang ito dahil gumalaw siya ng kaunti para yakapin si Ye Wan Wan sa may braso. Hinawakan ng maliit niyang kamay ang manggas ng damit ni Ye Wan Wan habang mapayapang natutulog ang bata sa tabi niya.

Nagulat si Ye Wan Wan sa kakyutan ng bata. "Ah! Ang kyut mo! Tingnan mo, Si Ye Han, sobrang kyut niya 'di ba?"

Nilapit ni Ye Wan Wan ang bata kay Si Ye Han dagil umaasa siyang tatanggapin ni Si Ye Han ang bata kapag nilapit niya ito sa kanya.

Sumimangot ang batang lalaki nang lumipat sita sa ibang posisyon at patuloy siyang natulog.

Kumalma si Si Ye Han nang makita niya ang bata sa kanyang mga kamay.

Mahirap ipaliwanag dahil biglang sumabog ang damdamin ni Si Ye Han nang makita niya sa tabi niya ang batang ito.

"Ang kyut, ang adorable! Ah, siya ay mabait at masunuring bata. Noong nakita ko nung una ang batang ito, naisip ko na mabubuhay lang siya gamit ang pinagsama nating genes… bakit kaya kinaya ng magulang niya na iwan siyam" bumuntong hininga si Ye Wan Wan.

Noong sinabi ni Ye Wan Wan na "mabubuhay lang siya kapag pinagsama ang ating genes," inobserbahan lamang ni Si Ye Han ang bata na nasa tabi niya pero hindi niya pinakita na sumasang-ayon siya o hindi.

Si Ye Han: "Sinong nanghingi ng tulong mo?"

Kakaunti lang ang kaibigan ni Ye Wan Wan at hindi kakayaning gawin ng mga kaibigan niya ang mga bagay na iyon.

Naging masama ang saloobin ni Ye Wan Wan. "Isang bobo! Pero mas tanga ako dahil pumayag ako na tulungan siya! Hindi ba nabanggit ko na noon na may ilang mga aktor akong nakita na magaling lumaban para umarte sila bilang kalaban ng Black Widow? May atraso kasi ako sa mga iyon kaya pumayag ako na tulungan sila!"

Naging pangit ang itsura ni Si Ye Han. Takot sa lahat ng bagay ang babaeng ito noon. Sapat nang makita niya ang mga dugo upang magulat siya ng tuluyan, pero ngayon lumakas na ang kanyang loob...

Nagsimula ang lahat noong nangyari ang insidente sa country B; nag-iba ang pamamaraan niya ng pagharap sa mga problema. Araw raw siyang nagbabago sa bawat araw na lumipas, at ngayon, kumupkop pa siya ng isang bata...

Mabuti na lang at nakaranas na siya ng mga nakakabighaning sitwasyon noon kaya ito ay maliit na problema na lamang para sa kanya...

Patuloy na nagsalita si Ye Wan Wan. "Maging tatay ka muna niya… bilang bonus na rin na regalo na binibigay ko sa kanya. Tapos na ang trabaho natin at aalis na kaagad tayo kapag dumating na ang tunay niyang mga magulang! Pero ngayon, "cough*, gawin muna natin ito bilang praktis sa hinaharap?"

Praktis...

Lalong dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Si Ye Han.

Malalim na ang gabi.

Ang bata at si Ye Wan Wan ay parehas na natutulog na. Humihinga ng malumanay ang dalawa sa tahimik na gabing iyon.

Tahimik silang inoobserbahan ni Si Ye Han habang sila ay mapayaoang natutulog. Darating rin ang panahon na magkakaroon sila ng sarili nilang anak...

Sa oras na iyon, biglang nag-vibrate ang kanyang phone.

Dahan-dahan na tumayo si Si Ye Han at dinala ang kanyang phone sa balkonahe.

"Hello."

"Master, tumakas papuntang ibang bansa si Si Ming Li at ang mga tauhan niya. May mga tauhan tayo na sinusundan sila pero bigla na pamang silang nawala noong makarating sila sa Europe. May makapangyarihang tao na sumusuporta kay Si Ming Li..."

avataravatar
Next chapter