998 Kakaibang pamamaraan sa paggawa ng pera

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago pa mawalan ng kontrol si Ye Wan Wan, mabilis siyang tumakbo patungo sa taas!

Talagang nirepesto ni Ye Wan Wan ang sarili sa nakaraan niyang buhay. Sa maganda niyang mukha, nagawa niya pa din maging tapat na parang aso kay Gu Yue Ze. Sa kanyang determinasyon, isa na siyang Zhan Huo!

Nanag makapasok si Ye Wan Wan sa kanyang kwarto, isang notification ang lumitaw sa kanyang telepono.

Isang mensahe mula kay Nameless Nie.

[Nie Hollow Pit: Famous Ye, kamusta si Tangtang ngayin? Maayos pa din ba siya?]

Tinignan ni Ye Wan Wan ng masama ang kanyang telepono at hindi ito pinansin.

[Nie Hollow Pit: Congratulations, sana maging maswerte ka at yumaman (Pulang Pakete)]

Tinignan ni Ye Wan Wan ang pulang pakete at binuksan ito bago sumagot...

[Famous Ye: Maayos naman siya. Binigyan ko siya ng alaga ngayon.]

[Nie Hollow Pit: Eh? Alaga? Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na hindi mahilig si Tangtang sa maliliit na hayop, lalo na ang mabalahibo at mahihina. Noong bata pa siya, binigyan ko siya ng sisiw at namatay lang ito. Matapos no'n, hindi na siya nagkaroon ng alaga. Anong binigay mo sa kanya?]

Matapos na ipadala ito ni Nameless Nie, nagpadala pa siya ng isa pang pulang pakete.

Tinanggap ni Ye Wan Wan ang pulang pakete at napansin na mabigat ito, kaya naman sumagot siya.

[Famous Ye: Hindi 'yon totoo, mahilig si Tangtang sa mga hayop! Kung ayaw mong maniwala, tignan mo sa sarili mo.]

Pinadala ni Ye Wan Wan ang litrato na magkasama sina Tangtang at ang malaking puting tigre.

Ilang minuto natahimik ang usapan nila bago pa makasagot si Nameless Nie.

Nie Hollow Pit: !!!!!!! Ano ang bagay na 'yan?]

[Famous Ye: Hindi mo makilala?]

[Nie Hollow Pit: Kalokohan, syempre alam ko kung ano! Hindi ba tigre 'yan?]

[Famous Ye: Tama!]

[Nie Hollow Pit: …]

Talagang binigyan mo ng tigre si Tangtang bilang alaga… kailangan ko na talagang lumuhod sa 'yo...

Pero ang mga ngiti ni Tangtang sa mga litrato dito ay para talagang gusto niya ito...

Matagal na panahon na din simula ng nagmukhang masaya si Tangtang...

Mahilig talaga siya sa mga maliliit na hayop pero dahil sa takot niyang masyado silang mahina, napagpasiyahan niya na ilayo ang sarili niya dito, takot na baka iawan siya muli ng mga ito...

[Famous Ye: Oo nga pala, bakit ang mapagbigay mo bigla? Saan mo nakuha ang ganyang kalaking pera?]

Mausisang tanong ni Ye Wan Wan.

[Nie Hollow Pit: Syempre kumita ako gamit ang kakayahan ko! (pagmamalaki)][

Mahinalang tiningnan ni Ye Wan Wan ang hambog na emoji ni Nameless Nie...

[Famous Ye: Kinita mo?]

[Nie Hollow Pit: Syempre. Matapos ang karanasan bilang extra noong huling beses. Napagpasiyahan ko na makilahok sa isang palabas. Kung ayaw mong maniwala, tignan mo na lang! (Video)]

Agad na naisip ni Ye Wan Wan na imposible ito. Sa kakayahan niya sa pag-arte, paano pa siya nakilahok sa isang palabas?

Mausisang binuksan ni Ye Wan Wan ang video na ipinadala ni Nameless Nie. Matapos niyang manood, tuluyan na siyang natigilan.

Isang palabas nga ang nasa video at isa itong panlabas na palabas na nagtrending ngayon. May mga balakid na ginawa sa ibabang tubig at ang mga sumali na makakapagtapos ng balakid ay mananalo ng premyo at pera...

Pinanood ni Ye Wan Wan ang mga kalahok na mahulog sa tubig at ilang minuto lang ang inabot sa huling kalahok. Sa walang pinakita sa video ang huling kalahok...

Isang lalaki na nakasuot ng itim. Para siyang hangin. Hindi maipaliwanag ng madla o mga host ang mga galaw niya. Tumakbo ang lalaki mula sa umpisa at hinampas ang drum nang makarating siya sa dulo, na nag-iwan ng nangungunang rekord sa kabuuan ng palabas...

Hindi na kailangan manghula pa ni Ye Wan Wan na ang lalaki ay si Nameless Nie.

Kakaiba talaga ang pamamaraan niya ng paggawa ng pera ng… sa totoo lang...

Talagang ginamit mo ang galing mo sa martial arts para lang makilahok sa isang pambatang kompetisyon at ipinagmamalaki mo pa ito...

mo sa paggawa ng pera sa ganitong paraan?

Hindi mo naisip kung paano mo haharapin ang mga master mo sa nakaraan mo?

Hindi makaimik si Ye Wan Wan at nag-type bilang pagtugon.

[Famous Ye: Panalo ka na, aking munting kuya!]

avataravatar
Next chapter