486 Kakaiba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos na maasar ni Ye Wan Wan sa halos kalahating araw, tumigil na si Si Xia na makipagtalo sa kanya. Bagama't, nanahimik na lang siya, at isang hindi pamilyar na aura ang nanggagaling mula sa kanya.

Unang hinatid ng drayber si Si Xia.

Matapos tumigil ang kotse, kumuha ng $100 mula sa grand prize, "Halika, pamangkin, allowance mo na 'yan!"

Tinignan ni Si Xia ang inaabot na $100 ni Ye Wan Wan. Kumibot ang mga labi niya at halatang nainsulto siya doon, pero kinuha niya pa din ang pera.

Sa lamig ng gabi, nakatayo si Si Xia sa labas ng kotse at sumulyap kay Si Ye Han at Ye Wan Wan. "Bobong babae!"

Nagdilim ang itsura ni Ye Wan Wan nang pinapagsabihan siya ni Si Xia ng walang dahilan. Gusto mabugbog ng demonyong 'to, huh!

Hindi na inantay ni Si Xia sumagot si Ye Wan Wan, at naglagay ng isang kamay sa kanyang bulsa, tumalikod na at naglaho sa dilim ng gabi.

Matapos na ihatid si Si Xia, 'di nagtagal dumating na sa Jin garden ang kotse.

Nang makarating sila sa Jin garden, malalim na ang gabi at nagsimula ng magyamot si Ye Wan Wan kay Si Ye Han na matulog sa tamang oras.

Habang nakahiga sa kama, hindi makatulog si Ye Wan Wan. Pa-ikot ikot siya sa kama, at inaalala ang mga nangyari sa laro.

Sa totoo lang, nang nakapili siya, madaming beses din na muntik niya niyang piliin ang salungat na imahe, pero sa huli, para maihanay ang mga ito sa mga kinaugalian at kagustuhan niya at para mas mahulaan maigi ni Si Ye Han, napagdesiyunan niyang piliin na lang ang ibang imahe.

Hindi naman kakaiba 'yon, 'di ba? Tutal, nagbabago naman yung mga kagustuhan, kilos at kinaugalian ng tao...

PPero hindi siya mapakali sahil napansin niya na kakaiba din ang reaksyon ni Si Xia ngayon. Pati din ang kilos ni Si Ye Han ay kakaiba din...

Sa naisip, hindi namalayang humarap si Ye Wan Wan sa lalaking katabi niya. Masyadong tahimik si Si Ye Han habang natutulog.

Sa sobrang tahimik, halos makalimutan niya ng may katabi siya.

Kahit na matagal na din silang magkasamang natutulog, hindi naman balisa si Ye Wan Wan dito.

Minsan, naisip niya kung gusto ba ng babae ang lalaking ito; napagtanto niya na para isa lang siyang kahoy o unan.

Sa sobrang daming naiisip, nagpa-ikot ikot muli si Ye Wan Wan sa kama. Bigla na lang may isang braso ang humila sa tabi niya at hinila patungo sa kanyang yakap.

Sa sandaling iyon, nakadikit siya sa isang matigas na dibdib. Rinig na rinig niya ang pagtibok ng puso nito.

Ilang segundong nagulat si Ye Wan Wan at tumingala.

Nakasalubong niya ang isang malinaw at gising na mga mata.

Mapusok ang mga tingin ni Si Ye Han sa dilim, na nagpaalala kay Ye Wan Wan ang matinding takot na naramdaman niya bago siya mamuhay muli, na para bang nakatali siya sa madaming kadena at isang lambat, na kinukulong siya sa mundo nito.

Napakunot ng mga kilay si Ye Wan Wan sa mga tingin nito; bigla niyang gustong tumayo mula sa kama.

"Uh, nagising ba kita…"

Bago pa matapos ni Ye Wan Wan ang sinasabi, walang babalang ibinaba ni Si Ye Han ang kanyang ulo. Para bang nilunok ng mga malalamig niyang mga labi ang boses nito.

Kumitid ang mga mata ni Ye Wan Wan; gulat na gulat ito.

Sabay nito, nag-umpisa na siyang gumalaw. Isang malapad na palad ang lumusot sa ilalim ng damit niya, hinawakan ng magagaspang niya mga daliri ang balat nito at nag-uumapuhap. Nawawalan na ng kontrol ang mga halik niya, pinupuksa niya ang mga labi nito na para bang inaangkin ang teritoryo nito, nilalamon niya ang mga labi at dila niya na para bang gusto niyang malulon dito....

avataravatar
Next chapter