1212 Kailangang bumalik sa pinanggalingan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ginamit ng Deboto ang oportunidad na ito noong nabilaukan si Nameless Nie, at bigla siyang sumigaw, "Little Young Master, may sasabihin sayo si Kapitan! Tibo! Tama ako 'di ba?"

Ang mga mata ni Spray of Flowers ay nakay Si Ye Han lamang, at tumango siya kahit na hindi niya alam ang pinag-uusapan. "Tama tama tama!"

Muntikan nang umubo ng dugo ang napagtaksilan na si Nameless Nie. Mga g*go!

Lumapit naman si Ye Wan Wan kay Si Ye Han upang ipakilala ang lima. "Ah-Jiu, siya ang tito ni Tang Tang. Ito naman ang mga kaibigan niya."

Hindi masyadong tiningnan ni Si Ye Han ang limang tao. Ang madilim at ang nakakatakot niyang mga mata ay parang isang black hole na walang dulo na tinatago ang lahat ng emosyon niya. Tumango siya sa kanila at mukhang ito na ang pabati niya.

Nanginig ang mga binti ni Spray of Flowers at nanghihina siya habang nakahawak siya kay Deboto. "Ah, ang lalaki na ito… sobrang lakas ng dating niya…"

Kinilabutan ang Deboto at agad niyang tinulak palayo ang Spray of Flowers. "Hoy, Tibo! Hindi mo ba naiintindihan ang kinalalagyan natin ngayon? Bakit may oras ka pa para mabaliw sa isang lalaki?!"

Hindi maiwasan ni Ye Wan Wan na gumawa ng ilegal na bagay tulad ng pag-kidnap ng isang bata kapag nangamba siya sa pangyayaring ito. Kaya, hinaplos niya ang ulo ni Tang Tang at malumanay niya itong kinausap, "Tang Tang, may sasabihin sayo si tito mo. Dapat samahan mo sa taas si tito mo para mag-usap kayo, ha?"

Makikita na ayaw sumunod ng bata sa sinabi ni Ye Wan Wan base sa kanyang itsura at ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo, "Maging mabait ka Tang Tang, sige na at sumunod ka!"

Inangat ni Tang Tang ang maliit niyang braso kay Ye Wan Wan. "Yakapin mo ako Mommy…"

Tumawa si Ye Wan Wan at niyakap niya ito. "Bakit bigla kang nag papabebe?"

Niyuko pa lalo ni Tang Tang ang ulo niya sa leeg ni mommy niya. "Mommy, may nakuha na mga isda si Tang Tang at gusto 'kong lutuin ito para kay Mommy…"

Nakita ni Ye Wan Wan ang mga pawis sa noo ng batang lalaki. Makikita na nagmadali ang batang ito na makauwi para maipakita sa kanyang nanay ang nahuli niyang mga isda at hipon.

Sa pagkakataon na ito, biglang nag-ring ng malakas muli ang phone ni Nameless Nie, at hindi rin tumitigil ang notification sa kanyang phone dahil sa sangkaterbang mga messages na natatanggap niya...

Napaisip muna si Ye Wan Wan bago siyang tumingin kay Tang Tang. "Importante ang sasabihin ni tito mo. Pakinggan mo muna siya, okay?"

Sumagot si Nameless Nie. "Hindi naman iyon importante… hindi talaga…"

Sumagot si Tang Tang, "Sige."

Nameless Nie: "…"

Sa huli, parehong umakyat sa taas sila Nameless Nie at Tang Tang, habang ang apat naman ay kumalma na at nagtago sila sa malayo nang tumakbo sila sa labas para maghintay.

Unti-unting nawala ang ngiti sa malumanay na mukha ni Ye Wan Wan nang umakyat si Tang Tang sa taas.

Biglang nanlambot si Ye Wan Wan. Bigla siyang niyakap si Si Ye Han.

Bigla siyang naging emosyonal nang maramdaman ang pamilyar na yakap. "Nahanap na nila yung totoong nanay ni Tang Tang… gusto na nilang kunin si Tang Tang…"

Mukhang nahulaan na ni Si Ye Han ito. Niyakap niya ng maigi si Ye Wan Wan at hinaplos niya ang likod nito.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Ah-Jiu, ayoko ng mga bata… kasi magulo ang mga bata… bakit ako nalulungkot sa pagalis ni Tang Tang… ayokong umalis si Tang Tang…"

"Pero kailangan niyang bumalik sa pinanggalingan niya."

Sa taas:

Sa may kwarto, tahimik na nakaupo si Tang Tang sa sofa. Ang malambot at kyut niyang cartoon outfit ay hindi maitatago ang nakakatakot na awra niya.

Kilalang-kilala ni Nameless Nie ang little devil. Alam niya na delikado ang sitwasyon na ito at nang makita niya ang mukha ni little devil ang bata, ang kahilingan niya lamang ay tumalon mula sa lamesa.

Huli na ang mga araw ni Nameless Nie kung may masasabi ang little devil sa kanyang mga lolo at lola.

Wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya. Ngayon, kailangan niyang ipaliwanag ito ng sarili niya kahit na umiyak pa siya...

avataravatar
Next chapter