617 Kailangan pa maging brutal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mu Fan-ge, ayos ba sa 'kin?"

"Oo!" tinignan ni Ye Mu Fan ang maganda niya mukha ang pinigilan ang sarili na halikan ang noo nito. "Punta ka na!"

"En En. Bye bye, Mu Fan-ge. Nagustuhan ko talaga yung kwintas; aalagaan ko itong mabuti!" tingo ni Shen Meng Qi ang inis sa kanyang mga mata at hindi na makapag-antay na umalis.

...

Grand View Park:

Sa sofa sa may salas, dahan-dahan binuksan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata at tinignan ang orasan na nakasabit sa may dingding.

Sa oras na ito, natapos na ang anunsyo ng kompetisyon at nakuha na ng mga Shen ang proyekto. Hindi tanga ang mga Ye, baka hinahanap na nila ang ispya ngayon din.

Kinurot ni Ye Wan Wan ang mga kilay niya at kinuha ang kopya ng access card sa hotel VIP room, parang may dinidimdim.

Sa paggawa nito… hindi ba para medyo… brutal ito kay kuya?

Gayunpaman, mabilis na nawala ang pag-aalangan sa kanya.

Tulad nga ng kasabihan, "Hindi nawawasak ng mapatag na apoy ang damo. Lumalaki ulit ito kapag umiihip ang tagsibol na hangin." Ngayon, kailangan niya maging brutal sa kuya niya at alisin ang lahat ng pag-asa niya. Kung hindi, para lang sa wala ang mga ito.

Kailangan lang na magdusa pa ng kaunti ang mga magulang niya...

...

Sa lumang bahay ng mga Ye:

Malakas ang kumpiyansa ni Ye Mu Fan at akala na maingat niyang iniwasan ang mga kamera, pero nakalimutan niya na matagal na siyang hindi nakakapunta sa lumang bahay. Madaming mga kamera ang nalipat.

Maya-maya, nahanap ni Ye Yiyi ang video na pumapasok si Ye Mu Fan sa study sa gabi bago ang kompetisyon.

Paano naman papakawalan ni Ye Shao An ang magandang oportunidad? Agad niya binalita ang insidente sa matandang mag-asawa ng mga Ye.

Sa sandaling ito, sa study ng lumang bahay:

Naroroon sina Ye Shao Ting, Liang Mei Xuan, Ye Yiyi at housekeeper, si Huang Ming Kun.

Nakaupo ang matandang mag-asawa ng mga Ye sa sofa na madilim ang mga mukha.

Puno ng paghihinayang ang mukha ni Ye Shao An. "Sa una, akala ko medyo hindi lang disiplinado si Mu Fan, pero sinong mag-aakala na paglalaruan niya ang mga babae at gawin ang bagay na hindi masawata?!"

Nang himutok si Liang Mei Xuan. "Hindi lang ito tungkol sa pagnanakaw - nagnakaw ng impormasyon si Mu Fan sa mga Ye para tulungan ang isang tagalabas. Grabe na ito. Ay, paano naman hinayaan ni Ye Shao Ting at ate na gumawa ng masamang bagay ang mga anak nila…"

Nagpanggap na malungkot si Liang Mei Xuan, pero natutuwa siya sa kanyang puso.

Akala niya sa una na inkompetente at ignorante ang anak nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun. Hindi niya inakala na sa ilang mgapagsuyo lang ng isang babae, gagawa siya ng ganitong bagay. Totoo nga, pati ang Diyos ay tinutulungan siya!

Mapapaalis na nila sa wakas ang mga pangit sa mata mula sa pamilya!

Malakas na pinalo ng old master Ye ang lamesa. "Talagang nakakahiya! Sinusubukan ba akong patayin sa galit ng batang 'yan! Patayin sa galit!"

Marahang tinapik ni Ye Yiyi ang likod niya para mabawasan ang galit. "Lolo, 'wag kang magalit. Kailangan mong alagaan ang kalusugan mo. Naguguluhan lang siguro si Mu Fan."

Pinalaki pa ng housekeeper na si Huang Ming Kun ang apoy sa pagbulong, "Miss Yiyi, may ginawa ang young master Mu Fan na makakapahamak sa interes ng pamilya. Masakit sa puso 'yon. Hindi natin siya pwedeng pakawalan sa dahilang naguguluhan lang siya. Kung hindi natin siya parurusahan ngayon, sinong makakapagsabi kung anong makakaya niya pang gawin sa hinaharap…?"

"Tama si housekeeper Huang!" sigew ng old master, "Housekeeper Huang, pumunta ka! Dalhin mo si Shao Ting at ang anak niya dito ngayon din! Gusto ko itong klaruhin sa kanila harap-harapan!"

"Opo, master." nagagalak na umalis si Huang Ming Kun.

Ngayon din, hindi na talaga makakabalik si Ye Shao Ting sa pamilya muli...

avataravatar
Next chapter