676 Kailangan niya lang ng bugbog, ‘yon lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Truth or dare?" para bang musika ng demonho ang mga sinabi ni Gong Xu.

Mapighating umugong si Tang Xing Huo at nagmadaling tumakas. "'Tol, Xu-ge, great master Gong, kunin mo na ang tsansa na tanungin si Ye-ge! Tama, si Ye-ge ang tanungin mo - hindi ba mas maganda 'yon?! Bakit inaaksaya mo ang tsansa mo sa akin, eh!"

Napatigil si Gong Xu nang marinig iyon. Lumingon si kay Ye Wan Wan.

Tama si Tang Xing Huo - magandang oportunidad ang truth or dare.

Maaari siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa Little Candied Plum...

Sa totoo lang, dapat inisip niya pa ito kanina.

Pero ngayon, anong ginagawa niya?

"Truth or dare?" ulit ni Gong Xu. Mas nanging nakakatakot oa ang itsura nito.

Hindi pa nakita ni Tang Xing Huo ng ganito si Gong Xu. Napalunok siya at tumakbo kau Ye Wan Wan. "Ye-ge, iligtas mo ako!"

Nang aabante pa lang si Tang Xing Huo, hinablot ni Gong Xu ang likod ng kanyang kwelyo.

Talagang sinusubukan mong tumakas, huh!

"Ah ah ah… lighter, lighter, lighter!" Tang Xing Huo nearly suffocated.

"Ah ah ah… lighter, lighter, lighter!" Halos masakal na si Tang Xing Huo.

Tinigan ni Ye Wan Wan si Gong Xu na parang baliw na pinupuna si Tang Xing Huo sa kawalan. Kinurot ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at tumayo tsaka hinablot si Gong Xu sa kanyang pulso. "O sige, ano ba talaga ang nangyayari?"

Sa sandaling nabalot ang pulso niya ng maputi at malambot na mga daliri ni Ye Wan Wan, napatigil si Gong Xu at agad na pinakawalan si Tang Xing Huo na para bang napaso ang kanyang kamay.

Phew! Ligtas na ako!

Mabilis na kinuha ni Tang Xing Huo ang tsansa na umiwas at tumakas sa tulirong lasing.

"Ano ang ginawa niya na ikinagalit mo?" tanong ni Ye Wan Wan.

Yumuko si Gong Xu at hindi na nagsalita pa.

Nabalisa ang kanyang puso sa hininga ng lalaki at sa matagal na paghawak sa kanyang pulso at gulong-gulo ang kanyang isip.

"Kailangan niya lang ng bugbog, 'yon lang." tugon ni Gong Xu bago tumalikod at umalis sa silid.

Pinanood ni Ye Wan Wan si Gong Xu at naghihinala.

Parang may mali kay Gong Xu...

Malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Isang mensahe mula kay Si Ye Han.

[Tapos ka na?]

Naging malambot ang mga mata ni Ye Wan Wan at nag-type ng kanyang tugon: [Malapit na, mga kalahating oras pa.]

[May inaayos ako sa malapit]

Pinadala ni Si Ye Han ang huling mensaheng ito at hindi na nagpadala pa.

Nang makita ang mensahe, hindi makaimik si Ye Wan Wan.

"May inaayos ako sa malapit, susunduin kita diyan mamaya" - hindi niya ba kayang kumpletuhin ang pangungusap ng maayos?

Pakiramdam ni Ye Wan Wan na para ba siyang sinanay na magbasa ng mga isip ngayon!

Ay, bahala na, bahala na - dapat inaalagaan ang mga girlfriend!

Kahit na pinapagalitan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa kanyang puso, tumugon pa din siya: [Sabay na tayong umuwi, okay?]

[En.] sagot ni Si Ye Han ilang segundo ang lumipas.

Nang makita sa sagot, napatawa si Ye Wan Wan.

Sa tabi niya, gulat siyang tinignan ni Han Xian Yu. Nakatuon ang tingin ng binata sa kanyang telepono at may hindi mapupugnaw na sigla ito.

Ka-text niya ba ang… girlfriend niya?

Samantala, sa pasukan sa washroom.

"Bang—"

Plano ni Tang Xing Huo na tumakas pero nahuli siya ni Gong Xu. Sinuntok ni Gong Xu ang pader sa likod niya at hinarangan ang daan.

Sa sobrang takot nj Tang Xing Huo na nagiging berde na ang kanyang mga laman-loob. "Ninuno ko, ay, ano ba ang gusto mo?"

Nanatiling naging tahimik si Gong Xu. Tinitigan niya si Tang Xing Huo hanggang sa nag-umpisa ng manginig ang kanyang mga binti.

P*ta, hindi niya naman ako papatahimikin, 'di ba?

Nakakatakot 'to!

Nang hindi na nagtangka pang huminga si Tang Xing Huo...

Walang babalang lumapit si Gong Xu sa kanya at hinalikan siya...

Hinalikan siya… hinalikan siya...

avataravatar
Next chapter