83 Kailangan mo ng dalawang kamay para pumalakpak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan ni Shen Meng Qi ang basta-basta na mga sinasabi ni Ye Wan Wan ay mauuwe sa isang malaking gulo; gusto niyang pagpira-pirasuhin ito ngayon mismo din.

Pero ngayon na ang lahat ay nailabas na, nagawa niya lang na pigilan ang kanyang galit at nakiusap, "Yan Ran, makinig ka sa 'kin; hindi ito tulad ng iniisip mo! May rason ako kaya ko kasama si Song Zi Hang nung araw na iyon, ginawa ko 'yun para sa 'yo…"

"Oh, so ikaw nga talaga ang kasama niya nung araw na 'yon! Kaya inaamin mo na? Na ang taong gusto ni Song Zi Hang, ay ikaw!"

Bigla nalang napatawa ng hysterical si Jiang Yan Ran, "Ha… Haha… Shen Meng Qi… sinnabi ko lahat sa 'yo ng nararamdam ko araw-araw na parang tanga… binigay ko ang opinyon ko tungkol babaeng gusto ni Song Zi Hang…"

Nakakaaliw ba na panoorin ako mag mukhang tanga? Na panoorin ako na mahalin siya ng sobra habang ikaw ang gusto niya? Naramdaman mo bang nanalo ka?

Alam mo kung gaano ako katagal naghanda para lang aminin 'yung nararamdaman ko sa kanya na hindi ako makatulog ng ilang gabi dahil sa sobrang kaba. Matapos ng lahat ng 'yon, lumabas ka padin kasama siya ng hindi ko alam at ngayon sinasabi na ginawa mo 'yon para sa 'kin?"

Dali-dali namang sumagot si Shen Meng Qi, "Gusto ko lang naman linawin sa kanya 'yon!"

Umirap si Jiang Yan Ran at tinignan ang post ni Song Zi Hang sa phone niya, at buong pwersa niyang itinulak ang phone niya sa mukha ni Shen Meng Qi, "Linawin? Nilinaw mo ng ganyan?"

Nauntog ang ilong ni Shen Meng Qi dahil sa phone at dumaloy nalang ang mga luha nito. Tinakpan niya ang mukha niya at sinabing, "Yan Ran, magpapaliwanag ako, sabi ko sa kanya na gusto ko lang mag focus sa pag-aaral ko at tinanggihan siya. Pero baka iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko at akala niya siguro gusto ko siyang makasama pagkatapos ng graduation…"

Nang marinig ang dahilan ni Shen Meng Qi, mas lalong nag dilim ang mukha ni Jiang Yan Ran. Galit na galit niyang sinabi, "Tumigil ka! Si Song Zi Hang na mismo ang nagsabi sa akin, sabi niya na umamin din ang babae na may nararamdaman din siya sa kanya, na hinalikan mo siya pero dinedepensahan mo pa 'yang sarili mo! Get lost! Ayoko ng may marinig pa ako tungkol sa inyong dalawa! Kadiri!"

'Yung araw na iyon, hinanap niya si Song Zi Hang at nakita niya mismo na punong-puno ng saya ang mata nito; sinabi niya na ang taong gusto niya ay tinanggap ang pagmamahal niya.

Kung hindi dahil kay Shen Meng Qi na nagbigay ng pag-asa sa kanya, bakit siya magkakaroon ng ganoong klaseng reaksyon?

Hindi inaasahan ni Shen Meng Qi na sabihin ni Song Zi Hang ang ganitong bagay kay Jiang Yan Ran, namutla ang kanyang mukha at tila ba'y wala siyang masabe.

Tingin palang sa reaksyon ni Shen Meng Qi, naintindihan lahat ng manunuod ang nangyari.

Matapos magsalita ni Jiang Yan Ran, pinilit niyang makipagsiksikan ang sarili niya sa mga tao at natatarantang umalis.

Nag-aalangan pang tinignan ni Fang Qin si Jiang Yan Ran at lumingon kay Shen Meng Qi, sa huli dali-dali niyang hinabol si Jiang Yan Ran.

Ang mga tao ay pumalibot para panoorin ang palabas tungkol kay Ye Wan Wan pero hindi nila inaasahang mapu punta ito sa isang malaking balita tungkol sa dalawang babae na nag-aaway dahil sa lalaki. Masama ang mga tingin nila kay Shen Meng Qi at nag-umpisa ng magsi-bulungan.

"Hindi ko akalain makakagawa ng ganong bagay si Shen Meng Qi! Mukha siyang simple lang mag-isip!

"Alam niya na gusto ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang pero nakipag landian padin kay Song Zi Hang sa kanyang likod! Ang sama-sama niya!

Baka one-sided lang at si Song Zi Hang ang humahabol sa kanya?"

"Kailangan mo ng dalawang kamay para pumalakpak, okay? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ni Jiang Yan Ran tungkol sa babaeng kusang hinahalikan si Song Zi Hang?"

"Totoo nga 'yan!"

...

Nakatayo parin sa pwesto si Ye Wan Wan at tahimik na pinagmasdan ang likod ni Jiang Yan Ran na natatarantang umalis, may kakaibang naramdaman na para bang magkamag-anak at pareho sila nanggaling sa iisang sakit.

Itong taong 'to, si Jiang Yan Ran, ay gumuhit ng linya sa pagitan ng kaibigan niya at kaaway niya at nagpakita ng matinding damdamin sa dalawa, sa paglabas niya ng galit sa kanya, at ang matinding pagmamahal niya kay Song Zi Hang.

Sa nakaraang buhay ni Jiang Yan Ran ay pinilit ang sarili niya kay Song Zi Hang kahit na nalaman niyang hindi siya gusto nito. Naki-usap pa siya sa magulang niya na pilitin si Song Zi Hang magpakasal at sa huli ay nauwi sa isang trahedya.

Magbabago ba ang lahat matapos niyang malaman agad ang tungkol kay Song Zi Hang at Shen Meng Qi? Ano ang magiging desisyon niya? Magpapatuloy ba siyang patawarin ito o bibitaw na siya…?

Ngunit, wala nang lakas si Ye Wan Wan para magkaroon siya ng pake dito. Kailangan niya pang makapag-isip ang gagawin niya kay Ling Dong. Ang mga salita niya palang ay nagpabago sa mga tsismis sa eskwelahan at hinila pababa si Shen Meng Qi, pero kailangan niyang asikasuhin si Si Ye Han.

Anong gagawin ko? Tawagan siya at tanungin kung tutulong siya maghanap ng isang manliligaw ko?

avataravatar
Next chapter