794 Kailangan mo ba ng tulong?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang pinapanood ang magaling na aktor sa harap niya, nagulat si Ye Wan Wan at gusto niya itong bigyan ng isang malakas na sampal.

Bago pa makapagsalita si Ye Wan Wan, isang SUV ang dumaan sa kanilang direksyon.

Nasa gitna ng daan si Ye Wan Wan at ang lalaki, pero tila bang walang intensyon ang SUV na bagalan ang takbo. Sa halip mas bumilis pa ang takbo nito patungo kay Ye Wan Wan.

Sa isang iglap, mabilis na umatras si Ye Wan Wan para iwasan ang SUV.

"Swish!"

Mabilis na umandar ang SUV at hindi nabangga si Ye Wan Wan. Hindi bumagal ang takbo nito at babanggain din ang lalaking nakahiga pa din sa daanan.

Agad na tumayo ang lalaki at mabilis din ang mga kilos niya - nagawa niya itong iwasan.

Sa sumunod na segundo, tumigil sa SUV at bumukas ang pintuan nito - tatlong lalaki na nakasuot ng itim ang lumabas sa kotse.

Ang isa na pinangungunahan ng grupo ay mga nasa treinta ang edad at walang bahala ang itsura.

Sinulyapan niya lang si Ye Wan Wan bago sumenyas ng paghiwa ng kanyang leeg patungo sa dalawang lalaki na nasa likod niya.

Nang makita ito, kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan. Hindi mapakali si Ye Wan Wan noon at pakiramdam niyang may sumusunod sa kanya. Hindi nagtagal matapos noon, nagpakita ang mga taong ito at gusto siyang patayin.

"Pinadala ba kayo ni Qin Ruo Xi?" pagsiyasat ni Ye Wan Wan.

Nang marinig iyon, nablangko ang tatlo at isa sa kanila ay sabing, "Sino si Qin Ruo Xi?"

Base sa kanilang reaksyon, mukhang hindi naman sila nagsisinungaling.

Hindi si Qin Ruo Xi… isip ni Ye Wan Wan sa kanyang sarili.

Sa pagkakakilanlan ni Ye Wan Wan tungkol kay Qin Ruo Xi sa nakaraan niyang buhay, hindi ito pipili ng ganitong oras para harapin siya. Tsaka, hindi siya banta kay Qin Ruo Xi sa ngayon, kaya walang dahilan si Qin Ruo Xi para ipadala ang mga ito sa kanya.

Pero kung hindi si Qin Ruo Xi, sino ang magpapadala ng mga tao para patayin ako?

Mabilis na gumana ang isip ni Ye Wan Wan, pero wala siyang mahanap na bakas.

Sa una, hula ni Ye Wan Wan na baka si Feng Yi Ping at si Si Ming Li ang nagpadala ng mga taong ito.

Pero nang maisip niya itong maigi, hindi iyon makatotohanan. Nakipag-alitan siya sa dalawa at pinahiya sila nang nasa Myanmar pa siya. Alam ng lahat na kung mayroong nangyaring masama sa kanya ngayon, sila ang unang magiging suspek. Pero sa talino nila Si Ming Li at Feng Yi Ping, hindi sila gagawa ng ganitong bagay.

Nang hindi binigyan si Ye Wan Wan para makapag-isip, mabilis na sumulong ang tatlong lalaki at pinalibutan siya.

Sa isang kisap ng mata, sabay-sabay na umatake ang tatlong lalaki sa kanya.

"Ang bilis…"

Bahagyang nagulat si Ye Wan Wan .

Masyadong mahusay sila at pati si Ye Wan Wan ay nahirapan din.

Sa sabay-sabay na atake ng tatlo, bawat galaw ay pwede niya nang ikamatay.

Sa ngayon, nakatayo sa malapit ang lalaki at nakatuon ang mga tingin niya sa galaw ni Ye Wan Wan. Umangat ang mga kilay niya.

Ang galaw ng babaeng 'to….

"Kailangan mo ba ng tulong?" maya-maya, lumapit ang lalaki kay Ye Wan Wan.

"Oo!"

Deretso sa punto agad si Ye Wan Wan.

"Kailangan mo?" tango ng lalaki. "Bigyan mo ako ng pera pala! Tutulungan kita kung bibigyan mo ako ng pera - wala namang libre dito sa mundo, hindi ba?"

Hindi makaimik si Ye Wan Wan. Puro pera lang ba ang iniisip niya, huh?

"100,000. 100,000 at tutulungan kita. Ano sa tingin mo?" sunod ng lalaki kay Ye Wan Wan.

"50,000. Wala ng tawaran; 'yan na ang pinakamababa. Bigyan mo ako ng $50,000 at tutulungan kita!" agad na sabi ng lalaki.

"$100!" sandaling nilayo ni Ye Wan Wan ang kanyang katawan at sumimangot.

"$100? Nagpapaalis ka ba ng pulubi?!" hindi na nag-abala pa ang lalaki kay Ye Wan Wan. Sa halip, lumingon siya sa tatlong lalaki. "Kailangan niyo ba ng tulong? Bigyan niyo ako ng $1,000,000 at tutulungan ko kayong tapusin ito!"

avataravatar
Next chapter