203 Kailangan ko itong ibigay sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Achoo!" Nahatsing si Ye Wan Wan pagkahipan ng hangin sa mukha niya.

Wala siyang choice-- nakaupo siya sa unang row na nakaharap sa may pintuan kaya nakakapasok ang hangin sa direksyon niya.

Dahil sa pag-iba ng klima, may mga nag-aabang na magulang na nagdala ng ekstrang damit sa kanilang anak at may iba na pinadala sa alalay ang damit ng kanilang mga babies.

Pinag-iisipan nan ni Ye Wan Wan na babalik siya sa dormitoryo habang nag-snow para kumuha ng makapal na kumot, ngunit may nakita siyang tao na nakatayo sa kabila, malapit sa class A.

Nag-iba ang itsura ni Ye Wan Wan sa oras na nakita niya ang taong iyon, bigla siyang napatayo.

Kuya...

Nakita niya si Shen Meng Qi na manipis ang suot na bestida at papalabas ng kanilang classroom, may nilabas na mahabang coat si Ye Mu Fan galing sa bag sa kanyang kamay. Mahigpit niyang binalot ito kay Shen Meng Qu at pinainit ang kanyang kamay para hindi siya lamigin sabay malambing niyang kinausap.

Parang umalis ang kaluluwa ni Ye Wan Wan habang nakatayo niyang pinapanood ang pangyayaring iyon. Nalungkot siya at biglang namula ang kanyang mga mata.

Napansin ni Si Xia ang pagbago ng kilos ni Ye Wan Wan. Tumaas ang kilay niya at sinundan ang direksyon kung saan nakatingin si Ye Wan Wan. Nakita niya si Shen Meng Qi na may kasamang gwapong matangkad na lalaki.

Kahit na mataas ang standards niya, inamin niya na kakaiba ang makakita ng ganitong kagwapo na lalaki. Nabigla siya, dahil ba kahawig ng lalaking ito si Ye Wan Wan?

"Hoy… anong ginagawa mo? Bakit ka tumitingin sa mga gwapong lalaki?" Nagtatakang tinanong ni Si Xia.

Ni-isang beses, walang reaksyon si Ye Wan Wan; sinundan ng mga mata niya ang lalaking iyon, tinitingnan niya ito habang sinasabihan at kinakausap si Shen Meng Qi, habang hinahatid ng lalaki si Shen Meng Qi pabalik ng klase at pinapanuod niya nang maglakad ang lalaki pababa ng hagdan at nagmaneho paalis sa eskwelahan...

Hanggang sa mawala ang kotse sa malabong snow, nakita ni Si Xia ang luha na umaagas sa mga mata ni Ye Wan Wan.

Nagulat si Si Xia nang bigla na lang umiyak si Ye Wan wan, "Uy… anong nangyari sayo? Bakit bigla ka na lang umiiyak diyan? Okay…. Okay ka lang ba..?"

Hindi umalis ang mga mata ni Ye Wan Wan sa paalis na si Ye Mu Fan at patuloy lang siyang tahimik na umiyak sa sobrang lungkot kahit pa hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

Pagkalalipas ng ilang saglit, matamlay na napaupo si Ye Wan Wan at inihiga ang ulo niya sa desk. Tinago niya ang basa ng luha na mukha niya habang gumagalaw ang kanyang balikat sa pagkakaiyak, "Masama kang tao…"

Alam ng kuya ni Ye Wan Wan na iisa ang eskwelahan nila ni Shen Meng Qi, alam niya na magkatabi lang ang klase nila pero dinalhan niya pa rin ng coat si Shen Meng Qi, tunay ngang kinalimutan na siya ng kapatid niya.

Parusa ba sakin ito?

Kung parusa man ito, panalo na siya.

Sobra akong nalulungkot--nararamdaman kong mamamatay na ako!

Naisip niya noon, mahal na mahal siya ng kuya niya pero ngayon nakita niyang binibigay ng kuya niya ang lahat ng ito kay Shen Meng Qi...

Ngunit, kasalanan ni Shen Meng Qi kung bakit nagkaganito ang relasyon ng magkuya...

Eto ang unang beses na hindi siya nakapagtimpi at ayaw niyang pigilan ang kanyang naramdaman simula noong nabuhay ulit siya. Masyadong masakit ang nagyari para magkunwari pang malakas siya...

Hindi alam ni Si Xia ang gagawin niya, "Ye Wan Wan, ano ba ang eksaktong nangyari? Masamang tao? Sino ang masama? 'wag ka na umiyak…"

Kinukulit ng kinukulit niya si Ye Wan Wan hanggang sumabog ang utak nito, "Wag mo akong pakialaman, umiiyak ako kasi nilalamig ako, okay?"

Mahigpit na sinara ni Si Xia ang labi niya habang tinitingnan niyang umiiyak si Ye Wan Wan, malambing niyang sinabi, "Kailangan ko itong ibigay sayo!"

At bigla niyang hinawakan ang dulo ng kanyang t-shirt, binaliktad at hinubad ang kanyang damit. Pagtapos ay nagpumilit pa rin siyang ipatong ito sa katawan ni Ye Wan Wan.

Sampung segundo na nanahimik ang buong klase. Nanlaki ang mga mata nila sa nakahubad na pantaas ni Si Xia, tiningnan nila ang kanyang collarbone at muscles...

Parang malakas na bomba na nagtilian ang mga babae sa klase na iyon----"Ah! Aahhhhhhh----"

avataravatar
Next chapter