50 Kailangan ba talaga nating maghalikan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Salamat sa mga salita ni Si Xia, masisimulan na rin ang ensayo.

Sa umpisa pa marami na sa kanila ang walang gana pero nang dahil kay Si Xia, nagawa nilang tiisin ang galit na nararamdaman at saka na sumunod na simulan ang ensayo.

Kumibit-balikat lang si Ye Wan Wan. Sige, gawin na natin 'to, tingnan natin kung hanggang saan kayo magtatagal.

Wala masyadong parte sa play si Si Xia kaya umupo na lang siya at nakatulog malapit sa bintana habang naghihintay sa eksena niya. At dumating na nga ang huling eksena and may tumungo sa kanya para gisingin na siya.

"Ayan...Si Xia, ikaw na…"

Ang sumunod na eksena ay nang ilipat na ng pitong mga dwende si Snow White sa isang crystal glass na kabaong at ang prinsipe mula sa katabing nayon ay nagmadaling tumungo sakay ng puting kabayo para halikan si Snow White, mabuhay lang siya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Si Xia, binuksan ang kanyang mga mata at binati siya ng lahat na bakas sa kanila ang simpatya at pagkaawa na parang nagluluksa.

Anong klaseng tingin 'yan?

Lumukso si Ye Wan Wan sa ibabaw ng mesa at saka naghanda. Habang palunday-lunday ang mga hita, kinuha niya ang ang kanyang makeup mula sa bag at saka nagsalita, "Sandali lang ah, magretouch lang muna ako!"

Kinapalan niya ang kanyang eyeshadow, dinagdagan ang nilagay na blush sa pisngi, at saka nilagay ang kulay purple na lipstick. Tumingkad lalo ang hitsura niya!

"OKAY, handa na ako." humiga na si Ye Wan Wan matapos mailagay ang kanyang lipstick.

Sa ilalim ng nakakamatay na pandidilat ng mga babae, ginusot pa rin ni Si Xia ang kanyang buhok nang maalimpungatan mula sa pagkakatulog, binuksan ang butones ng kanyang collar at saka naglakad patungo sa dalaga.

Makikita ang babaeng na may sumasabog sa kulay na berdeng peluka, may makapal at mukhang pangpatay na makeup, mga tattoo ng kalansay at kulay purple at itim na mga labi, naalibadbaran lalo ang binata.

Mula sa iniisip na ang maagang pagkamatay ay katumbas na rin ng madaliang ginhawa, kaya si Si Xia ay huminga na ng malalim at saka marahang yumuko...

Siya naman ang nagpursige sa draw lot, kaya kahit ang lumuhod pa ay kailangan niyang gawin.

"Ah, huwag!" sigaw ng babae sa takot at saka agad na pumikit habang nangyayari ang eksena na hindi na tila mala-fairytale na istorya kundi isa nang mala-horror na pelikula.

"Damn. Hindi naman niya hahalikan siya, diba? High school students lang kami--bawal pa 'yun! Kunwaring halik na lang, okay na 'yun!"

"Sus, syempre pwede na 'yung kunyaring halik lang! Pero ang problema dito, kahit kunyaring halik lang mismo hindi na maatim, diba?"

Kunyaring halik? Isang milgaro nang matatawag ang tatlong hakbang na layo niya mula sa dalaga.

Siguro nga'y masyado niyang ibinababa ang katawan. Mabilis na bumaling si Si Xia at saka nagsimulang umubo ng malakas. Nataranta agad ang mga babae sa nakita at saka mabilis na kumuha ng tubig at tuwalya para sa kanya.

Galit na galit na pinandilitan ni Cheng Xue si Ye Wan Wan at halos maiyak sa naging reaksyon ng mukha ni Si Xia, "Si Xia, huwag mo nang pahirapan pa sarili mo, okay?"

Mabilis na bumangon si Ye Wan Wan at painosenteng nagtanong, "Ha? Anong problema?"

Lumunod si Si Xia ng tubig at naubos ang isang bote bago niya pakalmahin ang sarili at saka nagsabi, "Ikaw...palitan mo lipstick mo…"

Kumurap lamang si Ye Wan Wan, "Matapos kong malason ng kinain kong mansanas, siguradong magkukulay purple ang labi ko. Maging makatwiran ka naman!"

Mukha nang hihimatayin na ang binata sa narinig, "Tumahimik ka, basta! Gawin mo na!"

"Sige na nga, papalitan ko na." ngumuso lang si Ye Wan Wan at nagpakita ng ekspresyon ng pagkainis sa binata. Sa huli, inilabas niya ang kanyang makeup wipes at saka pinalitan ang kulay purple na lipstick ng isang normal na kulay pulang lipstick.

"Okay lang ba 'to?"

Ipinikit ni Si Xia ang kanyang mga mata, "Gawin natin ulit."

"Ohh." humiga na ulit si Ye Wan Wan.

Lumapit na ulit si Si Xia kay Ye Wan Wan at saka marahang bumaba...

Habang nakatitig sa mukha na budbod ng makapal na makeup at pumuputok na kulay pulang mga labi, sa pagkakataong iyon, madaling tumakbo palabas ng silid si Si Xia.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Si Xia na animo'y nabawasan ng timbang.

Hindi makapagsalita pa si Ye Wan Wan matapos siyang makita ulit. Sumusobra na ang lalaking 'to; masyado bang mahalaga na protektahan pa niya ego niya?

Mas madali namang dumeretso na kausapon si titser para makiusap na magpalit ng kapareha, para naman hindi na ako nagpapakahirap pa dito!

avataravatar
Next chapter