1221 Kailan kayo maghihiwalay?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sabi ni Ye Wan Wan, "Dahil nandito ka naman na, kunin mo yung skedyul mo kay Jia Wen."

Gong Xu: "Oh…"

Ah, nakakainis! Pero hindi ko magawang magalit kay Little Candied Plum...

Tatlong beses na tumingin sa likod si Gong Xu sa bawat hakbang niya bago niya sinabi ang mga dapat niyang sabihin, "Brother Ye…"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu pagkatapos niyang basahin ang mga dokumento sa kamay niya. "May kailangan ka pa ba?"

Nagtanong si Gong Xu, "Kailan kayo magbe-break?"

Snap! Biglang binali ni Ye Wan Wan ang pen na nasa kamay niya.

BANG! Nagmadaling umalis sa labas si Gong Xu sa sobrang takot, kaya sinara niya ang pintuan sa likuran niya.

Loko-loko na ito!

Inaasam-asam niya talaga na maghihiwalay kami ni Si Ye Han!

Biglang kinuha ni Ye Wan Wan ang kanyang phone. Nag-send siya ng message kay Si Ye Han na maghapunan raw sila sa labas. Gayunpaman, lumipas ang isang oras at hindi pa rin sumasagot si Si Ye Han sa text ni Ye Wan Wan.

Madalas na sumasagod kaagad si Si Ye Han ng ilang segundo kapag tinext niya ito.

Siguro marami siyang kinaka-abalahan...

Hindi ito masyadong pinansin ni Ye Wan Wan at nagpatuloy na lang siya sa pagta-trabaho.

Pagkaalis niya sa trabaho, nanatili na walang sumasagot sa text niya na nakalagay sa screen ng kanyang phone.

Sumimangot si Ye Wan Wan kaya tinawagan na niya si Si Ye Han.

"Sorry, the person you're calling is unavailable right now. Please try your call again later. Sorry…"

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung bakit niya nararamdaman na parang may mali.

Kaya agad niyang tinawagan si Ye Wan Wan.

Mabilis na sumagot si Xu Yi sa tawag niya.

Nagsalita si Xu Yi, "Hello, Miss Wan Wan?"

"Steward Xu, kasama mo ba si Ah-Jiu?" Prinangka na siya ni Ye Wan Wan.

"Si 9th Master? Nasa meeting siya kasama ang business partner niya. May nangyari po ba?"

Kumalma si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. "Wala, wala. Nagtataka lang ako. Huwag mong sabihin sa kanya sa tumawag ako, good luck sayo."

Kasalanan ito ni Gong Xu dahil kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi nito sa kanya kaya biglang nabuhay ang imahinasyon ni Ye Wan Wan.

Pagkalipas ng ilang araw:

"Sorry, the number you're calling is currently turned off…"

Lalong sumimangot si Ye Wan Wan. Ang phone ni Si Ye Han ay nakasara pa rin at hindi niya pa rin ito matawagan.

Madaling maintindihan kung bakit ang isang tao na abala ay sinara ang kanyang phone dahil ayaw niyang makatanggap ng mga tawag dahil nagta-trabaho siya.

Gayunpaman, imposibleng mangyari iyon kung si Si Ye Han ang pinag-uusapan.

Ang ganitong sitwasyon ay hindi pa nangyayari sa relasyon nila ni Si Ye Han, gayundin sa noon at buhay niya ngayon.

Hindi pinapalagpas ni Si Ye Han ang mga tawag ni Ye Wan Wan kahit na malala ang mga away nila.

At tsaka...

Hindi naging panatag ang loob ni Ye Wan Wan simula noong hindi napigilan ni Si Ye Han ang emosyon niya at kakaiba rin siya noong umalis siya sa Little House of Rose.

Masyadong magaling si Si Ye Han sa pagtago ng kanyang emosyon. Hindi mapapansin ng isang tao kapag pinili ni Si Ye Han na hindi ipakita ang pagiging emosyonal niya.

Kahit na ganoon, minsan ay napansin ni Ye Wan Wan ang kaibahan sa emosyon ni Si Ye Han...

Ang ibig sabihin nito ay umabot na siguro si Si Ye Han na hindi na niyang kontrolado ang kanyang emosyon...

Agad na tinawagan ni Ye Wan Wan si Xu Yi, "Steward Xu, magsabi ka ng totoo sa akin, saan pumunta si Ah-Jiu?"

Matagal na nanahimik ang kabilang panig.

Sa wakas ay sumagot na si Xu Yi. "Miss Wan Wan, pinahanap na namin ang lahat ng tauhan namin, pero hindi pa rin namin nakikita si 9th Master…"

"Anong sinasabi mo na hindi niyo pa rin siya nahahanap?"

"Miss Wan Wan… biglang nawala na lamang si 9th Master…" parang balisa at pagod na ang tono ng pananalita ni Xu Yi, mukhang hindi siya nakikipagbiruan.

"Nawala…?"

Nagulat at hindi makapaniwala si Ye Wan Wan sa balitang ito.

Bakit bigla na lang nawala si Ah-Jiu ng walang rason?

avataravatar
Next chapter