349 Kahilingan ng munting kaibigan ‘kong si Wan Wan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal na tinitigan ni Ye Hong Wei ang dalawang paintings bago kumawala ang mga mata niya dito. Hindi na siya nagdalawang isip na sabihin, "Totoo na kamangha-mangha ang mga gawa ni Mr. Mei, magaling… magaling!"

"Ang pangalan ng painting na ito ay ang Mundo at Kalangitan--protektado ng dragon ang langit habang ang tigre ay ang nagpo-protekta sa mundo. Mukha mang magkahiwalay ang dalawang paintings, pero kapag pinagsama mo sila, magiging iisang buong piece of art ito." ngumiti si Mei Jing Zouh.

"Mundo at Kalangitan… ang dragon ang hari ng Kalangitan habang ang tigre ang gwardya ng Mundo… ang ganda ng pangalan!"

Nagsimulang magkomento ang mga grupo ng matatanda.

"Ibibigay ko ang dalawang painting na ito bilang regalo ko sa iyo. Sana tanggapin mo ang mga ito." sabi ni Mei Jing Zhou.

"Sobra… sobra na ito…" kahit napupuno ng galak si Ye Hong wei, hindi natural sa kanya na makatanggap ng mamahaling regalo.

"Masyado kang mabait Mr. Ye. Ito ay mga gawa ko lamang noong wala akong masyadong ginagawa. Masaya ako basta't gusto mo ang regalong ito," natawa si Mei Jing Zhou.

"Lolo, isa itong tanda ng pasasalamat galing kay great master Mei. Tanggapin mo na ang mga ito!" sabi ni Ye Yiyi.

Tumango si Hong Wei nang marinig niya iyon, "Sige na nga… maraming salamat sa magandang regalo, Mr. Mei!"

Hindi maipinta ang iniisip ng lahat sa sobrang bighani nila sa nangyari--- si Ye Yiyi at Gu Yue Ze ang may pinaka kamangha-manghang regalo sa gabing iyon.

Hindi lang nila binigyan ng painting na "Dapithapon na Taglagas sa Bulubundukin" ang matanda, kundi inimbitahan rin nila ng personal si Mei Jing Zhou na nagbigay rin ng painting na "Mundo at Kalangitan" sa matanda...

Puno ng pagsamba nang tiningnan ni Ye Hong Wei ang apo niyang si Ye Yiyi--si Ye Yiyi na binigyan siya ng maraming surpresa sa salu-salo nilang nang gabi na iyon.

"Malaking pagpapala sa iyo old Ye na magkaroon ng maalalahanin na apo na tulad ni Ye Yiyi."

"Haha, hindi ko inasahan na iimbitahin niya si great master Mei para makisaya sa kaarawan mo…"

"Hindi maikakaila na pinagsikapang gawin ito nila Ye Yiyi at Gu Yue Ze."

Natamasa ni Ye Hong Wei ang kaligayahan sa bawat papuri ng mga bisita niya sa may main table.

Mahinhin na natawa si Ye Yiyi, "Tayo bilang nakababatang henerasyon, dapat lang na makuha namin ang lahat ng ikasasaya ni lolo."

Matapos tagayin ni Mei Jing Zhou si Ye Hong Wei, lahat ng tao ay gustong lumapit at makipag-halubilo sa kanya, pero umalis siya at naglakad sa ibang direksyon.

Sa hindi kalayuan, kalmadong pinanood ni Ye Wan Wan ang eksena doon. Napansin niya na tumalikod si Mei Jing Zhou at naglakad sa ibang direksyon, nagtagpo ang mga mata nila at nakita niyang naglakad ito papunta sa kanya.

"Miss Wan Wan, naniniwala ako na mas maayos na ang kalagayan mo ngayon simula noong huli tayong magkita," masayang lumapit si Mei Jing Zhou kay Ye Wan Wan.

Nagulat si Ye Wan Wan nang makita niyang kinausap siya ni Mei Jing Zhou.

Mas maayos simula noong huli tayong nagkita?

Hindi niya pa nakilala si Mei Jing Zhou noon at hindi rin sila magkaparehas ng lebel ni great master Mei...

"Kilala rin ni Ye Wan Wan si great master Mei?"

"Pinuntahan siya ni great master Mei para kamustahin siya… siguro nga, kilala nila ang isa't-isa…"

Nilapag ni Ye Hong Wei ang kanyang iniinom na wine at sumunod sa likod ni Mei Jing Zhou habang gulat siyang nagtanong, "Mr. Mei, kilala mo si Wan Wan?"

Tumango si Mei Jing Zhou nang marinig niya iyon at sinabi, "Oo naman, naging magkaibigan kami kahit magkaiba ang aming edad at matagal na kaming magkakilala."

"Oh? Talaga?" lalong nagulat si Ye Hong Wei. Talagang kilala pala ni Ye Wan Wan si great master Mei...

Parehas rin kay Ye Hong Wei ang itsura nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun; hindi nila alam na kakilala pala ni Ye Wan Wan si Mei Jing Zhou...

"Dapat mas maaga mong sinabi sa akin ang selebrasyon na ito, para makapaghanda naman ako ng mas maayos," sabi ni Mei Jing Zhou.

Huh? Kumurap-kurap si Ye Wan Wan habang nakatayo siyang maigi nang hindi gumagalaw. Wala siyang ideya sa pinagsasabi ni Mei Jing Zhou.

Ako ba talaga ang kausap niya?

"Anong nangyayari… great master Mei?" naguguluhan ang lahat at pati na rin si Ye Hong Wei.

"Eh, wala pa ring ideya si Mr. Ye?" ngumiti si Mei Jing Zhou. "Andito ako ngayon sa selebrasyon ng kaarawan ni Mr. Ye dahil sa kahilingan ng munting kaibigan kong si Ye Wan Wan, gusto niyang batiin kita sa kaarawan mo Mr. Ye."

Tila, parang kulog sa lupa ang mga salita ni Mei Jing Zhou kaya biglang nanahimik ang buong hall.

avataravatar
Next chapter