1087 Kagatin hanggang sa mamatay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natawa si Ye Wan Wan. "Tama, sinabi ko iyon."

"Masusunod ba ang mga sinasabi mo?" Nag aalangan na sinabi ni Gong Xu.

"Kailan ang pagkakataon na hindi ko ginawa ang mga sinabi ko noon?"

Sa wakas, naniwala na sa kanya sj Gong Xu at napawi na ang nag-aalangan niyang pakiramdam kanina. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang labi at biglang bumalik ang pagiging arogante niya. "Ahahaha! Hindi lang si Little Candied Plum ang makikita ko, makikita ko rin na nakasuot ng pang babae si Brother Ye! Masasambit ko ang Best Actor kahit na umabot sa dulo ng aking hininga pa 'yan!"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan nang makita niya ang masiglang itsura ni Gong Xu.

Hindi na nakakagulat na hindi gumana kay Gong Xu ang chicken noodle soup method. Kinailangang gumamit ng espesyal na method ni Ye Wan Wan.

Bahala na nga, magsusuot babae ako! Plano ko sanang sabihin ang totoo may Gong Xu pagkatapos ng shooting.

Sabik na hinugot ni Gong Xu ang kanyang phone at nagmadali siyang pumunta sa WeChat group ng kumpanya. Nagmalaki siya doon bago pa makumpiska ang kanyang phone.

[Gong Xu: Hahahahahaha! Ito ang sasabihin ko sa inyo, makukuha ng young master na ito ang Best Actor! Sigurado ako! Pupunitin ko ng parang papel ang sino man na nanakaw nito sa akin]

[Dong Zai: Galungan mo, Brother Xu!]

[Xiao Qing: Ang galing ni Brother Xu!]

[Han Xian Yu: Nakarating ka na pala?]

Makikita sa oras na tama lang ang oras ng pagdating nila sa lugar. Base sa pagkakaintindi ni Han Xian Yu kay Gong Xu, susuko kaagad siya kapag nakarating na siya sa lugar na iyon, kaya bakit sabik na sabik siya?

[Gong Xu: Hahaha, nakarating na kami, nakarating na kami!]

[Ye Mu Fan: Ano na naman ang tama mo ngayon?]

Nabagot si Ye Mu Fan nang makita niyang nababaliw na naman si Gong Xu.

[Gong Xu: Hahaha, mga pare! Magmadali kayo na pumunta sa templo at mag-ilaw kayo ng insenso, ipagdasal niyo na sana makuha ko ang Best Actor! Nakipagpustahan sa akin si Brother Ye kanina. Sinabi niya na magda-damit babae raw siya kapag nanalo ako mg Best Actor!!!!!!!]

Biglang nanahimik ang grupo ng ilang segundo bago sila magwala ng sabay sabay.

[Xiao Qing: Hala! Totoo ba? Magdadamit babae si Brother Ye?]

[Dong Zai: Tinataya ni Brother Ye ang lahat…]

[Fei Yang: Hm, bakit prang tumaas ang ekspektasyon ko? Kailangan nito ng pag sindi ng insenso!]

[Screenwriter Xu Lin: Malaki ang sakripisyo ni Direktor Ye!]

[Ye Mu Fan: Nababaliw ka na ba, Ye Bai?!]

[Front Desk: Ahhhhh! Diyosko! Gumawa na ba tayo ng grupo na maghahanda ng pag sindi ng insenso?]

[Make-up Artist: Isama mo ako, isama mo ako!]

[Logistics: Gusto ko rin na bumisita sa templo kasama ang grupo! Pinagdadasal ko na sana makuha ni Baby Xu ang Best Actor! Nakakasabik!]

[Director Liu Qing: Isama mo na rin ako, haha!]

[Leading Lady Lin Zi Shan: Gong Xu, huwag kang mag-alala, pupurihin pa kita mamaya!]

Tumatawa si Gong Xu dahil binabasa niya ang makulay nilang chat habang hinahatid siya ni Ye Wan Wan kay Instructor Lei.

Nagulat si Luo Chen nang makita niya ang group conversation. Hindi niya inasahan na papayag si Brother Ye sa request sa kanya ni Gong Xu, kaya bigla na lamang siyang nadismaya sa nangyari...

Nang makita ni Gong Xu si Luo Chen, bigla niyang binalot ang kanyang buong braso sa leeg ni Luo Chen at hinila niya ito sa gilid. "Hoy Luo Chen, mag-usap tayo!"

"Ano?" Tinulak palayo ni Luo Chen ang braso ni Gong Xu.

Dinikit ni Gong Xu ang sarili niya kay Luo Chen na parang isang glue. "Huwag kang umarte ng masyadong masahol kapag nakauwi na tayo! Maging mabait ka sana sa akin!"

Tiningnan siya ni Luo Chen. "Bakit naman?" 

Umarte si Gong Xu na para bang alam niya ang sinasabi niya. "Ayaw mo bang makitang nakasuot ng pang babae si Brother Ye?"

Isa lamang ang Best Actor Award, kaya masasabi na kalaban niya si Luo Chen sa titulong ito!

Tiningnan ni Luo Chen si Ye Wan Wan, na nakikipag-usap kay Instructor Lei bagi niya sabihin, "Kalokohan."

Nainis si Gong Xu. "Ikaw ang loko-loko! Hindi ka masaya kasama! Hindi ako naniniwala na ayaw mong makita na nakapang-babae si Brother Ye!"

Hindi siya pinansin ni Luo Chen at umalis na lamang si Luo Chen para maghanap ng tahimik na lugar.

avataravatar
Next chapter