461 Kaawa-awang posisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dalawa na lang ang natitirang kandidato na hindi pa nakakapag-audition.

Isa sa kanila ang sikat na bagong artista na si Xu Ming - ang pinakagusto nilang artistang gaganap para sa supporting role dahil meron siyang taglay na kaakit-akit na itsura at kakayanan na umarte. Si Luo Chen ang isa sa pinagpipilian, sikat siya sa mga fans ng 'Terrifying Dragon' at siya ang gumanap sa orihinal na supporting role na si Lin Luo Chen.

Inisip ulit ni Wu Zheng Fei ang sinabi sa kanya ng isa sa mga sources niya, sigurado siya na walang kinuha na espesyal na pagsasanay sa pag-arte si Luo Chen at hindi rin siya nag-hire ng sikat na mga guro para tulungan siya.

Noong unang umarte si Luo Chen bilang Lin Luo Chen napakabata niya pa at natural siyang umarte. Baguhan pa lang ang acting skills ni Luo Chen at kung maabot niya man ang karaniwang lebel ng acting skills, hindi pa rin niya mapapantayan ang abilidad ni Xu Ming.

Gayunpaman, mas mahirap ang role ni Lin Luo Chen sa pangalawang serye kung ikukumpara ito sa unang serye.

Anong klaseng artista ang maisasanay ng walang utak at emosyonal na manager na ito? Ginagamit niya lamang ang kasikatan ng iba para sumikat rin siya.

Tsk, gusto niyang abusuhin ang kasikatan ni Xu Ming?

Hayaan niyo siyang mang-abuso ng abilidad ng iba!

Sa entertainment industry, sisikat ka pa rin kahit maraming nagagalit sayo hindi ba?

Kayanin sana nila ang mga panlalait ang panghuhusga ng mga tao!

Tiningnan ng producer si Xu Ming habang ang mga mata ni Luo Chen ay biglang lumaki. "Ang natitira na lamang ay si Luo Chen at Xu Ming. Ang dalawang taong ito ay interesado ring makuha ang role ni Lin Luo Chen. Bakit hindi natin gawin ito? Para malaman natin ang taglay na lakas ng dalawang kandidato.

Napa-isip ang producer at sinabi, "Sabay na mag-audition si Xu Ming at Luo Chen. Ako at ang dalawang direktor ay pipili ng topic. Pagkatapos nito, bahala na silang dalawa kung paano sila aarte sa topic na ibibigay sa kanila! Ano sa tingin niyo?"

Napaka-natural na magsalita ng producer kaya naakit ang assistant director na sumang-ayon sa desisyon na ito. "Maganda ang ideyang ito! Pero, sino ang mauuna at sinong susunod? Hindi ba kawawa ang mauuna?"

"Ako na lang mauuna. Ilang taon nang hindi umaarte si Senior Luo Chen kaya ayokong magkaroon ng daya." Tumingin si Xu Ming kay Luo Chen at siya ay nag boluntaryo.

Tumango ang producer dahil natuwa siya sa pagpapa-ubaya ni Xu Ming. "Kung ito ang napag-desisyonan, Xu Ming, ikaw na ang mauna!"

Sumang-ayon na rin ang assistant director, hindi naman humindi si Song Lin Jin at nakakunot lang siya.

Humalukipkip si Ye Wan Wan at ngumisi siya.

Dahil mas kaunti ang oras na gumawa ng stratehiya ang taong mauuna dahil doon mismo sila magbibigay ng topic na i-aakto niya, mukhang magiging kawawa si Xu Ming dahil dito.

Ang katotohanan na magkakaroon ng kalayaan ang unang tao na gawin ang kahit anong gusto niya ay tunay nga naman pero, kapag nagkaparehas si Luo Chen at Xu Ming ng paraan ng pag-arte, mahuhusgahan si Luo Chen na ginaya niya lamang si Xu Ming kahit orihinal ang ideya niya.

At saka, malakas ang epekto ng unang impresyon. Malalagay sa pabayang posisyon si Luo Chen dahil pangalawa siyang aarte.

Ang unang eksena na pinili ng hukom ay ang eksena ni Lin Luo Chen. May nakilalang male lead si Lin Luo Chen matapos ang ilang taon niyang nahulog sa pangangaral ng isang demonyo. Kailangang sumagot ni Lin Luo Chen sa interogasyon na galing sa male lead.

Tumayo si Xu Ming sa gitna ng malaking hall at pumikit siya.

Nakuha niya agad ang karakter sa loob lamang ng limang segundo.

Nilagay niya ang isang kamay sa likod at tumayo siya ng matuwid na para bang iniimbitahan niya ang malalakas na hangin.

"Tsk, tama daan? Sakim na daan? Ano ang tama at mali? Napakababaw mo pa rin, Yun Hai!"

Walang tinitingnan si Xu Ming ngunit, parang bang si Yun Hai ay nakatayo doon. Makikita ang mapangasar at galit na mga mata niyang tinitingnan ang hindi makitang male lead.

Pagkatapos nito, ang pag-arte ni Xu Ming ay naging 30% na baliw at 70% na brutal. "Ito ang sasabihin ko sayo - matagal ng nakasulat ang kasaysayan ng mga nagtatagumpay! Simula sa araw na ito… Sa lugar na ito… ang mabuti kapag sinabi kong mabuti at masama kapag sinabi kong masama!"

avataravatar
Next chapter