357 Iuuwi ko para ipakilala sa iyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw…"

Gising na sa katotohanan si Ye Mu Fan, tiningnan niya si Ye Wan Wan na para bang multo ang nakikita niya.

Binalot rin ng pagkamangha ang itsura nila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting--halata naman na hindi nila inasahang gagawin iyon ng babaeng anak nila.

"Wan Wan, ikaw… totoo ba ang lahat ng sinabi mo?" Kabadong tinanong ni Liang Wan Jun.

Noon pa na pinag-isipan ng mabuti ni Ye Wan Wan ang gagawin niya; hindi ito mahalaga noon dahil sa lamag ng relasyon niya sa kanyang magulang pero ngayon, nahirapan siyang sabihin sa kanila na boyfriend na niya si Si Ye Han--malalaman na rin naman nila ito kahit itago niya pa.

Kesa magkaroon ng masamang pag-iisip at spekulasyon sa kanya ang kanyang mga magulang sa hinaharap, mas maganda nang tapusin niya ang ganitong pangyayari ngayon din.

Kaya tumango si Ye Wan Wan sa sumagot, "Mama, papa, totoo po ito!"

Nagalak si Liang Wan Jun sa hindi niya inasahang balita. "Saan siya galing? Ilang taon na siya? Anong ginagawa niya? Mapagkakatiwalaan ba siya?"

Kaawa-awang sumagot si Ye Wan Wan, "*cough* Mama, hindi ngayon ang tamang oras para sabihin ko ang detalye ng boyfriend ko. Ipapaliwanag ko ang lahat sayo sa susunod, kapag inuwi ko siya sa bahay at ipapakilala ko siya sayo!"

Naisipan na niyang gawin ito noon palang pero hindi siya solusyon sa susunod na mga panahon--mag-iisip pa kasi siya ng solusyon para hindi mandiri si Si Ye Han sa mga taong nakapalibot kay Ye Wan Wan...

Sa isang iglap, may narinig na ingay si Ye Wan Wan sa kanyang phone at doon niya lang nalaman na nakalimutan niyang patayin ang tawagan nila ni Si Ye Han at hindi rin binaba ni Si Ye Han ang sa kanya.

Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag ngunit hindi niya maiwasang magsuspetya sa narinig niya.

Ano ang ingay na iyon?

May sinabi ba akong mali?

Kumalma at tumango sila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting nang marinig nila ang sinabi ng kanilang babaeng anak.

Tumayo si Ye Wan Wan sa harap ng kanyang mga magulang binigyan niya sila ng maingat at matamis na ngiti. "Mama at Papa, uwi na tayo!"

"Sige… sige…"

Sa oras at lugar na iyon, ang mag-asawa ay may siguradong puso na ang matigas ang ulo at marahas nilang anak ay nagbago na.

Bago sila umalis, kumaway sila at nagpaalam sa matandang lalaki.

Nag-aalala si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun na baka pagalitan ng matanda si Ye Wan Wan at depensahan pa niya ang kaniyang apong si Ye Yiyi...

Gayunpaman, bago pa humirap lalo ang sitwasyon nila dahil sa matanda, yumuko si Ye Wan Wan at kusang nanghingi ng tawad sa matanda. "Pasensya na lolo, naging masama si Wan Wan ngayong araw… pero… kung nagpatuloy pa ito, mahihirapan ako, si Gu Yue Ze at Ye Yiyi. Kaya tama lang na magkaroon ng mabilis at walang awang solusyon para maayos na ang lahat ng kaguluhan! Noon, masyado ako mapang-angkin pero ngayon, inayos ko na ang sarili ko at nagdesisyon akong mabuhay ng puno ng kasiyahan ang bawat araw ko!"

Mukhang nahihirapan at may tinatagong pasakit si Ye Wan Wan noong nagsalita siya. Para bang, marami siyang dinamdam na lungkot at pighati.

Ang matanda ay puno ng galit kanina, pero nang makita niyang yumuko sa harap niya ang babae at kinakagat ang kanyang labi, napawi na ang galit niya kay Ye Wan Wan.

Saan naman siya magagalit? Magagalit siya dahil pinatigil ang engagement ng walang paalam sa kanya?

Pero totoo naman na wala nang bisa ang engagement nila ng Gu na iyon at alam napapabisa na lang ito dahil sa bansag na iyon--walang benepisyo kung ipagpapatuloy lang ng tatlo ang engagement.

At para naman sa lahat ng sinabihan niyang, tinigil niya ang engagement dahil mag mahal na siyang iba, ginawa niya bang mandaya sa kanyang fiancee?

Walang pundasyon ang paratang na iyon...

Gayundin, umaakto naman nang mag jowa sila Gu Yue Ze at Ye Yiyi kahit pa engaged na siya, kaya wala siya sa posisyon na husgahan si Ye Wan Wan sa pag-uugali niya.

Kaya sa huli, naintindihan na ni Ye Hong Wei na hindi niya pwedeng husgahan na kahit isang beses si Ye Wan Wan.

Bagamat, nang makita niya ang pagbabago ng kanyang apo kung paano nito itrato si Gu Yue Ze at nakita niya na nagkusa itong putulin ang relasyon nilang dalawa, nalaman niya na may karakter pala ang panig nila sa Ye family.

"Sige, isang beses ko lang itong palalampasin. Umuwi na kayo." Sa tinagal ng pag-iisip ni Ye Hong Wei, walang salita lang ang lumabas sa kanyang bunganga.

Masunuring tumango si Ye Wan Wan. "En, paalam lolo. Ingatan niyo po ang kalusugan ninyo. Bi-bisitahin kita paminsan-minsan!"

Madalas na hindi pumapayag si Ye Hong Wei na papuntahin ang pamilya nila sa lumang bahay niya, pero nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, hindi siya tumanggi na papuntahin sila at tumango na lamang siya.

avataravatar
Next chapter