84 Itrato siya na parang kapatid ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang siya'y nag-iisip, naramdaman niya na tinitignan siya ng masama ni Shen Meng Qi.

Inangat ni Ye Wan Wan ang mga kilay niya at tahimik niya itong tinanong, "Meng Qi, hindi ko akalain na magiging ganto ang lahat! Hindi mo naman ako sisisihin, 'di ba?

Galit na galit na nakikinig si Shen Meng Qi sa mga bulong na naririnig niya sa kanyang paligid pero pinipilit niya nalang pigilan ang sarili at tinatago niya ang kasakiman sa kanyang loob-looban. Nagpumilit siyang tumawa at sabing, "Wan Wan, bakit naman… bakit naman kita sisisihin? Hindi mo naman 'to sinasadya…"

Mangalit na nagsalita si Shen Meng Qi at tinignan ang mga natirang tao sa paligid. Agad-agad naman siyang nagpaliwanag sa kanya, "Actually, hindi naintindihan ni Yan Ran. Bakit ko aagawin ang sweetheart niya?!"

Totoo nga na gusto ako ni Song Zi Hang at nililigawan niya ako pero hindi ko pa siya sinasagot at gusto pang linawin ang mga bagay tungkol samin. Kinuha niya ang chance at hinalikan ako bigla ng di ko napapansin. Hindi ako ang gumawa ng first move; Hindi ko inaasahan 'yun"

Natakot ako na hindi maiintindihan ni Yan Ran kaya tinago ko iyon sa kanya, pero sinong mag-aakala na ikaw pa…"

Ngayo'y wala na si Yan Ran at wala din doon si Song Zi Hang, walang nakakaalam ng totoo. Sinubukan ni Shen Meng Qi ayusin ang lahat at ilipat ang bintang kay Ye Wan Wan.

Hindi din nagpatalo si Ye Wan Wan sa laro; sumagot ito na tila bang may bagong ibubunyag, "'Yun nga ang sabi ko, halata naman na ang taong gusto mo ay 'yung kuya ko!"

Nagulat si Shen Meng Qi sa sinabi nito at matigas na itinama niya ito, "Wan Wan, 'wag kang gumawa ng kalokohan, kapatid lang ang tingin ko kay Mu Fan. Para ko na siyang kuya!"

Ngayon na umuunlad ang Star Entertainment na hawak ng mga Shen, siya ay magiging isang malaking artista. Kasama ang isang magandang kinabukasan, madami ang mga hahabol na lalaki sa kanya. Ayaw niyang may makasalunghat ang isang walang kwentang lampa, na si Ye Mu Fan.

Kaya lang naman siya nakakapit sa kanya dahil may mga silbi pa ito na pwede niya pang magamit.

Nang sabihin ni Shen Meng Qi tungkol sa pagtrato niya na parang kapatid kay Ye Mu Han, ay sapat na para mahirinan si Ye Wan Wan sa pagkasuklam.

Para bang hindi niya alam ang iniisip talaga ni Shen Meng Qi. Nangutya ang puso niya at may paghihinalang tinanong ito, "Totoo? Ako mismo ang nag-mail out sa love letter na binigay mo sa kuya ko! Ang tamis nga ng letter; tulad ng 'nahulog agad ako sa 'yo ng una kitang makita, ikaw perfect god sa puso ko…'

Iyon pala mali ako--na akala ko na magustuhan ang isang taong katulad ng kuya ko? At akala ko ang baba na ng tingin mo sa kuya ko dahil sa nangyari sa papa ko!"

Ang masigasig na mga tao ay napabuntong-hininga nalang, pagpapakita na naiintindihan na nila ang nangyari at mas nagsuklam pa ang pagtingin nila kay Shen Meng Qi.

Sa pagpapaliwanag ni Shen Meng Qi, labis ang pagdududa ng mga ito sa kanya at karamihan ay nasa panig ni Jiang Yan Ran.

Sa pagkakarinig ni Ye Wan Wan sa sinabi niya, naramdaman nila na totoo nga na si Shen Meng Qi ay ayaw sa mga mahihirap at mas pumapabor pa sa mga mayayaman. Ang kuya ni Ye Wan Wan, na si Ye Mu Fan, ay naging sikat din sa Qing He at alam din ng maraming tao ang tungkol sa paghabol ni Shen Meng Qi sa kanya.

Ngayon na sinabi niya na kuya lang ang tingin niya sa kanya? Sinong maniniwala sa kanya?!

Nasindak si Shen Meng Qi, "Wan Wan, matagal na panahon na iyon, bata pa ako noon at ignorante. Hindi ko alam kung ano 'yung pag-ibig n'on!

Tsaka, paano naman ako lalayo sa inyo ni Mu Fan dahil sa nangyari sa pamilya niyo? Kung iyon ang intensyon ko, bakit malapit ako sa 'yo at tinulungan ko pa ang kuya mo na makapasok sa kumpanya ng papa ko?"

Nagkaroon bigla ng kumpiyansa si Shen Meng Qi. Tumawa nalang siya at sinabing, "Bukod sa hilig niyang magsugal, pinuri pa ng papa ko si Mu Fan dahil sobrang sipag niya sa kanyang trabaho! Hangga't masipag na nagtatrabaho si Mu Fan, hindi masama ang pakikitunggo ng papa ko sa kanya!"

avataravatar
Next chapter