469 Ito’y hindi pagkakaintindihan lamang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ito ni Gong Xu, nanigas ang kanyang mukha at bigla niyang naalala na kinuha niya lang ang role ni Luo Chen mula kay Ye Bai.

Nang maisip niya na nabastos niya ang kanyang magiging bayaw bago pa niya makita si Little Candied Plum, nagsimulang tumulo ang malamig na pawis mula sa noo ni Gong Xu.

Matapos ang pagisipan ng ilang saglit, sinabi ni Gong Xu ng walang alinlangan: "'Terrifying Dragon 2'? Sino nag sabi niyan? Ako ay gaganap sa 'Terrifying Dragon 2' - paano nangyari na wala akong kaalam-alam sa bagay na iyan? Hindi! Sigurado akong hindi yan totoo!"

"Oh? Talaga ba?" tawa ni Ye Wan Wan. Inilabas niya ang finax na papel na binigay sa kanya ng kanyang assisant.

Tinignan ni Gong Xu ang listahan ng mga artista at biglang nagngitngit ang kanyang mga ngipin, gusto niyang hatakin palabas si Zhou Wen Bin at bugbugin ito.

Kung hindi lang siya pinapagalitan ni Zhou Wen Bin, bakit siya magpapakamatay para kunin ang role ng atristang alaga ni Ye Bai? Hindi niya na dapat binastos ang nakakatandang kapatid ni Little Candied Plum kundi!

Takot na baka magdulot ang insidenteng ito ng pagkakalayo nila ni Little Candied Plum, napagdesisyunan na ni Gong Xu at sinabi, "Ye-ge ito'y hindi pagkakaintindihan lamang. Ito ay isang hindi pagkakaintindihan! Bakit ko kukunin ang role bilang supporting actor kung ang orihinal na mga aktor ay mahusay naman!"

Matapos niyang magsalita, agad siyang humarap sa kanyang mga assistant. "Kayong dalawa, ano ang talagang nangyari? Sino ang pumayag na kunin ko ang role na ito ng walang pahintulot?"

Nalito ang dalawa niyang assistant. Matapos nilang magtinginan, sumagot ang isa sa kanila, "Huh? Xu-ge hindi ba ito ang role na…"

Hindi ba't ito ang role na gusto niyang kunin? Sinabi pa nga niya na dudurugin niya si Ye Bai dahil sa pagpunta dito! Bakit umaasta siya na parang nagka amnesia siya ngayon?

Hindi na pinatapos ni Gong Xu ang sinasabi ng kanyang assistant ng bigla niya siningit na: "manahaimik ka! Anong karapatan mong itanggi ito? Ang lakas ng loob mo na kumilos ng walang pahintulot ko, huh? Tawagin mo si Zhou Wen Bin ngayon na!"

Walang magawa ang assistant. Sa sitwasyong ganito, hindi niya kayang ayusin ito. Kung kaya, tumakbo siya ng mabilis upang hanapin si Zhou Wen Bin.

Ang lahat ng nasa looban ng makeup room ay hindi makasunod sa mga nangyayari at lahat sila ay nakatunganga lamang...

Matapos umalis ng kanyang assistant upang hanapin si Zhou Wen Bin, patuloy na papikit-pikit ang peach na mata ni Gong Xu na parang kumikinang na tubig. Miserable niyang tinignan si Ye Wan Wan. "Ye-ge, ito ay isang hindi pagkakaintindihan lamang - bakit ko kukunin ang role ng artista na nasa pangangalaga mo…"

Uminom ng tsaa si Ye Wan Wan. Ngumiti lamang siya at hindi ito binuking.

...

Sa pangalawang palapag ng opisina:

Nasa maayos na kalagayan si Zhou Wen Bin, pinupunasan ang kanyang mga antigo sa opisina habang may kausap sa telepono.

"Huh, kinuha ni Ye Bai ang role ni Luo Chen? Sino ang nagsabi niyan?"

"Baguhan lamang siya; masyadong mataas ang tingin mo sa kanya! Ang role na ito ay sa akin na!"

"Bakit, hindi ka naniniwala? Ano ngayon kung pinalabas na sa publiko ang mga gaganap? Tingin mo ba dahil sa kasama siya sa paganunsyo nito sa publiko sa kanya na ang role na ito?"

Nakikipagusap pa si Zhou Wen Bin sa kanyang kaibigan sa telepono nang biglang binuksan ng assistant ni Gong Xu ang pintuan at nagmamadaling pumasok. "Zhou… direktor Zhou!"

Kahit na nakikita na niyang naguguluhan ang assistant, walang pakialam si Zhou Wen Bin dahil maganda ang kanyang pakiramdam. Tumingin siya sa assistant at sinabing, "Bakit ka naguguluhan?"

Hindi sigurado ng assistant ang buong sitwasyon, kung kaya hindi siya padalos dalos sa kanyang mga sinabi; mapait na ekspresyon lang ang ginawa niya at sinabing: "Pinapunta ka ni Xu-ge saglit doon…"

"Bakit? Ang great young master ay nag tantrums ulit?"

Nasanay na si Zhou Wen Bin dito kaya hindi niya masyadong pinansin ito. Tumayo siya at sinabing, "tara na, titignan ko na!"

Hindi nagtagal, sinundan ni Zhou Wen Bin ang assistant at umabot sa makeup room ni Gong Xu.

"Gong Xu, anong problema? Sino ang nagpagalit sayo ngayon?"

Marahan na nagsalita si Zhou Wen Bin habang naglalakad papasok,ngunit ng mga sandali niyang inangat ang kanyang tingin, napansin niya na maliban kay Gong Xu, nasa may kwarto din si Ye Bai. siya ay sandaling nagulat at saka ipinakita ang panlalait na itsura.

Heh, alam talaga nitong si Ye Bai kung paano gumawa ng paraan para makasira - talagang naglakas-loob siyang pumunta dito para direktang kausapin si Gong Xu?

avataravatar
Next chapter