1149 Isang Yakap para sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nanigas ang katawan niya nang marinig niya ang boses ni Si Ye Han. Dahan-dahan na umangat ang paningin niya kay Ye Wan Wan.

"Halika dito." Ang mga mata ni Si Ye Han ay parang malalim na pool na may malalim na tubig habang nakatitig siya ng maigi kay Ye Wan Wan.

Sumunod si Ye Wan Wan at naglakad siya patungo sa likod ng desk ni Si Ye Han, hinawakan niya ang noo ni Si Ye Han at napakunot siya. Normal naman ang temperatura ng katawan niya.

Biglang naging maamong hayop si Si Ye Han, na kanina'y nagwawalang halimaw, nang makita niya si Ye Wan Wan.

"Ah-Jiu, masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ye Wan Wan.

Hinayaan lang ni Si Ye Han na hawakan siya ng maliit na kamay ni Ye Wan Wan, bigla niyang inangat ang kanyang kamay at niyakap niya si Ye Wan Wan. Nagsalita siya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, "Kanina masama ang pakiramdam ko."

Nagulat si Ye Wan Wan. Huh? Kanina masama ang pakiramdam mo?

Ang sinasabi niya ba ay… umayos ang pakiramdam niya nang makita niya ako?

Nabuhay na naman ang mga matatamis na salita ni Si Ye Han...

Walang masabi si Xu Yi habang nakatago siya sa taguan niya sa tabi ng pintuan, pero nagbuntong hininga na siya na tila'y naginhawaan siya sa nakita niya. Alam niya na na mangyayari ito. Kahit anong man ang mangyari, mareresolba lamang ito ng isang bisita ni Miss Wan Wan...

Hinayaan ni Ye Wan Wan na yakapin siya ni Si Ye Han at dahan-dahan niyang sinabi, "Hindi ka ba napagod dahil naging abala ka ng dalawang araw? Kailangan mo bang matulog? Sasamahan kita."

Mukhang pagod na pagod na si Si Ye Han, pero yakap niya pa rin si Ye Wan Wan. "Hindi ba pupunta ka sa award ceremony?"

Sumabad si Ye Wan Wan, "Hindi importante ang seremonya kung ikukumpara sayo!"

Makikita na sinuyo siya ni Si Ye Han at ang nawala ang kaninang lungkot na nararamdaman ni Si Ye Han. "Sige lang. Okay lang ako, medyo napagod lang."

Sinenyasan ni Si Ye Han si Xu Yi gamit ang kanyang tingin.

Agad na sinabihan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han nang makita niya ang babala na mga tingin nito kay Xu Yi, "Huwag mong titigan ng masama si Xu Yi! Ako ang nagsabi kay Xu Yi na mag-report siya sa akin kung may nangyaring masama, kaya hindi mo siya pwedeng sisihin o saktan!"

"Okay."

Sobrang natakot si Xu Yi sa tingin ni Si Ye Han, pero naramdaman niya ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata nang marinig niya ang mga sinabi ni Ye Wan Wan.

Ang sarap sa pakiramdam na sinusuportahan siya ng boss lady!

Naramdaman niya na ligtas siya.

Tahimik na umalis si Xu Yi nang makita niya na nawala na ang panganib sa kanyang master.

Makikita ang pag-aalala sa sa mukha ni Ye Wan Wan habang nakatitig siya sa lalaking kaharap niya.

Bakit ang gulo ng ekspresyon ni Si Ye Han? Wala namang regla ang mga lalaki...

Gayunpaman, mataas ang posisyon ni Si Ye Han. Nakaasa ang malaking clan at malaking kumpanya sa kanya. Wala siyang magawa kundi sarilihin ang lahat ng emosyon niya, ngunit hindi maiiwasan ang malakas sa pressure.

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang sinabi ni Ye Wan Wan.

"Ikaw lang ang makakasira ng mood ko."

"Ang saya pala eh…"

Nilapit ni Ye Wan Wan ang kanyang sarili kay Si Ye Han at umupo siya sa hita ng lalaki. Nilagay niya ang mga kamay nito sa kanyang baywang at sinabi, "Ito, isang yakap para sayo. Magpalakas ka ng konti."

Mahigpit na niyakap ni Si Ye Han si Ye Wan Wan. Biglang nagsalita si Si Ye Han, "Bumalik ka na. Okay lang ako."

Maingat na sinuri ng matagal ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. Kumalma na siya noong nakita niya na normal na si Si Ye Han. 

"Mm, bago ako umalis, kailangan ko muna ng lakas ng loob galing sayo!" Nag-request sa kanya si Ye Wan Wan.

Pinalupot ni Si Ye Han ang kanyang mga kamay sa likod ng ulo ni Ye Wan Wan at hinalikan niya ito. "Bumalik ka ng matagumpay."

Mabilis na tumibok ang puso ni Ye Wan Wan at bigla siyang nagreklamo, "Gusto ko na palakasin mo ang loob ko, hindi akitin ako, okay…?"

avataravatar
Next chapter