569 Isang walang kwenta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pamilyar si Yuan Shen sa rule na ito kaya hindi na siya kailangang paalalahanin pa ni Xu Yi.

"Tsk…" tumayo ng maayos si Yuan Sheng at mahina niyang sinabi, "Alam ko ang nakaraan mo Eleven… isang duwag na walang kwenta na tulad mo ay may lakas ng loob pang ipaglaban ang posisyon para sa punong kapitan?"

"Anong sinabi mo…" napakunot si Eleven.

"Tsk tsk tsk…" umiling si Yuan Sheng at ngumiti. "Noong apat na taon na nakalipas, bago ka matuto ng martial arts at sumali sa Dark Team ng Si family… may naging girlfriend ka na naging kasintahan mo simula pa noong bata pa kayo, maganda ang naging relasyon niyo noon…"

"Ikaw!" Nanigas ang buong katawan ni Eleven nang matandaan niya ang nakaraan.

"Nakakaawa ka naman pala… noong naglalakad kayo ng girlfriend mo sa parke, may nakasalubong kayo na mga lasing…" lumaki ang ngiti sa Yuan Sheng.

"TAMA NA!" Mahigpit na isinara ni Eleven ang kanyang kamao at bumilis ang kanyang paghinga.

"Bakit? Ayaw mong tanggapin ang katotohanan ha?" Nangasar pa lalo si Yuan Sheng. "Sayang - hinayaan mo ang masamang tao na iyon na insultohin ang girlfriend mo, at sa harap mo pa… tapis tumakbo ka lang, hahaha… iniwan mo ang girlfriend mo para protektahan ang kanyang sarili. Tunay na mapag-ubaya ka."

"Tama na… tumigil ka na!" malalim na nakadiin ang kuko ni Eleven sa kanyang mga palad hanggang sa tumulo ang dugo.

"Nung gabi din na iyon, nagpakamatay ang girlfriend mo nang tumalon siya sa lawa… hay, kung kailan kawawa at takot siya, doon siya iniwan ng boyfriend niya… nakakaawa talaga!" Umiling si Yuan Sheng.

"Hindi ko ginawa 'yon… manahimik ka!" Paiyak na si Eleven at namaga ang kanyang mga mata. Natandaan niya na naman ang insidente noong nakalipas na apat na taon.

Isang hamak na binata pa lamang si Eleven noon at napakarami niyang kalaban noong oras na iyon. Kahit ang mga lasing ay na-alarma. Tumakbo siya… para maghanap ng tulong!

Ngunit, huli na siya - pagkatapos pahiyain ng mga lasingo ang girlfriend niya, tumalon sa lawa ang babae at namatay...

Hindi niya magawang patawarin ang sarili niya sa mga taon na lumipas at ito rin ang rason kung bakit siya nag-aral ng martial arts.

Pagkatapos niyang matuto na mag-martial arts, nalaman niya na sinaksak ng mga lasing na iyon ang mga ulo nila. Naging takas na lamang si Eleven simula noon… pagkatapos, tinanggap siya ng Si family bilang miyembro ng Dark Team...

Hindi ako tumakbo at hindi rin siya tinalikuran!

Kinailangan niyang gumawa ng solusyon sa sitwasyon nila noon; kailangan niyang manghingi ng tulong...

Natandaan niya ang ngiti ng gilfriend niya noon kaya umungol si Eleven na parang nakakulong na halimaw, "Manahimik ka! MANAHIMIK KA! Hindi ako tumakbo! Hindi…"

"Isa kang duwag, wala kang kwenta. Dapat sabay na lang kayong nagpakamatay ng girlfriend mo - bakit buhay ka pa rin ngayon at sinusubukan mo pa rin maging punong kapitan? Sino ka para makuha ang titulong iyan?" Mabilis na nagsalita si Yuan Sheng.

"Liu Ying, punyeta, manahimik ka na! MANAHIMIK KA!" nasira ang paninindigan ni Eleven kaya para siyang mabagsik na halimaw. Wala siyang pakialam kundi atakihin si Yuan Sheng habang ang ere ay nag-iba; binalot ito ng kasamaan na pumapalupot sa kanya.

"Ha…" napangiti si Yuan Sheng dahil nakuha niya ang gusto niya.

*Pow!*

Sinapak ni Yuan Sheng sa tiyan si Eleven kaya nahulog si Eleven sa lapag.

"Masunog ka sana sa impiyerno!" umangal si Eleven at sinubukan niyang tumayo.

Gayunpaman, tinapakan ni Yuan Sheng at dibdib ni Eleven at nanliliit niyang tinitigan si Eleven. "Wala kang kwenta Eleven, isang walang kwenta na hindi man lang na-protektahan ang sariling girlfriend! Bakit buhay pa rin ang tulad mo? Bakit hindi ka na lang mamatay? Para patas kayo ng girlfriend mo."

"P********!" Namula ang mga mata ni Eleven at ang ugat sa noo niya ay nagsi-angatan.

"Isa kang duwag na inabandona ang sariling girlfriend. Aminin mo!" matalino ang pagkaka-ngiti ni Yuan Sheng.

May malakas na hiyawan ang narinig sa ilalim ng ring - hindi nila inasahan na si nameless Eleven ay may ganitong nakaraan pala.

"Hindi ako, hindi ko…!" Halos umikot ang utak ni Eleven habang nakikinig siya sa tsismisan sa ilalim ng entablado, dahil sa sinabi ni Yuan Sheng. Paikot-ikot ang utak niya kaya nakita rin ang kahinaan niya.

avataravatar
Next chapter