546 Isang pustahan na may halik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sulyap, nagulat si Gu Yue Ze nang makita ang binata.

Bakit pamilyar ang lalaking ito?

Parang… kamukha siya ni Ye Wan Wan sa salo-salo ni lolo Ye nung isang araw...

Pero kakaiba ang mga kilos niya sa kanya; at saka, lalaki din siya.

Karaniwan lang sa mga tao na magkamukha, lalo na sa showbiz na laganap ang cosmetic surgeries. Kaya naman, lumingon na lang ulit si Gu Yue Ze at hindi na muling pinag-isipan ito.

Dahil sa itsura ng lalaki, naalala niya ang araw na sinabi ni Ye Wan Wan sa kanya na hindi na siya tutuloy sa kasal niya sa banquet, at kaya naman, nandilim pa lalo ang itsura ni Gu Yue Ze.

Mapamahiin ang mga negosyante tungkol sa swerte at tagumpay; nanguha ng geomancy expert ang mga Gu na labis labis ang presyo. Pinagawa din nila ang templo at gumagawa ng mga donasyon kada taon.

Kaya naman nang biglang lumitaw ang taong 'to at kinumentuhan na hindi magiging maganda ang kapalaran niya, naging hindi siya komportable dito.

Nang makasalubong ang malamyang mga tingin ni Gu Yue Ze, may bakas na mga ngiti ang lumitaw sa mata niya. "Ano, chairman Gu, hindi ka naniniwala? Bakit hindi kita hulaan ng libre lang dito, huh?"

Malamig na tinignan siya ni Gu Yue Ze at agad na lumihis ng tingin. Hindi na ito nag-abala pa at tinrato na parang isa siyang payaso.

Mabilis na sinabi naman ni Qi Mei Lin, "Chairman Gu, 'wag kang bumaba sa lebel niya. Mukha naman siyang mandaraya at alam pa manghula, huh? Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa isang templo? Anong ginagawa mo dito sa ganitong industriya?"

Nagkibit-balikat na lang si Ye Wan Wan at kaswal na sinabi, "Kapag nagbago ang isip mo, chairman Gu, pwede mo 'kong hanapin anumang oras."

Hindi makaimik si Qi Mei Lin at bumulong, "Baliw…"

Sumulyap so Ye Yiyi sa binata. Kumunot ang mga kilay niya at hindi na nagsalita pa.

Akala ng lahat na sinusumpa lang ni Ye Wan Wan si Gu Yue Ze at sinusubukang magsalita para sa buong mundo, kaya hindi nila sineryoso ang mga sinabi niya.

Nang makita napatahimik ang mga tao sa galit, ngumiti ng malaki si Qiao Ke Xin at sabi, "Little Mr. Fortune teller, ang galing mo! Kung hindi lang dahil kay Han Xian Yu at sa bumbilya sa pagitan natin, hahalikan ka talaga ni jie-jie!"

Ye Wan Wan: "..." Buti na lang nasa gitna namin si Han Xian Yu.

Hindi din makaimik si Han Xian Yu. Sinabi niya na lang, "Ye Bai, kahit na napakalma mo ang tensyon sa sinabi mo… hindi ba parang sinampal mo na din yung sarili mo kapag nanalo sila?"

Kumiskislap na parang bituin ang mga mata ni Ye Wan Wan at nagliwanag ang mata niya. "Paano kung… tama ako?"

Namangha si Han Xian Yu sa nakitang ningning sa mata ng lalaki. Tumawa siya at sabi, "Kung tama, napakaganda no'n at tatawagin kitang isang psychic!"

Sa nasabi, mukhang may naisip si Han Xian Yu; tumingin siya kay Qiao Ke Xin at kay Ye Bai at mukhang nahiya.

Napansin ni Ye Wan Wan ang pagbabago sa itsura ni Han Xian Yu at nagtanong, "Ano iyon?"

Marahang umubo si Han Xian Yu at lumapit kay Ye Wan Wan, "Nakalimutan mo na ba 'yung pustahan niyo ni Xin-jie nung gabing nalasing ka?"

"Ah? Anong pustahan?" nalilitong tanong ni Ye Wan Wan.

Nakalimutan niya nga...

Hinakawan ni Han Xian Yu ang noo, para bang nalugi. "Na… sinabi kapag nanalo ka, kailangan kang halikan ni Xin-jie kapag nakuha niya ang best actress award…"

Nang sinabi 'yon ni Han Xian Yu, nablangko ang utak ni Ye Wan Wan at nagulat.

Ppp… p*ta...

Ginawa ko talaga 'yon nung lasing ako!

avataravatar
Next chapter