766 Isang piraso na lang ang natitira

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang pakialam sila Huang Shi Xin, Hou Maofeng at ang iba pa sa pagmamayabang ni Ye Wan Wan at inakala nila na baka naiingit lamang siya.

"Ipagpatuloy mo! Hiwain mo ang parte na ito!" tinuro ni Hou Maofeng ang isang parte at mapagmataas siya noong inutusan niya ang gemcutter.

"Sige, boss!" tumango ang gemcutter, kinakaskas niya ang mga kamay niya at sinimulan niyang hiwain ang bato gamit ang mahirap at komplikadong pamamaraan ng paghiwa nito.

Ang mata ng lahat ay nakatuon sa kamay ng gemcutter at makikita sa mukha ni Huang Shi Xin ang pagkasabik niya.

Nagsimulang ma-buzz ang makina ng panghiwa...

Ang bato ay hinati ng dalawa ng gemcutter at dahan-dahan niyang hinugasan ng tubig ang mga dumi.

Sa huli, ang mataas na kalidad na nilalaman ng bato ay buong isiniwalat sa harap ng mga tao.

Nasa kamay ng gemcutter ang dark green na materyal na umangat. Ginamitan ni Hou Maofeng ng flashlight para liwanagan ito. Sa ilalim ng liwanag, napakagara at napakaganda ng berdeng materyal.

"Imperial jade?!"

Nasabik si Huang Shi Xin nang makita niya ito.

Hindi lang si Huang Shi Xin ang nabighani, gayundin ang gemcutter ng Glittering Jewels, si Wang Hu at Wan He Yu.

Ang Imperial Jade ang isa sa mga mamahaling materyales sa jade trade ng Myanmar at ito ay extracted na at kadalasan ay may bigat na sampung kilo!

"Maghanap ka ng eksperto para alamin ang halaga nito!!" sumigaw si Hou Maofeng.

Mabilis na umalis sa Hui Cui Workshop ang ilang mga tauhan, nang marinig nila ang sinabi ni Hou Maofeng.

Walang kapantay ang galit na nararamdaman nila Xue Li at ng grupo ng mga eksperto.

Imperial jade iyo! At maliking tipak ng imperial jade ito!

"Hahaha, Miss Ye. Madidismaya ka na naman!" Tumawa si Huang Shi Xin.

Ngumiti si Hou Maofeng. "Ano kayang laman ng mga bato ni Miss Ye?"

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan si Hou Maofeng at ang iba pang nangangasar sa kanya, "Ilang bato na lang ang natitira, boss Wan?"

Sumagot ang malungkot na si Wan He Yun, "Isa… isa na lamang ang natitira..."

May hiniwa silang bato kanina at wala na naman itong laman.

Sa dami ng mga bato na meron sila, maingat pa rin niya itong pinili kahit na hindi ito nanggaling sa mataas na kalidad ng mga bato ng Hui Cui Workshop; ngunit walang disenteng piraso ang lumabas dito.

Mukhang hindi siya angkop sa propesyon na ito...

"Hahaha…" tumawa ng malakas si Hou Maofeng. "Miss Ye, sa palagay ko, uuwi ka ng walang talunan! Buksan niyo na - hindi ba't may isa pa kayong natitira? Bakit hindi niyo magawa? Natatakot ba kayo?"

"Miss Ye…" hindi alam ni Wan He Yun ang sasabihin niya at lubha siyang nagsisisi.

"May isa pang natitira 'di ba? Hiwain mo na!" kaswal na sinabi ni Ye Wan Wan.

"Master Wang, pakihiwa na ang bato…" mahina ang boses ni Ye Wan Wan nang sinabi niya ito.

"Sige." Tumango si Wang Hu at sinimulan niya ang paghiwa.

Dambuhala ang bato na ito, halos 50kgs ang bigat ng bato. Ito ay isang classic black sand rock at ito ang pinakamahal na bato sa lahat tumpok ng mga bato.

Dahan-dahan na hiniwa ng makina ang bato na may bigat na halos 50 kilograms.

Lumipas ang ilang segundo at naging minuto, ang looban ng 50 kilogram na bato ay dahan-dahan na nilalantad sa lahat.

Ang pangalawang kulay ng bago ay ibinuntag, nahulog ang puso ni Wan He Yun...

Tapos na… wala itong laman...

"Hahaha, ang yabang ng babaeng ito kanina at muntikan niya na akong makumbinsi na may magandang laman ang bato. Sa huli, isang piraso lang pala ng yellow jade ang laman nito?"

Pinakamababang uri ang yellow jade sa lahat ng mga jade.

"Ang babaeng ito ay gumastos ng maraming pera para dito, ngunit ang nakuha niya lang ay walang kwenta na isang piraso ng yellow jade?"

Sa oras na ito, biglang tinawanan ng mga tao ang jade na lumabas sa 50-kilogram na bato.

avataravatar
Next chapter