862 Isang malaking surpresa!?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang masama kung aalis at mag-isang magsisimula muli si Han Xian Yu, pero mas pinili niya pa rin niya na sumama sa kumpanya ni Ye Bai. Mas pinili niyang mapunta sa maliit na kumpanya na ito kaysa manatili sa Worldwide. Ito ay isang malakas na sampal sa mukha ni Chu Hong Guang...

Nagsimula nang magtrabaho si Ye Wan Wan at ang iba.

Ngayong araw, pupunta si Ye Mu Fan sa event ng Fashion Association habang sila Fei Yang at Han Xian Yu at papunta sa isnag interview sa Imperial City Tv, sila Luo Chen at Gong Xu naman ay dadalo sa meet-and-greet session ng kanilang mga fans habang kasama nila ang kanilang mga assistants. Kinumpirma naman ni Ye Wan Wan ang film site at nagmamadali na siyang pumunta ngayon sa opisina...

Nagpapahinga siya ng dalawang oras sa hapon bago niya ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Iniisip niya muna kung pupunta siya sa Si Corporation upang puntahan si Si Ye Han sa dalawang oras na bakante niya. Naging abala silang dalawa nitong mga nakaraang panahon kaya minsan na lamang sila nagkikita - tatlong araw na silang hindi nagkikita!

Naisip ito ni Ye Wan Wan nang nilabas niya ang kanyang phone, ngunit bigla itong nag-ring nang inilabas niya ito. Tinatawagan pala siya ni Si Ye Han.

Dali-daling sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag. "Hello, darling~ nagkataon na tumawag ka dahil iniisip pa naman kita! Nasa opisina ka ba? Pupuntahan kita diyan at sabay na tayong mag tanghalian, okay ba yun sayo?"

"Nandito ako sa opisina mo." Ang normal na walang pakiramdam ni Si Ye Han ang sumagot.

Nagulat si Ye Wan Wan. "Ano? Opisina ko? Pumunta ka sa opisina ko?"

Si Ye Han: "Dinalhan kita ng tanghalian. Pumunta ka na lang dito."

Naramdaman tuloy ni Ye Wan Wan na pinapahalagahan siya!

Dinalhan talaga siya ni Si Ye Han ng lunch date na punong-puno ng kanyang pag-ibig kay Ye Wan Wan!

Mabilis na ang pag-angat ng kanyang EQ...

Sabik na tumango si Ye Wan Wan. "Sige sige sige, lilipad na ako papunta diyan! Hintayin mo ako! Nasa entrance na ako - mabilis na akong makakapunta diyan!"

"Ikaw…" may sasabihin pa sana si Si Ye Han ngunit binaba na kaagad ni Ye Wan Wan ang tawagan nila.

Nag-drift ang kotse at pinarada ito ni Ye Wan Wan sa gilid ng kalsada at mabilis niyang pinindot ang pindutan ng elevator.

Napadali ang pag akyat niya sa elevator dahil naka diretso ito sa kanyang opisina.

Pagka-akyat niya, nagmadali si Ye Wan Wan na pumunta sa kanyang opisina.

Pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya nakaupo sa sofa ng opisina niya Si Ye Han.

Nakatanggal ang kanyang blazer at ang suot niya ay light grey na knitted top at may puting shirt sa loob. May hawak siyang isang foreign language na libro na ginamit ni Ye Wan Wan bilang dekorasyon sa kanyang shelf, mukhang nagustuhang basahin ni Si Ye Han ang librong ito. Ang sikat ng araw ay tumatama sa bintana at sumisikat sa buong silid kaya isang perfect painting ang pagkakataon na ito...

Parang lumipas ang tatlong seasons kapag lumipas ang isang araw na hindi mo nakapiling ang iyong iniibig~

Nabighani si Ye Wan Wan sa gwapong lalaki na nasa harapan. Kinandado niya ang pintuan ng opisina at tinapon niya ang kanyang bag at susi ng sasakyan sabay tumakbo siya papunta kay Si Ye Han. Ang dalawang braso niya ay nakalagay sa likod ng sofa at hinalikan niya ang lalaki. "Darling, mahal na mahal kita!"

Kakaiba ang ekspresyon ni Si Ye Han nang bigla siyang hinalikan ni Ye Wan Wan...

Hm? Bakit kakaiba ang tingin sa akin ni Si Ye Han?

Nagtataka si Ye Wan Wan nang bigla niyang narinig ang "dong" sa isang gilid…

Gumulong ang apple sa kanyang paanan...

LHabang nabibighani si Ye Wan Wan sa ka-gwapohan ni Si Ye Han, bigla niyang napansin na hindi lang pala si Si Ye Han ang tao sa loob, may iba pa palang tao sa loob ng silid...

Nanigas ang buong katawan ni Gong Xu sa posisyon na hawak niya ang mansanas at nagulat siya sa kanyang nakita. Nagulat din si Luo Chen na kanina'y kausap lamang si Han Xian Yu at si Han Xian Yu at nagulat na rin nang makita niya ang ginawa ni Ye Wan Wan...

Nanahimik ang buong opisina at para bang tinusok ang accupuncture points ng lahat ng tao na nasa loob ng silid kaya nanigas silang lahat...

Umungol na parang bulkan na sasabog na ang puso ni Ye Wan Wan!

SH*T!!!!!!!!

Anong nangyayari?!

Bakit may ibang tao sa opisina!

Hindi ba't may gagawin pa ang mga ito sa mga darating na araw?

Si Ye Han, bakit hindi mo sinabi sa akin na may ibang tao pala dito ahhhhhhhhh!

Makikita sa mga mata ni Ye Wan Wan ang pag-ngawa niya.

Sa pagkakataon na ito, si Ye Wan Wan sa nasa kabe-don posisyon pa rin.

Dineretso ni Si Ye Han ang medyo nalukot niyang kwelyo at sinabi niya, "Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na sabihin sayo."

Ye Wanwan: "…!!!"

avataravatar
Next chapter