603 Isang malaking mapang-api

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nasa anong panahon tayo - laging nanloloko at nandaraya ng mga tao, hinuhuthut ang kanilang pera!" *dura*

Nang makita ng gwardiya ng Dark Team 4 ang nakabibighaning Taoist devotee, ang isa sa kanila ay dumura sa kaniyang paa.

Kaagad na tumigil ang Taoist devotee, yumuko upang tignan ang kanyang paa saka inangat ang kanyang ulo at nagtanong sa bodyguard, "Bro, ikaw ba ang dumura sa aking sapatos?"

Nang marinig 'yon, nangasar ang bodyguard. "Oo, tama ka. Ginawa ko nga. Ano naman ngayon? May problema ba?"

"Wala wala wala." mabilis na itinango ng nakabibighaning Taoist ang kanyang ulo. "Walang problema, nagtatanong lang ako."

Ang miyembro ng Dark Team 4 ay nagtawanan - buti na lang marunong makiramdam ang hangal na ito.

"Umalis kana, huwag ka maghanap dito." pinalayo siya ni Yuan Sheng.

"Sige, sige." tumalikod na ang nakabibihaning devotee at umalis.

Gayon pa man, nakakadalawang hakbang pa lang siya bago siya tumalikod.

"Tadhana ang nag dala sa amin dito - bakit hindi ninyo hayaang hulaan kayo ng mahirap na Taoist ngayon…" hindi na naghintay ng sagot pa ang nakabibighaning Taoist. Kaagad niyang pinikit ang kanyang mata, nagsimulang kumanta at igalaw ang kanyang daliri.

Hindi nagtagal, binuksan ng nakabibighaning devotee ang kanyang mata. "Masama, masama, natatakot ako na kayo ay makakasagupa ng isang madugong kalamidad!

"Anong sinabi mo?!" ang gwardiyang dumura sa Taoist devotee ay nagalita at siya ay sumigaw.

Sinumpa ako ng taong ito ng isang madugong kalamidad?!

"Ang sabi ko kayo ay makatatagpo ng isang madugong kalamidad…" seryosong inulit ng nakbibighaning devotee.

"Nanay mo! Kapag nagpatuloy ka pang magsalita ng walang kwenta, papatayin kita! Umalis kana!"

Kaagad na lumapit ang bodyguard at sumugod sa patungo sa Taoist devotee.

"Sige, sige. Kalimutan mo na iyon kung hindi ka maniniwala sa akin! Pero sino ang magbabayad sa panghuhula ko? $1,000. Salamat."

Matapos sabihin iyon, inabot ng deboto ang kanyang kamay sa bodyguard.

Nang masaksihan ang sitwasyon na ito, ang dulo ng kanyang mga labi ay nangiwi. Ang debotong ito ay nagmula sa limang-miyembrong MLM group nakakagulat? Hindi ba niya makitang napakaraming miyembro ang Dark Team 4? Para sabihin sa kanila na magkakatagpo sila ng isang madugong kalamidad, naghahanap ba siya ng away?

Tulad ng inaasahan, ang bodyguard ay bilang sumigaw sa galit. "Gusto mo na bang mamatay!"

Pagkatapos nito, ang kamao ng bodyguard ay napunta sa mukha ng deboto.

Nang makita ito ng deboto, ang mga gilid ng kanyang mga labi ay umangat ng kaunti, nakita ang isang kakaibang nakakatakot at malamig na ngiti.

Sa sandaling iyon, nakita nilang lahat ang horsetail na panghalo sa kamay ng deboto ay nakataas. Bago pa malaman ng iba ang nangyari, nakita na nila na lumipad ang katawan ng bodyguard; lumipad siya ng sampung metro bago siya bumagsak sa lapag ng malakas.

"Whoa!"

Sumuka ng dugo ang bodyguard; namutla ang kanyang mukha at nanginig ng malakas ang kanyang katawan.

"Ay… Kasasabi ko lang sa iyo na makakatagpo ka ng madugong kalamidad… itong kawawang Taoist na ito ay tama, ngunit hindi pa din kayo nagbayad - malaking mapangapi." Ang nakabibighaning debotong Taoist ay umiling at nagmukhang kaawa-awa .

Nagulat si Ye Wan Wan ng makita niya ang nangyari at isang ideya ang dumaan sa kanyang isipan.

Eksperto...

Kahit na ito ay isang kilos lamang, nasabi na agad ni Ye Wan Wan na ang debotong Taoist ay hindi isang simpleng lalaki.

At mas magaling pa siya sa kanya!

"Patay ka!"

Sa isang iglap, hindi mabilang na bodyguard ang pumalibot sa nakabibighaning deboto.

"Itong kawawang Taoist ay handang basahin ang inyong kapalaran!" Tumingin ang nakabibighaning deboto sa mga bodyguard at yumuko, pinipisil ang kanyang mga daliri na para bang siya ay nagiisip.

Sa isang iglap, inangat ng nakabibighaning deboto ang kanyang ulo ay tumingin sa mga bodyguard na nakapaligid sa kanya. "Kayong lahat… ay makakatagpo rin ng isang madugong kalmidad."

"Mama mo kalamidad!"

Sumigaw sa galit ang mga bodyguard.

avataravatar
Next chapter