417 Isang leksyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ni Xu Yi ito, kinunot niya ang kanyang kilay. Walang pakialam kung mabastos niya ito, sumingit siya sa sinabi ni Feng Qin Yu at nagpaliwanag, "Miss Feng, hindi pa ako tapos sa aking sinasabi. Hindi ito ang ibig sabihin ko…"

Bago pa man makatapos si Xu Yi, kinutya niya ito pabalik, "Sino ka nga ulit? Kinakausap ko ang aking ama. Sino ka ba para sumingit? Hindi mo nga kayang protektahan ang iyong master; Anong punto ng pagkakaroon ng walang kwentang basura tulad mo sa mga Si?"

Namula ang muhka ni Xu Yi mula sa mga sinabi at ang kanyang kamay ay mahigpit na nakatikom. Kahit na si Eleven, na magsasalita sana, ay natahimik na lang.

Tinignan ni Feng Qin Yu si Ye Wan Wan na may pagkasuklam sa kanyang mata. "Tutal siya ang pinili ni 9th brother na maging maybahay, dapat nanatili siya kasama nila sa sitwasyong iyon. Kahit sa harap ng kamatayan, hindi lang siya ang dapat makatakas ng buhay!"

"Ang duwag na babaeng ito ay nagpabaya kay 9th brother at sa iba, may pakialam lang siya sa kanyang sarili - papaano niya magagampanan ang posisyon ng pagiging maybahay? Ayon sa patakaran ng mga Si, ang pagiwan sa iyong pamilya ay sapat ng rason para paluin ka ng mga batuta hangang sa mamatay ka at ipakain sa mga aso!"

Ang pagpapalayas kay Ye Wan Wan ay masyadong mababang kaparusahan para sa kanya.

Ang mga ibang mga elder ay nakisimpatya ng tignan nila si Ye Wan Wan at sumangayon sila.

"Tama si Qin Yu. Pinalabas lamang siya ni Elder Feng - hindi na siya pinahiya nito."

"Kahit ano pa man ang katayuan niya dati, sa oras na iwanan niya ang kanyang pamilya, wala na siyang dapat na kahit anong ugnayan sa mga Si!"

"Tutal iniisip niya na hindi siya taga-labas at nagpupumilit siyang panghawakan ang titulong ito, tuparin natin ang gusto niya at itrato natin siya ng tama gamit ang patakaran ng pamilya!"

Ng makita niya na hindi pa din nagsasalita si Ye Wan Wan, dahan-dahang lumapit si Feng Qin Yu papalapit sa kanya at tumawa ng kaunti, "Tsk, bakit hindi ka nagsasalita simula ng banggitin ko ang patakaran ng pamilya, ha? Diba gusto mong panghawakan ang titulo ng maybahay? Hindi mo na ba ito gusto ngayon?"

"Babalaan na kita, madami na ako nakitang babaeng tulad mo na gumagawa ng mga hindi ka nais nais na paraan para sa pera at kapangyarihan. Gusto mo pa din maging maybahay? Nakikita kong hindi ka sapat kahit na bilang laruan lamang ni 9th brother!"

Nang makita niya na inaatake siya ng taong ito, tinignan niya ng kakaiba ang babae ng maalala niya ang nga nangyari sa kanila sa dati niyang buhay.

Nagkita ulit tayo Feng Qin Yu...

Mabilis na nagbago ang itsura sa mga mata ni Ye Wan Wan; una, binigyan niya ng senyas sa mata na kumalma sina Xu Yi at Eleven. Pagkatapos, tinignan niya ng normal si Feng Qin Yu. "Miss Feng, maari ba akong magtanong?"

Kalmadong nakatingin si Feng Qin Yu, "Sige, itanong mo na!"

Gusto ko makita kung ano pa ang mga alas na kanyang hawak sa mga panahong ito!

"Ayon sa sinabi mo Miss Feng ngayon lang, pinahihintulutan mo ang katayuan ko bilang maybahay, tama?" tanong ni Ye Wan Wan.

Nagkibit balikat si Feng Qin Yu at sinabi ng may pangungutya at pagkamuhi. "Pinahintulutan ka na ni 9th brother at lola, bakit ako kokontra?"

Ito ay tangang babae, nagtatago pa din siya ng mga ganito hanggang sa puntong ito.

Ng marinig ito ni Ye Wan Wan, tumango siya at humarap kay Xu Yi, "Housekeeper Xu, may patakaran ba ang pamilya kung paano parusahan ang mga nambabastos sa mga nakakataas sa kanila at ang hindi rumirespeto sa maybahay?"

Madaling sumagot si Xu Yi, "Ayon sa patakaran ng pamilya, ang taong hindi rumespeto sa maybahay ay parurusahan ng matindi…"

Sa panahon na narinig ang mga salita ni Xu Yi, isang malakas na sampal ang umalingawngaw.

Binigyan ni Ye Wan Wan si Feng Qin Yu ng isang malakas na sampal sa ilalim ng mga nakatungangang tingin ng lahat.

Naguluhan si Feng Qin Yu. Nakatayo siya hawak ang kanyang mukha blanko ang tingin at ang iba ay tahimik at nakatulala; kahit ba ang old madam na nakatingin lang sa gilid ay nabigla sa nangyari.

Sa ilalim ng gulat na tingin ng lahat, binaba ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at nagsalita ng normal at kalmado, " Hindi na kailangan na parusahan siya ng marahas - hayaan niyo na lang na ang sampal na ito ang maging leksyon ni Miss Feng."

avataravatar
Next chapter