845 Isang labis na opinyon ng isa sa kanyang sarili

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mapagkumbabang tugon ni Lucy Yang, "Hindi, lahat ng papuri ay kay chief editor Liang at sa photographer!"

Sobrang natutuwa si Cai Yongsheng. "Chief editor Liang, masyado kang mabait. Sana magkaroon pa kami ng mga oportunidad na makatrabaho kayo sa hinaharap!"

Mabilis na sinabi ni Liang Chong, "Syempre! Karangalan ang magtrabaho kasama ang magaling na manager tulad ni Direktor Cai!"

Nagsasalitan ng mga papuri ang lahat at nag-uusap nang biglang nabalutan ng katahimikan ang hangin.

Sa pintuan, sina Ye Wan Wan, Ye Mu Fan, Gong Xu at Luo Chen.

Si Chai Yong Li ang tumulong sa kanilang makakuha ng mga ticket. Kung hindi, hindi sila iimbitahin ng host dahil sa pagbabawal ng Worldwide.

Kumaway si Xiao Yu Tong. "Mr. Ye, dito!"

Lumapit sina Ye Wan Wan at ang iba. "Yu Tong-jie, ang ganda mo!"

Namula si Xiao Yu Tong, "Salamat! Kayong apat ang gugwapo - halos nabulag na ako sa inyong apat!"

Nang makita si Ye Wan Wan na kasama si Chai Yong Li, nanuya ang maliit na artista sa tabi ni Lucy Yang, "Birds of the same feather flock together, huh! Ang Ye Bai na 'yon ngayon ay sapat na para makasama ang mga wala sa usong kumpanya!"

Kumaway si Luc Yang. "Sayang lang sa kanila. Kung wala ang Worldwide na tumutulong sa kanya, hindi makakatrabaho ni Ye Bai ang kumpanyang tulad ng Beauty."

"Naalala ko nang gusto natin na magkaroon ng ilang mga shot para sa cover. Hindi lang sa hindi sumang-ayon si Ye Bai, pero nagbabala pa siya na tayo ang may responsibilidad para sa mga kalalabasan pero ngayon? Ito na ba ang mga kalalabasan na sinasabi niya? Haha…"

Ang ilang mga artista at fashion icon sa tabi niya ay gulat na nagsalita, "Nangyari talaga 'yon? Akala ko may magandang panlasa si Ye Bai? Rinig ko magaling siya sa PR at sa pagplano!"

Sabi ng maliit na artista, "Kaya gumanap siya bilang isang magaling na tao, pero sa katotohanan, sumobra ang kanyang kasikatan sa kanyang nararapat…"

Hindi natutuwa si Cai Yongsheng. "Akala ng lalaki na magaling siya dahil sa vice-president siya. Kung hindi dahil sa tito kong sinusubukang palayasin si Zhuo Wenbin, madali bang makukuha ni Ye Bai ang kanyang estado? Isa lang piraso ng chess ang lalaking iyon sa kamay ng tito ko, pero hindi niya pa din napagtanto ang kanyang posisyon at akala niyang importante siyang dibuho!"

Tumawa si Liang Chong. "Oh well, ganyang ang mga kabataan. May grabe silang opinyon sa sarili nilang abilidad!"

Nagliwanag ang mga mata niya habang nagsalita at sinabi na may mahinang ngiti, "Rinig ko din na umikot si Ye Bai at nagtrabaho kasama ang VIVI?"

Tumawa si Lucy Yang nang marinig iyon, "Oo, tama. Kinopya din nila kami - couple shot din ito, pero sila Gong Xu at Luo Chen, dalawang matandang lalaki, magkasama sa cover. Naabot na nila ang kanilang limitasyon at iniwan ang sarili nila sa desperasyon, huh?"

Umiling si Liang Chong at huminga ng malalim, "Ay, no'ng nakaraan, tinuring ang VIVI bilang senior natin at lumang pangalan sa fashion industry. Hindi ko inasahang ibababa nila ang sarili nila at makikipagtrabaho sa kahit sinuman…"

Mabilis na sinabi ni Cai Yongsheng, "Haha, paano maikukumpara si Chai Yong Li, ang bulok na iyon, kay chief editor Liang? Tawag ng lahat sa 'yo ay isang leader sa fashion industry ngayon!"

Nagbigay ng thumbs up si Cai Yong Li.

Natuwa si Liang Chong sa pagdila sa kanyang sapatos. Sabi niya, "Oo nga pala, para sa espesyal na publisidad natin ngayon, napili ko na si Lucy…"

Nagulat si Cai Yongsheng at agad na hinila si Lucy Yang para magbigay ng toast kay Liang Chong, "Maraming salamat! Lucy, magbigay ka ng toast kay chief editor Liang…"

Maya-maya, natapos na ang party. Nasa pintuan na sina Ye Wan Wan, Chai Yong Li at ang iba, paalis na, nang biglang tinawag si Chai Yong Li.

Nakita lang nila ang isang babae na nakasuot ng mahal na customized evening gown na may pulang fur waistcoat. May pihikan siyang mukha at may yamot sa kanyang mga tingin habang nakatingin kay Chai Yong Li.

avataravatar
Next chapter