972 Isang kompletong pamilya ng tatlo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang kanyang mainit na boses na bumulong "hubby" sa tabi ng kanyang taenga si Si Ye Han ay nanigas.

Sa sumunod na sandali, isang malapad na kamay ang dumampi sa likod ng ulo ng babae at diniinan ang halik...

Natawa ng bahagya ang munting sora na si Ye Wan Wan. "Ngayon na mayroon na tayong anak, ang pet name ko para sayo ay kailangan mabago. Masaya kaba sa bagong palayaw na ito?"

Sumagot si Si Ye Han ng kagat ang labi ni Ye Wan Wan, gamit ang kanyang kilos upang sagutin ang kanyang katanungan.

Bigalang naisip ni Ye Wan Wan at isang bagay at sabik na tumayo. "Ah, tama. Tatlo ang dumating na set ng parent-child. Mayroon kay Tangtang, sa akin, at sayo! Pwede tayong mag mukhang isang pamilya sa pamamagitan ng sama-samang pagsuot ng set!"

Pamilya ng tatlo...

Si Ye Han: "…"

Talagang propesyonal ni Ye Wan Wan.

Malinaw na ayaw niya sa kahit anong magulo at ayaw din niyang makipag halubilo sa mga bata. Hindi niya lubos maisip na talagang kaya niyang pangalagaan ang isang bata ng ganito kaayos.

Parang ito ay isang panandalian bagong interes. Malamang ang rason ng kanyang pagka-interes sa bata ay marahil sa itsura nito.

Tumalikod si Ye Wan Wan upang magpalit saka niya inabot kay Si Ye Han ang damit.

Nakasuot ng overalls si Ye Wan Wan na gawa sa parehong materyal tulad sa suot na pantalon ni Tangtang. Sa loob ng overall, suot niya ang parehong t-shirt na may pink na cartoon pig. Mukha siyang isang high-schooler.

"Ah-Jiu, dali suotin mo din ito! Kailangan kumpleto ang isang pamilya at sama-sama!" Sabik na pinilit siya ni Ye Wan Wan.

Tumingin si Si Ye Han sa t-shirt na nasa kanyang kamay na may pink na cartoon pig.

Maliwanag, na ang isang tao ay hindi pa kailan man nakakapagsuot ng pambata sa buong buhay niya...

Ye Wan Wan: "Hubby? Hubby?"

Si Ye Han: "En…"

Matapos ang ilang oras:

Bumaba na si Ye Wan Wan at Si Ye Han matapos nilang magpalit.

Hindi makapagsalita ang grupo ng lima na nakatago ng makita nila ang pagkakapareha ng pamilya ng tatlo. "..."

Black Widow, na kilala sa pagkakaroon ng maraming lalaki at si Si Ye Han, na ang usap-usapang demonyo na pinuno ng pamilya na hindi interesado sa babae, ay talagang nakasuot ng isang pambatang parent-child na set ng damit kasama ang kanilang anak…

Ang eksenang ito… kung hindi nila ito nakita ng sarili nilang mga mata… hindi nila ito kailan man maiisip...

Natural, mayroong tao na mas magugulat kaysa sa grupo.

Xu Yi, na nag-aalala buong gabi na baka may mangyari sa kanyang master, na hindi pa umaalis sa Little Rose Garden at gising at buong gabing on call.

Sa wakas nagawa niyang maghintay hanggang umaga at bilang resulta, nasaksihan niya itong mahimalang larawan…

Ito… ano ang nangyayari dito…

Napansin ni Ye Wan Wan si Xu Yi, na nasa may sala at gulat na sinabi. "Huh? Housekeeper Xu, nandito kapa?!"

Xu Yi: "…"

Lagi lang akong nandito, okay?! May nakakatakot na nangyari kagabi! Paanong aalis na lang ako?!

Nakita ni Ye Wan Wan ang itsura ni Xu Yi at mamadaling napagtanto ang bagay na nangyari kahapon. Hindi niya naipaliwanag ang mga bagay bagay ng malinaw, kaya siya siya lumapit at binulong ang lahat sa kanya.

Xu Yi: "…!!!"

Ano?

Nag-aalala ako kagabi, pero ang totoo ay nag-aalaga lang sila ng anak ng ibang taom nagpapanggap bilang totoong magulang?!

Kahit na mayroon siyang ligaw na imahinasyon, hindi niya aakalahin ang posibilidad na ito!

Tanging aaminin lang niya… ang pagkatalo!

Tumatakbo upang angkinin ang isang bata- paanong madaling natanggap ito ng kanyang master?

Gulat na tumingin si Xu Yi sa kanyang master.

Nakita niya ang isang matanda at bata na nakasuot ng magkaperhang damit, magkakaharap ang bawat isa sa hapa-kainan.

Kaswal na kumakain si Si Ye Han ng almusal habang binibigyan ang munting bata ng isang poached egg.

Sila ay tila… sanay na sa lahat...

Kaya mula simula hanggang dulo, ang tanging nag-iisang magulo ay ang kanyang sarili...

avataravatar
Next chapter