668 Isang hangad na pakasalan siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumingon si Wan Shanshan si Ling Shaozhe at sinubukang makipag-usap sa kanya. "Shaozhe, 'wag ka ng magalit. Kukuha ako ng tao para mag-viral ang post mo mamaya! May mga tao na maghihigante para sa 'yo - antayin mo lang at tignan mo kung paano nila pagsusumpain si Gong Xu! 'Wag mong ibaba ang sarili mo sa pakikipag-away sa walang kwenta, at mayamang bata!"

Nang marinig ito, dahan-dahang kumalma ang madilim na itsura ni Ling Shaozhe.

Kahit na sikat na siyang baguhan pa lang, magkabilang mundo ang reputasyon niya at ni Gong Xu.

Ang mayaman na batang iyon ang magpapabagsak sa sarili niya balang araw!

Habang nag-aabot ng mga regalo si Xiao Qing ng mga regalo sa mga tauhan, lumapit si Ye Wan Wan kay Xiao Chen. "Xiao Chen, subukan mo 'tong gamot. Parehas lang kayo ng sitwaysyon ng girlfriend ko - ilang araw siyang lubhang sinasakit tuwing buwan. Nakahanap siya ng isang sanay na matandang Chinese na doktor at bingyan siya ng reseta. Sabi niya epektibo daw 'to, kaya subukan mo."

Sa totoo lang, nakuha ito ni Ye Wan Wan kay Sun Bai Cao; at hindi nagkakamali at payo ng alamat na si doktor Sun.

Miyembro ng stage management crew si Xiao Chen. Tinignan niya ang gwapong mukha ng lalaki at namula ito. "Ah… ito… ang bait niyo naman! Maraming salamat!"

Sabi ni Ye Wan Wan, "Wala 'yon, hayaan mo na! Gayunpaman, ako ang dapat nagpapasalamat sa 'yo - salamat sa pag-aalaga mo kay Luo Chen!"

Ang stage management crew ay mukhang kakaibang mga trabaho lang ang hawak nila, pero ang ayusin ang mga samu't saring mga bagay para sa buong crew, pakilusin ang lahat, magbigay ng mga gawain, at ayusin ang mga pang araw-araw na bagay ay inatasan sila na maging listo at mapagmatyag.

Halimbawa, base sa nangyari ngayong araw, maraming naitulong si Xiao Chen...

"Ayos lang, masaya akong natulungan kita. Hindi ko kinakaya kapag may mga inaapi sila!" mahiyaing sabi ni Xiao Chen bayo napuno ng pagsisisi ang mga mata niya.

Sa unang beses na nakilala niya si manager Ye habang ang unang shooting ng drama. Sobrang hirap siya sa sakit dahil sa regla niya na hiniling niyang patay na lang sana siya, pero sa mga oras na iyon, masyado silang abala at hindi siya makaalis. Para sa isang maliit na tauhan na tulad niya, nagawa niya na lang subukang tiisin ang sakit.

Si Ye Bai lang ang tanging nakapansin na may sakit siya at pinadala niya ang assistant niya ng maligamgam na tuwalya, brown na asukal na tubig, at mga gamot. Sinabihan din ni Ye Bai ang assistant niya na pagaangin ang trabaho niya.

Sa sandaling iyon, isa lang ang nasa isip ni Xiao Chen: isang hangad na pakasalan siya...

Ay, sayang, ang isang lalaking katulad niya ay may kasintahan na...

Sa hindi kalayuan, pinanood ni Gong Xu habang ang miyembro ng stage management crew na si Xiao Chen, ay tumatawa at namumula kasama si Ye Bai at hindi mapakali ang puso niya.

Maliit lang naman siyang miyembro - bakit kailangan na maging mabait ni Ye Bai sa kanya?! Talaga! Kung libre siya, bakit hindi siya lumapit dito at ako na lang ang aliwin?!

Naiinggit si Gong Xu nang makarinig siya ng mga papalapit na mga yapak.

"Gong Xu…" lumapit si Luo Chen kay Gong Xu at tumayo doon, nag-aalinlangan magsalita.

Agad na naging lumalaban na tandang si Gong Xu at tila bang naghanda sa laban. "Ano?"

"Ngayon lang…" tumigil si Luo Chen bago magpatuloy, "Salamat."

Agad na binalewala siya ni Gong Xu at hindi naging komportable sa sitwasyon. "Huwag mo akong tignan ng nakakasuka mong itsura. Hindi ko 'yon ginawa para sa 'yo!"

"Alam ko, pero, salamat pa din," taos pusong sabi ni Luo Chen.

Ye Wan Wan: "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?"

Nang makita na papalapit si Ye Bai, sabi ni Gong Xu, "Ye-ge, kailan mo ba ako bibigyan ng atensyon at mag-ensayo ng mga linya kasama ako?"

Ye Wan Wam: "Hindi ka pa handa para dyan."

Agad na bumagsak ang itsura ni Gong Xu. "Ganoon ba kasama ang pag-arte ko…?

avataravatar
Next chapter