1168 Isang halimaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"P*ta!!!"

May sumigaw sa tahimik na mga manonood, nasira ang katahimikan ang nagkaroon ng malakas na usapan.

"May manager na pala si Jiang Yan Ran? At si Ye Bai pala ang manager niya?"

"Ye Bai… hindi ba't si Ye Bai ang manager nila Luo Chen at Gong Xu?"

"Sh*t! Nakakatakot na nga na nakagawa siya ng dalawang Best Actor! Hindi nga ako nakakuha ng pagkakataon na maka-recover, tapos binigyan niya pa tayo ng Best Actress! Halimaw ba si Ye Bai?!"

"Parang nakakatakot siya?!"

Sa ngayon, nakaupo ng maigi si Chu Hong Guang na parang isang estatwa sa kanyang upuan. "Ano… anong sinabi ng babaeng ito?"

Gulat na gulat rin si Xiang Jie. Mabilis siyang nanumbalik sa tamang pag-iisip niya nang marinig niya si Chu Hong Guang at pinunasan niya ang kanyang pawis. Napalunok siya nang makita niya ang namumutlang mukha ni Chu Hong Guang na parang nawalan siya ng dugo sa mukha. Maingat siyang nagsalita, "Sin… sinabi ni Jiang Yan Ran na… ang manager niya ay si… Ye Bai… may manager na pala si Jiang Yan Ran…"

"Ye Bai?"

"Opo…"

Naging kulay atay ang mukha ni Chu Hong Guang nang marinig niya iyon. Nanginginig niyang hinawakan ang kanyang dibdib at wala siyang masabi...

Napatayo sa sobrang takot si Xiang Jie. "Chairman Chu! Chairman Chu, okay ka lang ba?"

Nanginginig na sinuri ni Chu Hong Guang ang kanyang katawan.

Mabilis na hinalungkat ni Xiang Jie ang maliit na bote ng medisina para sa puso galing sa katawan ni Chu Hong Guang at nilagay niya ito sa bibig niya.

Doon lamang nawala ang nararamdaman na sakit ni Chu Hong Guang, pero parang patay na ang mukha niya...

Sa isang saglit, biglang tiningnan ng masama ni Chu Hong Guang si Cai Yong Sheng.

Hindi na nagmalaki at takot na nakaupo si Cai Yong Sheng sa kanyang upuan nang makita niya ang nakakatakot na tingin ng kanyang tito.

Ito… malaking kasiraan ito!

Tao pa ba ang mokong na si Ye Bai?

Punyeta… kung alam ko lang… sana trinato ko ng maayos si Ye Bai noon pa man… at hindi na sana lumala ang sitwasyon natin...

Humihilab ang puso ni Chu Hong Guang at wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob. Naramdaman niya na parang nakikita niya ang masamang kinabukasan...

"Ahem… um… um… u-um…"

Sa kabilang panig, ang vice president ng Emperor Sky na si Tan Wei , ay nahihiya na rin. Hindi niya inasahan ang ang resultang ito...

Mas malalang resulta ito kung ikukumpara sa pagnanakaw ng Worldwide kay Jiang Yan Ran...

Wala siyang ideya kung saan banda nagkamali ang balita. May manager na pala si Jiang Yan Ran.

At ang manager niya ay si Ye Bai na galung sa kumpanya sa Age of Immortals, na nagta-trabaho sa ilalim ni Ye Mu Fan...

Siya ang confidant nila Ye Shao An at Ye Yiyi, kaya alam niya na nagiging malaking pagbabanta si Ye Mu Fan sa mga yaman nila Ye Yiyi at Ye Shao An at sa Ye family. 

Pinakita ng resulta ng Golden Orchid Awards ang desisyon ni Grandfather Ye...

Patay na tayo ngayon...

"Miss Yiyi… um…" walang ideya si Tan Wei kung anong sasabihin niya.

Mahigpit na nakabaon ang kuko ni Ye Yiyi sa kanyang palad at nakatingin siya ng masama kayla Ye Mu Fan at Ye Bai.

Sinira niya na siguro ang kanyang phone sa lapag at umalis siya kaagad kung wala lang mga camera na nakapalibot sa kanya.

Hawak ni Jiang Yan Ran ang kanyang parangal at dahan-dahan siya g bumaba sa entablado at lumapit siya kay Ye Wan Wan habang nakatingin ang mga gulat at manhid na itsura ng mga manonood.

Tumayo si Ye Mu Fan at tumayo rin si Han Xian Yu habang pumapalakpak.

Tumayo si Ye Wan Wan at inunat niya ang kanyang mga kamay habang nakangiti at nakatingin kay Jiang Yan Ran.

Hindi na maiwasan ni Jiang Yan Ran na tumulo ang luha sa kanyang mukha. "Sa totoo lang, matagal… matagal ko nang gustong sabihin ito sayo… salamat sayo…" 

Maraming salamat, Wan Wan.

avataravatar
Next chapter