98 Isang halik galing sa hunk

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inakala ni Ye Wanwan na hindi pupunta si Si Xia sa rehearsal ngayon kaya naman naglagay siya ng purple na lipstick.

Nakita niyang naglalakad papunta si Si Xia, walang malay niyang tinanong, "Um, gusto mong palitan ko ng kulay?"

Naalala niya kung gaano ka-ayaw ni Si Xia ang ganitong kulay.

Lumingon si Si Xia sa kanya at isang di-karaniwang sigla ang kumislap sa mata niya, "'Wag na, maganda naman."

Ye Wanwan: "...!!!"

Ano? Maganda?

Pwede bang may maligtas sa 'kin mula sa lalaking ito?!

Sa sobrang gulat ni Ye Wanwan na nag-umpisa na siyang mag-retouch ng kanyang make-up para kumalma siya, pero baluktot ang ang kanyang eyeliner habang nanginginig ang kanyang kamay at namantsahan niya pa ang kanyang lipstick.

Lumingon si Si Xia sa itsura ni Ye Wanwan at isang panandaliang ngiti ang lumitaw sa kanyang maamong mukha, pero sa sumunod na sandali, huminga siya ng malalim at sinabing, "Mag-ensayo na tayo!"

Tutal na si Si Xia ang gustong mag-ensayo mismo, ang kawan ng mga babaeng nakapalibot ay tila bang nanghina at napaupo nalang at 'di sinasadyang panoorin nalang ito.

Ang rehearsal ng huling aktong "Meet the Prince" ay nag-umpisa na.

Matapos na malason ni Snow White, isang prinsipe ang nakasakay sa kanyang puting kabayo ang naglilibot sa may gubat, naligaw ito at nakahanap ng isang maliit at makahoy na bahay sa isang kakaiba at 'di sinasadyang pagkakataon. Doon, nakita niya ang pitong maliliit na unano na nagluluksa para kay Princess Snow White.

Dahan-dahan lumakad si Si Xia papunta sa mesa kung saan nakahiga si Ye Wan Wan at tinitigan ang mukha ng babae nang kanyang malasalamin niyang mata na punong-puno ng malalim na emosyon at lungkot.

Lahat ng tao ay namangha habang nanunuod.

Wow! Ang galing ng pag-arte ng hunk ngayon ah!

Ang role ni Ye Wanwan sa eksenang ito ay sinubok ang lahat to the MAX-- kailangan isipin ng mga babae na ang "ugly freak" na ito ay ang pinakamagandang sa buong mundo, si Princess Snow White.

Matapos nito, ang nakakapagpabagabag na eksena ay mag-uumpisa na--ang prinsipe ay magbibigay ng halik ng true love para magising ang natutulog na Snow White.

Hinaplos ng marahas ang buhok ng babae ni Si Xia. Nang may isang brasong nakatukod sa gilid niya, unti-unti niyang ibinababa ang kanyang katawan...

Ang mga kilos niya ang naging dahilan para mamula ang mga babae; sa lakas ng tibok ng mga puso nito, gusto nilang sumugod sa entablado at humiga sa pwesto ni Ye Wanwan.

"Oh naiinis ako! Gusto kong mahalikan din ng hunk!"

"Sobrang bait at maamo 'yung hunk, pero kailangan niya pa din i-ensayo ang eksenang 'to!

"Pero may taong gustong samantalahin ang pagkaamo niya! Nakakahiya siya!"

Lahat sila ay nangalit ang mga ngipin. Nang may pagkirot sa kanilang puso, naghanda sila ng isang bote ng mineral water at basurahan para kay Si Xia.

Samantala, habang marahang hinahaplos ni Si Xia ang buhok ng babae, aksidente niyang nahawakan ang leeg nito at nanigas ang mga kamay nito.

Kasing kinis ng gatas ng kambing ang kutis ni Ye Wanwan; isang salita lang ang bumungad sa isipan niyang nang mahawakan ito: mainam.

Nagulat si Si Xia at mabilis na binawi niya ang kamay niya na tila ba para itong napaso habang ang dulo ng mga tainga niya ay nag-umpisa nang mamula. Agad niyang kinalma ang sarili niya, yumuko ulit ito at lumapit nang pa-unti-unti sa babae.

Si Cheng Xue, na nanonood, ay biglang tumayo at sumigaw, "Anong nangyayari?!"

Ang ibang mga babae ay nagulat din

Bakit hindi tumakbo si Si Xia gaya ng dati pag nakalapit siya ng ganto? Ngayon, talagang papalapit siya ng papalapit!

Nanood nalang ang lahat habang ang distanya sa pagitan ng dalawa ay lumiit. Kahit na kumukuha lang sila ng posisyon, hindi nila kailangan maging ganyan kalapit.

Damn! Anong nangyayari? Posible ba na gustong totohanin ito ni Si Xia?

Maski ang abalang si Ling Dong, na nanonood sa dulo ng silid, ay biglang nagbago ang expression nang mapagtanto niya ang nangyayari.

Kahit na nakapikit si Ye Wanwan, ramdam niya ang paghinga ni Si Xia. Nang maramdaman niyang parang may hindi tama, mabilis niya binuksan ang kanyang mata. Sa susunod na segundo, lumitaw ang mukha ni Si Xia na direktang nasa harap niya...

avataravatar
Next chapter