1008 Isang epic level master pacifier

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Classmate Ye, pahingi naman ng WeChat mo at sabay tayong mag-aral!"

"Classmate Ye, Classmate Ye, sa Advertising program ako! Interesado ka bang sumali sa club namin?"

"Classmate Ye, kwentuhan kita tungkol sa drama club…"

Mga kuya, pakiusap 'wag niyo akong kausapin! Delikado ang buhay ko ngayon!

Mabilis na nagsalita si Ye Wan Wan, "Pasensya na, pasensya na, nag-aantay ang boyfriend ko sa 'kin! Sa susunod na lang kapag pwede ako!"

"Hm? Boy-boyfriend?"

Talagang may boyfriend na siya?

Mabilis na nagulat ang mga lalaking lumapit sa kanya saka nabalot ng pagkabigo ang mga mukha niya...

Matapos na nakatakas si Ye Wan Wan sa mga taong iyon, mabilis siyang tumakbo patungo kay Si Ye Han.

Simpleng puting bistida lang ang suot ni Ye Wan Wan at walang suot na kahit na anong aksesorya. Gayunpaman, namumukod tangi pa din ang itsura niya. Kasing puti ng niyebe ang kanyang kutis, at kasing ganda ng isang litrato ang kanyang katangian, at tila bang mala-peach blossom ang kanyang mga mata...

Batid ni Si ye Han ang uri ng itsura ng mga lalake ng pinalibutan siya at tinignan siya.

Ninanakaw nila ang kanyang mahalagang pagmamay-ari.

"Tara, tara. Matagal ka bang nag-antay?" tanong ni Ye Wan Wan habang pinagmasdan ang kanyang itsura.

"Kakarating lang." binuksan ni Si Ye Han ang pinto ng kotse. HIndi mabatid ang kanyang mood mula sa kanyang itsura.

Matapos makapasok sa kotse, sabi ni Si Ye Han sa driver, na si Xu Yi: "Sa shopping center muna."

"Opo, 9th master." pinaandar ni Xu Yi ang makina, hindi na naglalakad loob na huminga.

Grabeng trahedya! Kung alam ko lang, mas binagalan ko pamagmaneho! Sinong mag-aakala na may makakasalubong si Miss Wan Wan na mga siraulong mga lalake...

"Maaga pa. Bumili muna tayo ng mga damit saka ka ayusan," sabini Si Ye Han habang nagbabasa ng finance at economics magazine, para bang walang nangyari kanina.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga daliri habang sinisilip ang walang bahala nitong itsura. Maingat siyang nagtanong, "Um, Ah-jiu, galit ka ba?"

Hinaplos ni Si Ye Han ang mga daliri at tahimik na sumulyap sa kanya. "Bakit naman ako magagalit?"

Sadyang nagpapanggap na ignorante si Si Ye Han na para bang walang nangyari.

Gayunpaman, tanging siya lang ang nakakaalam ng totoo.

Masyado siguro minaliit ni Ye Wan Wan kung gaano kapangit ang halimaw sa loob niya...

Isang sulyap lang kay Ye Wan Wan at ituturing niya na ang iba na para bang magkakumpitensya. Para sa walang siyang sabihin sa mga ganoong uri ng tingin kay Ye Wan Wan at pag-usap dito sa harap niya mismo...

Alam niya kung gaano kasama, kung gaano makasarili, at kung gaano intorable ang kanyang pag-iispip...

Talagang hindi pa nagbago ang kanyang pagiging mapang-angkin mula umpisa hanggang ngayon.

Ayaw niya lang matakot si Ye Wan Wan. Masyado lang siyang matakaw sa mga ngiti nito, kaya natutunan niyang ikubli ang sarili pa-unti-unti.

Kahit gaano pa kakalma at tahimik ang itsura niya sa labas, sobrang bulok naman ang mga loob-looban niya...

Pasikretong tinatasa ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. Sa katotohan, mas bumubuti ang uagali niya nitong mga nakaraang araw...

Kung hindi lang sa kayang pakiramdaman ni Ye Wan Wan ang mood niya matapos ang matagal na panahon na pagkakakilalan niya dito, baka talagang nalinlang na siya nito.

Matapos marinig ang sagot ni Si Ye Han, agad na sinabi ni Ye Wan Wan na walang pag-alinlangan, na may halong poot, "Hindi ka galit? Hindi ka galit, pero ako galit ako!"

Tinuro ni niya ang kanyang leeg at mabalasik niya itong pinilit, "Dali, dali, dali!"

Bahagyang kumunot ang mga kilay ni Si Ye Han, hindi maintindihan ang kanyang intensyon, "Ano?"

Balisang sinabi ni Ye Wan Wan, "Dali markahan mo ako! Lagi na lang may sumusubok na nakawin ang mahal mo! Nakakainis!"

Nagulat si Si Ye Han sa una at walang bahalang tinignan ang makinis niyang leeg. Saka natunaw ang pagkukunwaring walang bahala at kalmado nito sa mukha pa-unti-unti. Tila itong namulaklak na bulaklak mula sa abo ng kanyang patay at nabubulok na laman-loob...

Si Xu Yi, na nagmamaneho sa harap: "..."

Ang mga pamamaraan ng panunuyo ni Miss Wan Wan… kaya kong magsulat ng kwento tungkol doon...

avataravatar
Next chapter